Dingdong Dantes and Rhian Ramos reunite in an upcoming series that will tackle death

Rhian Ramos and Dingdong Dantes first teamed up in the hit primetime series Stairway to Heaven. After two years, the two will be reunited in an upcoming primetime series which will deal with death.


Matapos ang matagumpay na pagsasama nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa hit Korean adaptation na Stairway to Heaven bilang Cholo at Jodi noong 2009, tuluy na tuloy na ang balik-tambalan nila sa primetime ng GMA-7.

Sa interview kina Dingdong at Rhian ng showbiz program ng GMA News TV Channel 11 na In The Limelight, kung saan main host ang aktres, inamin ng dalawa na kakaiba ang konsepto ng pagsamamahan nilang proyekto ngayon na may working title na Sundo.

Sabi ni Dingdong, "That’s right. After our successful run ng Stairway to Heaven, eto na naman po kami at mag-o-offer sa inyo ng something new.

"Ito po ay kakaibang show na never pang na-tackle sa TV. So, it’s something challenging also for all of us."

Ayon naman kay Rhian, "Exciting itong project na ito. At saka may maisasagot na ako sa mga fans sa Twitter na hinihingi ito."

Sa story conference pa lang kamakailan ng pagbibidahan nilang proyekto, kitang-kita na ang excitement nilang dalawa dahil bukod sa kakaibang tema ng kanilang bagong show, tiyak na challenging din daw ang roles na gagampanan nila.

Ani Rhian, "Hindi talaga tina-touch yung konsepto ng death kasi parang masyadong dark. Excited ako kasi babaguhin yung treatment, gagawing hindi dark.

"Isa lang siyang part of life, interesting siya. Feeling ko marami tayong matututunan din sa show."

Dagdag pa ni Dingdong, "We wil get the feel of fantasy, of course a little bit of action.

"Tapos siyempre, ultimately it is a love story na talagang magbibigay drama sa mga manonood."

RHIAN ON MARIAN. Ngayong magsasama ulit sina Rhian at Dingdong, naungkat din ang naging intriga noon sa pagitan ng In The Limelight host at ng girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera. Kumalat ang tsismis na nagkaroon daw ng iringan ang dalawang aktres noon.

Pero paliwanag ni Rhian, "Before, yun nga, parang lagi akong tinatanong about that. Parang naintriga kami nang madalas, pero never na-confirm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, at least this time nakatrabaho ko na siya, nakatrabaho ko na si Marian [sa Show Me Da Manny], I feel naman... siguro naman, this time around hindi na kami iintrigahin since makikita nila kami together na wala namang [away] talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN