Iza Calzado pleads with media to stop linking her to PNoy

"I’m not embarrassed for myself, I’m embarrassed for the President, for the whole situation. Na you know, nadidyahe ba na with all these things [that] are coming out. Nakakahiya talaga if you all talk about it. I hope next week wala na," says Iza Calzado about talks that she’s dating President Noynoy Aquino.


Nakikiusap na si Iza Calzado na kung maaari ay tigilan na raw ang pagli-link sa kanya kay President Noynoy Aquino.

"I’m not embarrassed for myself, I’m embarrassed for the President, for the whole situation," sabi ni Iza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Na, you know, nadidyahe ba na with all these things [that] are coming out.

"Nakakahiya talaga if you all talk about it. I hope next week wala na.

"I’m just probably making it clear that it’s not true. Sana, huwag na natin masyadong ilagay sa papers.

"Na parang nababasa ko ang updates when I was abroad, parang nadagdagan nang nadagdagan siya.

"Sabi ko, ’What’s happening here?’

"So, I just want to make it clear na what I’ve said, I’m very honored to converse with him."

Wala na raw sana siyang balak na magsalita pa at patulan pa ang isyung ito.

Pero nagulat na lang si Iza paglabas ng airport nang dumating siya kahapon, September 7, mula Canada ay sinalubong siya ng media para hingan ng sagot tungkol sa isyung nabanggit.

"Nagulat lang ako, kasi dun sa isang newspaper nga, there are things added. Na, you know, it was really inaccurate.

"Of course, sources daw. That’s why I want to clarify that sources were false," pahayag ni Iza, na ang tinutukoy ay ang nag-date daw sila ni PNoy.

NO EXCHANGING OF NUMBERS! Kuwento pa ni Iza, totoong matagal silang nagkuwentuhan ni PNoy sa birthday party ni Ogie Alcasid.

Pero maaga nga raw siyang umalis at umuwi na ito pagkatapos niyang dumaan sa restaurant ng isang kaibigan.

Pagkatapos ay wala na raw silang komunikasyon ng Pangulo. At ni hindi nga raw sila nagpalitan ng numbers.

"He’s a good man. I got to talk to him and I enjoyed conversing with him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’m grateful for the opportunity that was given to me during that time," pakli ni Iza.

Muli niyang nilinaw na hindi pa siya handa sa panibagong relasyon pagkatapos ng breakup nila ni Atticus King.

"Like I said, I just came out in a relationship that’s why I’m really not ready to entertain anybody at this point.

"Everyone I meet now, they’re on friends-only basis.

"Kasi nga, I cannot offer anything more than that," dagdag pang pahayag ng aktres.

PLEASE STOP! Muling nakiusap si Iza na sana tapusin na raw itong isyu nila ni PNoy dahil nakakahiya na raw talaga. At unfair naman daw sa Presidente na maraming pinagkakaabalahan.

"Nakakahiya talaga!

"Nakakahiya naman sa Republika ng Pilipinas," seryoso niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN