Angel Locsin praised for her demeanor in polling precinct

May 11, 2016
<p>Pinapurihan ng netizens ang hindi paggamit ni Angel Locsin ng kanyang kasikatan sa pagboto nitong nakaraang Lunes, May 9. Matiyaga raw kasi itong pumila katulad ng mga normal na tao para lamang makaboto.</p>

Kumakalat ngayon sa social media ang mga papuring tinatanggap ng Pilipinas Got Talent judge na si Angel Locsin kaugnay ng halalan noong May 9.

Matiyaga raw kasing pumila ang Kapamilya actress at hindi ito nagsamantala sa kanyang kasikatan upang mauna sa pila ng mga bumoto noong Lunes.

Kapareho ng presinto ni Angel si Kathryn Bernardo sa may Commonwealth, Quezon City, kung saan napuna ng isang Facebook user na ibang-iba ang inasal ng dalawang Kapamilya stars.

Ayon kay RanMafz Nunez, “Kasabay ko po bomoto si Angel Locsin, same Lang precinct namin.

“Ang bait niya talaga, pumila siya. Hindi gaya ni Kathryn Bernardo, pagdating niya dito, hala, wala pag 5 mins, tapos na po siya bomoto.

“Hindi pumila, pasaway na bata, dami nagalit sa kanya homeowners dito sa village namin.

“Thanks Angel, ang ganda mo at napakabait. Nagpapagaling pa daw siya as of now.”

Ganito rin ang patunay ng isang netizen na nagngangalang Em Jardin.

Continue reading below ↓

Wala raw kaarte-arte si Angel at pumayag na magpa-picture sa kanya at sa mga nais magpakuha ng larawan.

 Bukod sa balitang hindi pumila si Kathryn, nabatikos din ito dahil sa kanyang photo-op sa voting precinct, gayundin ang kanyang ka-love team na si Daniel Padilla.

Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Pinapurihan ng netizens ang hindi paggamit ni Angel Locsin ng kanyang kasikatan sa pagboto nitong nakaraang Lunes, May 9. Matiyaga raw kasi itong pumila katulad ng mga normal na tao para lamang makaboto.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results