Kris Aquino on settlement with James Yap: "It was fair. I don’t think he was greedy."

"I’m doing everything I love and I’m surrounded with the people I love... Hindi nga ibibigay lahat ni God sa iyo. So, kung ang lovelife di niya ibigay, okay lang, darating yun," says Kris Aquino.


May lumabas na report na "P48 million" diumano ang nakuhang pera ni James Yap sa settlement ng annulment case nila ng dating asawa na si Kris Aquino.

Dahil nga raw rito kaya binibiro ng ibang tao ang PBA player na ang yaman-yaman na raw nito, at naging "instant millionaire" na raw ito dahil sa perang nakuha sa nasabing settlement.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris, sa first shooting day ng pelikula nila ni Dingdong Dantes na Segunda Mano noong September 5, dinepensahan ng TV host-actress ang dating asawa tungkol sa balitang lumabas.

"No, I won’t comment, papagalitan ako ni Judge," simula niya.

"Alam ninyo, ’wag naman nilang maliitin si James. MVP [Most Valuable Player] naman siya, malaki naman ang kita niya.

"Ayoko din naman kasi na sabihin niya na wala na nga ako sa buhay niya, nakikialam pa ako.

"Hayaan n’yo na siya kasi hinahayaan naman niya ako.

"Kanina was our last hearing, so I wish him well."

Kuwento pa ni Kris, "The kids spent the weekend with him coz I was abroad and, in fairness to him, pati si Josh isinama niya. They went to Subic. "

Si Josh ang anak ni Kris mula sa dati niyang karelasyon na si Phillip Salvador.

"Okay kami and, you know, we’re not close, and I’m not pretending na close kami. It’s not like we talk, we text.

"We’re civil and he’s good to my children, so okay na yun."

BIMBY UNDERSTANDS. Hindi ba siya nahihirapan na ipaliwanag kay Bimby ang sitwasyon nila ni James?

"Ay, okay naman siya kasi yesterday, hinatid siya ng Papa niya.

"Nagkasalubong kami sa lobby, tapos parang nilalapit niya ang mga kamay namin.

"Tapos tinanong namin siya nung umalis ang Papa niya, ’Do you like your Papa to stay here?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ’No, Mama, because he’ll be bored here with us.’

"Sabi ko, ’Why?’

Ang sagot niya, ’Because he likes other things... What does he like, basketball. What do you like, movies.’

"I asked him again, ’How often do you like to see Papa?’

"Ang sagot niya, ’Weekends.’

"Matalino ang anak ko so gets niya ang sitwasyon.

"And the fact na wala nang nag-aaway, wala na siyang naririnig na away, mas maganda yun."

MONEY MATTERS. Sa isang episode ng morning talk show niyang KrisTV, nabanggit ni Kris na importante talaga ang usaping pera sa mag-asawa.

Napatunayan kaya ito ng TV host sa itinakbo ng pagsasama nila ni James?

Paliwanag naman ni Kris dito, "I was speaking... Kasi yung mga kapatid ko, nakuwento, napag-uusapan namin na it’s hard talaga kapag kulang ang pera at mahirap din talagang ibalanse ang buhay kung malaki ang kita.

"It’s a reality lang na in any relationship, nagiging issue yun. Pero as far as we are concerned, at since wala na kaming relationship [ni James], hindi na siya issue."

Sinagot na rin ni Kris ang katanungan ng marami kung paano ang naging takbo ng settlement nila ni James.

Aniya, "Para ma-satisfy kayo, dahil kukulitin n’yo na naman ako until sagutin ko kung anuman ang settlement namin: It was fair. I don’t think he was greedy.

"It was something of course na pinagtrabahuhan ko rin naman.

"Pero marami ring blessings na dumating and parati kong iniisip na the biggest blessing in my life, because of that marriage, I have Bimby.

"Both my sons are comfortable.

"Parati kong sinasabi kasi na kung kumportable ka, ’wag kang mag-complain.

"Siguro napakabigat, or puwede kang mag-complain kung hindi umaapaw ang blessings mo.

"Pero hello, ang kapal na ng mukha ko kung sabihin kong kulang pa ito. Over na yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, thank you, God."

Ano naman ang reaksiyon ni Kris sa balitang papasukin na rin daw ni James ang pag-aartista?

"Dapat ba ’kong may reaction?" sabi naman ni Kris.

"Ayokong mag-react kasi mature na ako, tapos na yung hearing.

"Parang okay naman siya and okay naman ako, okay na kami.

"The important thing is, if I don’t say anything, he can have a good relationship with our son, so shut up na ako."

DIETHER OCAMPO. Hindi naman kaila na ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ngayon ni Kris ay ang aktor na si Diether Ocampo.

Marami ang nagsasabi na sa tingin nila ay mauuwi sa isang romantic relationship ang friendship ng dalawa, bagay na hindi naman sinang-ayunan ni Kris.

Aniya, "Hindi namin type ang isa’t isa.

"I will never like anybody that good-looking... Promise, ayoko ng ganun kaguwapo!

"Huwag nang lagyan ng stress ang buhay, there’s enough stress.

"Okay na kung friend ko siya and nagkaroon siya ng 10 girlfriends, care ko.

"We know each other so much. Marami na kaming masyadong pinagdaanan.

"Kasi minsan nga, may time kasi na parang pasundo na siyang magsine kami and antok na antok na ako, and to think anong oras pa lang nun, ang sabi niya sa akin, ’Ganun ka ba kaantok o ayaw mo lang akong makita?’

"Ang sagot ko, ’Both! Hahaha!

"Ganun pag magkaibigan kayo, puwede na ganun kadiretso.

"Magkaibigan kami talaga, yun na yun, at ’wag nang pilitin.

"We’re really friends, yung puwede naming ibarubal ang isa’t isa."

JUNJUN BINAY. Bukod kay Diether, nali-link din hanggang ngayon si Kris kay Makati Mayor Junjun Binay.

Hiningan namin ng reaksyon si Kris sa sinabi ni Mayor Junjun sa isang interview na ina-admire niya ang TV host.

"The friendship is good, "sabi naman ni Kris.

"E, ano ang sasabihin niya, he doesn’t admire me?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta kami, okay kami, we’re friends."

Tuloy pa ba ang communication nila hanggang sa ngayon?

"Regarding kung may communication pa kami, galangin natin ang pagiging mayor niya.

"Actually, ikinuwento ko sa kanya... Kasi si Dong [Dingdong Dantes] ang first boyfriend ng naging wife niya, di ba? Parang puppy love or whatsoever."

Ang tinutukoy ni Kris ay ang yumaong asawa ni Mayor Junjun na si Kennely Ann Lacia, na nag-artista rin gamit ang screen name na Audrey Vizcarra.

Patuloy ni Kris, "So, sinabi ko na nagsu-shooting kami. Sabi ko, ’Daan ka.’

"Sabi niya, sige, pag napadpad daw sila dito."

NOT YET READY. Para kay Kris, sa kabila ng pagkaka-link niya kina Diether at Mayor Binay, hindi pa siya handang pumasok sa isang panibagong relasyon.

"Hindi talaga, I’m not ready," sabi niya.

"Kung darating, darating. Kung hindi dumating, okay lang.

"I’m doing everything I love and I’m surrounded with the people I love.

"I go home stress-free kasi magaan ang feeling sa bahay ko.

"Nagmamahalan kami ng mga anak ko.

"Wala naman akong mahihingi sa pagmamahal na ibinibigay ng mga kapatid ko at sa pagiging supportive nila.

"Love ko naman lahat ng katrabaho ko.

"Hindi nga ibibigay lahat ni God sa iyo. So, kung ang lovelife di niya ibigay, okay lang, darating yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN