Boy Abunda on merging newscast of SNN and Bandila: "These are all human stories, these are all stories that had been told in different ways."

"It all came from me ang idea. Kumbaga, inaangkin ko na ako ang may ideya na magsanib-puwersa ang SNN ko at ang Bandila nila," declares veteran TV host Boy Abunda.


Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy Abunda sa set ng Showbiz News Ngayon (SNN) kagabi, September 6.

Kinunan namin siya ng pahayag tungkol sa nalalapit na pagkawala sa ere ng SNN at pagiging isa sa co-anchors ng late-night newscast ng ABS-CBN na Bandila. (CLICK HERE to read related story.)

Kinumpirma ng TV host ang balitang magwawakas na nga sa ere ang SNN, na halos tatlong taon ding tumagal sa ere. Pero nilinaw niya na hindi raw dahil sa "ratings" kung kaya mawawala na ito.

Ano naman ang gagawin ng isang Boy Abunda sa programang hard news gaya ng Bandila?

"Ako lang ang puwedeng mag-comment, pero sila [other anchors], they cannot.

"They can only read comments from the script. Pero ako I can comment!" napatawang sagot niya.

Hindi kaya ma-upstage niya ang mga orihinal na anchors ng Bandila na sina Julius Babao, Karen Davila, at Ces Drilon?

"Pakiramdaman kami ng mga iyan, kasi ako, puwedeng mag-opinyon, sila hindi puwede.

"Magkakaibigan naman kami ng mga niyan... Remember, I managed Julius and Karen, and Ces is a very good friend of mine.

"Kaya nga sa taping ng presentation episode, e, wala kaming kaproble-problema sa isa’t isa."

Dagdag pa niya, "Hindi ako magha-hard news dito. Lifestyle ako at showbiz.

"Papasok ako sa Bandila na may dala-dalang audience din.

"Alam naman nilang mas mataas ang rating ng SNN kaysa Bandila kaya palagay ko mas malaki ang dadalhin ko kaysa kabawasan."

Dahil din ba sa rating kung kaya biglang pinasok si Boy sa Bandila?

"Hindi naman," sambit niya.

"This is a practical move ng network. Sanib-puwersa.

"Kaysa naman pumapasok kaming lahat ng alas-dose o ala-una [ng madaling-araw], kaya dapat na tanggapin natin na ang primetime, narrative drama.

"So, that is the best decision," paliwanag niya.

BOY’S IDEA. Ipinaliwanang din ni Boy kung bakit nabuo ang desisyong pagsamahin ang SNN at Bandila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The suggestion of the merger, in one of the meetings I had with Cory Vidanes [ABS-CBN channel head], sinasabi kong it can be a tactical move, if showbiz and hard news can come together.

"It all came from me ang idea. Kumbaga, inaangkin ko na ako ang may ideya na magsanib-puwersa ang SNN ko at ang Bandila nila," pagmamalaki niya.

Dagdag pa ng TV host, matagal na raw ang suggestion niyang ito sa mga "big boss" ng Kapamilya network. May isang taon na raw nilang pinag-uusapan ito, bago pa nagkasakit ang kanyang ina.

Bakit naisip na pagsamahin na lang ang SNN at Bandila?

"Once in a while kasi, I do conversations with the big bosses of ABS-CBN.

"And bilang matagal na dito sa industriya, they will consult me from time to time, especially on matters that had something to do with talk shows.

"Isa ito sa mga pag-uusap namin," sabi niya.

Bakit kailangang magkaroon ng merger?

"Nung umpisa, it was so very difficult na tanggapin and I will be honest on that.

"Natural din namang may mga viewers na hindi magkakagusto sa mangyayari. Kasi yung iba, gusto nila puro hard news ang mapapanood nila.

"Pero as I have said, meron din namang bagong audience at meron din namang manonood dahil sa akin.

"Kasi sabi ko nga, give me a chance para patunayan na hindi jarring yung balita.

"Yung parang kagaya sa ibang bansa, ang balita ay balita... Ang balita tungkol sa artista at tungkol sa pulitiko, e, pareho.

"These are all human stories, these are all stories that had been told in different ways.

"Ibig sabihin, na may mga newscast na hindi sine-separate yung klase ng pagbabalita," paliwanag niya.

THE MERGER. Between SNN and Bandila, it is a fact na mas nagre-rate ang showbiz talk show ng ABS-CBN kumpara sa late-night newscast ng network. Bakit pumayag si Boy na mawala ang show nila ni Bianca Gonzales at isama na lang siya sa Bandila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa umpisa, malaking isyu ito," sabi niya.

"Isa sa mga dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy kami nung una naming pinag-uusapan ’yan, e, hindi kami magkakaunawaan kung paano ang gawin sa merger na ito.

"Kumbaga, ilan ba ang istorya ng news? Ilan ba ang istorya ng showbiz? Paano ba ang title ng show?

"Maraming katanungan na pinagtalunan namin.

"Hangang isinantabi lahat yun after ng first phase na pag-uusap na medyo tumahimik, kasi hindi kami magkakasundo sa mga katanungan na ’yan.

"Ngayon nga, e, nag-usapan ulit at nagkasundo na.

"Ngayon, bakit ako pumayag ngayon?" patuloy niya.

"There are certain things, na aside from the fact na convinced ako dun sa tactical move, na ang ganda nga naman na first time na magsasanib ang showbiz at hard news, parang starting concept, and I like to be a part of it.

"At saka isa pa, ang Bandila is a property. It’s a late-evening news.

"And to tell you, ang SNN, nung kinausap kami noon, e, pang-one season show lang dapat, at klaro yun.

"Pero inabot kami ng less than three years.

"Nung pumayag ako noon sa SNN, e, subok lang yun kung ma-sustain namin for one season.

"Pero na-sustain naman namin at tumagal kami ng halos tatlong taon. Magti-three years kami this February [2012].

"And isa pa, e, poste ang Bandila. Kumbaga, kahit saang network, merong primetime news at meron ding late-evening news.

"Hindi kasi kasama sa format ng primetime ang SNN."

THE NEW BANDILA. Ano ang magiging sistema nilang apat na anchors ng bagong Bandila?

"Dito, mag-o-open si Julius. Merong sariling headline si Karen, meron din si Ces, pero meron din ako.

"At ang exciting pa dito, e, meron pa akong one-on-one portion."

Dahil apat na sila sa show, madadagdagan din ba ang oras ng Bandila?

"Hindi naman, pabibilisin lang namin," sabi ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siguro, madadagdagan ng ilang minuto kasi pumasok na ako."

Sabi pa niya, "During the presentation episode, I did the Dulce interview. Ang ganda ng kinalabasan!

"Lahat ng mga bosses, e, napapa-wow talaga."

NOT ENTERING POLITICS. Ang ibig bang sabihin ng pagpasok niya sa Bandila ay papasukin din niya ang pulitika?

"Hindi, I think this is a practical move by the management," sagot niya.

"At first time ito na ginawa ng kahit na anong network na magsanib puwersa ang entertainment news at ang hard news.

"And I am very proud to say na I am a part of that merger.

"Hindi pa ito sinusubukan. Parati lang news at ang entertainment, nasa isang tabi lang.

"Pantay-pantay kami rito. I open and close the show with them.

"Kung meron silang mga linyang sasabihin, meron din ako.

"Hindi ako patatalo at hindi rin ito paghahanda para sa pulitika.

"Ako, magpapaka-honest ako, this is a new concept and I am excited.

"And hopefully this will strengthen the equity of the show.

"Yung pagsasanib-puwersa, sana, e, magpapalakas din doon sa lahat ng klase ng pagbabalita.

"Again, this is a practical move to create a win-win situation."

May isa pa raw importanteng dahilan kung bakit pumayag na rin si Boy na tuluyan nang isara ang SNN, pero nakiusap ito na i-off the record na lang namin.

MOTHER’S CONDITION. Hanggang sa Biyernes, September 9, na lang ang SNN. Pero sa October 3 pa pormal na ipakikilala si Boy bilang isa sa mga anchor na bagong bihis na Bandila.

Ito ay dahil sa kahilingan na rin daw ni Boy para mas may panahon siya sa inang may karamdaman.

"Kasi sa mga consultation ngayon ni Nanay [Lesing] sa bago naming doctor sa St Luke’s, e, hindi puwede na hindi ako kasama.

"Kasi ang laki ng pinagbabago ngayon ni Nanay. Pero daily, iba-iba pa rin ang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumplikado talaga ang kalagayan niya. Hindi dahil sa sakit niya, pero matanda na kasi siya.

"So, Friday, we are going for a consultation, kasi may nadiskubre ang doctor kung bakit medyo nakatagilid ang nanay. Kumbaga, may imbalance sa katawan.

"Kasi nung 1998, nagkasakit ang nanay ng ilang buwan at na-diagnose na meron siyang acute deficiency of vitamin B12. Na ngayon ay naglalaro sa ganung sistema.

"So Friday, magsisimba kami, then Lunes siguro, mga three to four days ko siyang ipapasok sa ospital for a series of tests para malaman ko kung kakayanin ni Nanay na ilalabas ko siya at dadalhin ko siya sa Singapore.

"Kasi advice rin sa amin ng doctor na kailangan din niyang mga lugar na bago sa kanyang paningin para makakaipon ng bagong memory.

"So, mga last week of September, meron akong limang araw na bakante.

"Napakalaki ng bagay na yun," pagwawakas ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN