Bea Alonzo denies avoiding Gerald Anderson at Star Magic Ball; not transferring to TV5

Bea Alonzo on issue that she and Gerald Anderson avoided each other at the recent Star Magic Ball: "Hindi naman kami nag-iwasan. In fact nag-hi naman kami sa isa’t isa. At we smiled to each other [pa] nung nagkita kami."


Sa presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng primetime series na Guns And Roses noong Martes, September 6, nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makapanayam ang lead actress ng serye na si Bea Alonzo.

Ginanap ang presscon sa 9501 restaurant, 14th floor, ng ELJ Building ng Kapamilya Network.

Anu-ano ba ang kaabang-abang sa Guns and Roses ngayon malapit na itong magwakas?

"Sobrang dami, may mga bagay na pati kami di naming naisip na mangyayari sa pagtatapos ng Guns and Roses," sabi ni Bea.

Ano ang nararamdaman niya ngayong matatapos na ang kanilang teleserye?

"Siyempre, nae-excite ako sa mga mangyayari.

"At the same time, pag naiisip ko na matatapos na kami, siyempre nakakalungkot.

"Kasi syempre, marami kaming na-build na friendship like any other soap na nagawa ko na in the past.

"Medyo nakakalungkot, kasi ending na.

"Siyempre, mas importante pa rin yung mai-o-offer ko sa audience."

BYE ROBIN? First time niyang makapareha si Robin sa TV. Sa pelikula kaya ay may posibilidad din silang magtambal?

"Sana. Sana hindi ito yung huli," asam ni Bea.

Anu-ano ang mga na-discover niya sa kanyang leading man sa mga panahong pinagsamahan nila?

"Iba talaga yung pagmamahal niya sa trabaho nya," matipid niyang kuwento tungkol sa actor.

ZANJOE LOVED IT! Sa nakaraang Star Magic Ball, sinabi ng rumored boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo na gustung-gusto raw niya ang suot na gown ng aktres.

Natawa naman nang malakas ang magandang aktres at sinabing, "Salamat. Nakakataba din naman ng puso that he said that he appreciated what I wore.

"Kung ano yung pinagtrabahuhan namin ni Liz Uy [her stylist that night]."

Marami ang nagku-comment na medyo nagulat sila sa gown ni Bea that night dahil napakaseksi raw.

"Seksi ba yun? Minsan ko lang naman gagawin at sa napakaimportanteng okasyon kaya ko rin naman ginagawa yun," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HI GERALD ANDERSON! Isa pa sa napansin ng mga dumalo sa Star Magic Ball ay ang pag-iiwasan daw nila ng rumored ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal ang sabay nilang pag-alis ni Gerald mula sa Star Magic Ball last year. Escort kasi ni Kim Chiu si Gerald, pero si Bea ang kasabay na umalis ng aktor.

Sabi ni Bea, "Hindi naman kami nag-iwasan. In fact, nag-hi naman kami sa isa’t isa.

"At we smiled to each other nung nagkita kami.

"Hindi naman sa nag-iiwasan kami, pero napakaraming tao nun.

"Even nga yung ibang tao, di ko na nalapitan kasi mahirap maglakad na naka-gown ka."

KAPAMILYA TO KAPATID? Nabalik ang aming usapan sa patapos niyang teleserye at kung ano ang plano after Guns and Roses. Pasakalye ito para maitanong namin ang intrigang paglipat daw niya sa TV5.

"Magbi-birthday na ako. Baka magplano ako kung anong gagawin ko sa birthday ko," kuwento niya tungkol sa nalalapit niyang kaarawan sa October 17.

"Siguro, konting bakasyon. Pero, may mga dapat din kasi akong gawing personal sa buhay ko.

"Tulad ng pagpapagawa nung interior ng bahay, may mga pagkakaabalahan."

Lately ay may lumabas na usap-usapan tungkol sa paglipat daw niya sa TV5. Kung sakali, malaking balita ito pag nagkataon.

"Right now, I’m happy naman. Happy pa naman sa management ng Star Magic," sabi ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN