Christine Bersola-Babao gets threats from stalker

Christine Bersola-Babao got worried for her family’s safety after a stalker threatened her family. Christine recalled, "Kasi tine-threaten na niya si Julius, alam niya daw yung whereabouts ng mga anak ko, ’pababagsakin ko yung career ni Julius,’ o kaya ’alam ko kung asan nag-aaral yung anak mo, magkakaroon sila ng boils, tutubuan ka ng pigsa,’ mga ganun. Parang kukulamin daw niya ako, ganun."


Masayang-masaya ang TV personality na si Christine Bersola-Babao sa bagong morning show na kabibilangan niya sa Kapatid network, ang Kumare Klub. Kasama niya rito sina Amy Perez at Chiqui Roa Puno.

Isang nang Kapatid si Christine matapos nitong pumirma ng three-year exclusive contract sa TV5.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Christine noong Lunes, September 5, sa presscon ng Kumare Klub sa Annabelle’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Dito’y sinabi niyang masayang-masaya siyang maging bahagi ng "happy network."

"Happiness!" bulalas niya.

"Ang paglipat ko sa Kapatid network ay masasabi kong isa sa pinakamagandang desisyon na ginawa ko sa buhay ko recently as I turned 40.

"Kasi akala ko magse-semi-retirement mode na ako, hindi pala.

"Meron pa palang nakalaan para sa akin ang Lord na ganitong kalaking bagay para sa akin, na puwede ko pang gawin, na puwede ko pang magamit ang aking talent, yung aking skills.

"So, I’m very happy to be part of the happy network, isa na kong Kapatid!"

STALKER. Kamakailan lang ay may kumalat na usap-usapan na may "stalker" daw si Christine na isang babae.

Pero nakangiting sinabi ni Christine na, "Hindi na niya alam ang number ko kaya sana hindi na niya ako ma-trace."

Matapos nito’y ikinuwento niya kung paano nga ba siya na-contact ng naturang "stalker."

"Kasi sa dami ng binibigyan ko ng number, bigla na lang siya nag-text, tapos, ayun na, nagbebenta siya ng kung anu-ano.

"Una, pinagbigyan ko. Mamaya kung ano na naman yung binebenta, tine-turn down ko na nagagalit na siya, ayaw ko nang bumili.

"Kasi tine-threaten na niya si Julius [Babao, her husband]. Alam niya daw yung whereabouts ng mga anak ko, ’pababagsakin ko yung career ni Julius,’ o kaya ’alam ko kung asan nag-aaral yung anak mo, magkakaroon sila ng boils, tutubuan ka ng pigsa,’ mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang kukulamin daw niya ako, ganun."

Kaya naman, para mapalagay na ang kanyang loob ay minabuti ni Christine na magpalit ng cellphone number.

"So, yun, pinalitan ko na lang yung number ko, and tumigil na siya kasi hindi na niya alam yung number ko.

"Kaya ngayon, sinasabi ko sa binibigyan ko ng number ko, bago n’yo ibigay sa ibang tao, pakitanong lang muna ako kung okey lang."

Bagamat may nagtatangkang saktan silang magpamilya, sinabi ni Julius Babao, asawa ni Christine, na hindi na nila kailangan ng bodyguard.

Paliwanag daw ni Julius kay Christine, "Kasi sabi ni Julius, pag wala ka naman ginagawang masama sa kapwa kahit wala kang bodyguard, hindi ka tatalaban ng bala, mahaba ang buhay mo.

"Di ba, natsismis na nun si Antonia [her firstborn] na namatay siya dahil nabitawan, ganyan?

"Pero, ang ibig lang sabihin nun, hahaba ang buhay ng anak ko. Parang ganun yun, e, baligtad daw yun, di ba?

"So, wala ka naman siguro dapat katakutan kung wala kang ginagawa ’tsaka kung yung faith mo strong.

"Yun nga lang nainis lang ako dun sa stalker, hindi natakot, nainis ako sa kulit.

"Pero, okey na ako ngayon."

MARRIED LIFE. Ngayong balik-hosting na si Christine ng isang morning show, paano na kaya ang kanyang time para sa asawa niya?

"Ay, ako pa, may weekends!" natatawang sagot ni Christine.

Binabalak pa raw niyang magbuntis ulit, dahil apat na anak daw talaga ang gusto nila ni Julius.

Gayunman, baka magpahinga muna siya ng isang taon sa pagbubuntis.

"Siyempre, since bago yung Kumare Klub, for one year hindi muna ako magbubuntis.

"Kasi, di ba, ang papayat ng mga kasama mo? Payat-payat ni Amy, si Chiqui... lalaki na naman ako, ang hirap-hirap magpapayat, di ba?

"So, sabi ko, one year muna tapos magbubuntis ako. This time, twins, pray ko talaga twins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi 42 na ako by the time manganak ako, tumatanda na tayo, di ba?

"Pero gusto ko talaga four kids."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN