Ian de Leon reveals offer for him to enter politics, but he’d rather do business

"Feeling ko kasi, alam mo naman. Minsan, mararamdaman mo kung tama, e. Kung nasa tamang lugar mo gagawin itong bagay na ito. Di ba? Kung hindi mabigat sa puso mo, gagawin mo. Kesa yung... may mag-offer sa ’yo, tapos, parang medyo [mabigat], ’wag mo nang pilitin," says Ian de Leon on offers for him to enter politics.


Mas mahaba ang pakikipag-bonding these days ni Ian de Leon sa kanyang amang aktor na si Christopher de Leon sa set ng Sa Ngalan ng Ina (SNNI), kaysa kung nasa bahay sila, sa Las Piñas City.

Ito ang nai-share ni Ian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang huli namin siyang makapanayam last Wednesday, September 7, sa Salve Regina Hospital, Marikina City sa set ng tini-tape na TV5 mini-serye.

Sa bahay raw, hindi sila masyadong nagkikita ng kanyang actor-dad.

"Masyado kasi siyang busy, madalas hindi kami nagkikita," simulang banggit ni Ian.

"Kung nagpapahinga siya, ako naman, busy."

Sa SNNI location taping last week sa Taal, Batangas, maraming eksena rin ng mag-ama ang nakunan.

Nasaksihan ng PEP ang seryosong pagtatrabaho ng dalawa. Pero, off-cam, sabi ni Ian, nagkukulitan sila ng kanyang daddy Boyet.

"Pag breaktime, nagpapahinga yun [Boyet], kaya kay Mommy [Nora Aunor] ako [lumalapit]. Loyalista ako, e!" birong-totoo ni Ian na laging nasa room ng kanyang Superstar mom.

Pero higit din niyang nakakasama ang kanyang daddy. Ian said he even requested na siya ang gumanap sa papel ng chief security aide ng governor [played by Nora] no’ng hindi magawa ni Ryan Agoncillo.

"Kung anu-anong mga kakulitan namin ang lumalabas. Yung pagka-’German’ namin... isprakenhayt!" sabi rin ni Ian when asked about his bonding moments with Boyet.

ACTOR-POLITICIAN DAD. Kristoffer "Ian" de Leon, who is turning 36 this December, has also proven that he can handle minor responsibilities as the son of his dad who’s a Board Member of Batangas.

"Dalawang beses, halimbawa, kailangan niya ng proxy... kailangan niyang mag-speech," banggit ni Ian.

"[Kung] kailangan niyang mag-attend sa mga fiesta, may kasamang mayor..."

Hindi kaya mahikayat na rin si Ian to enter politics dahil sa naipamulat sa kanya ng kanyang actor-politician dad?

"Ewan ko. Bahala na. Si Lord na nakakaalam no’n," sabi ni Ian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw siyang pagtutol sa mga ipinagagawa sa kanya ng daddy niya.

"May mga experience ako na hindi siya [Boyet] puwede, pero importante nandun siya.

"Pupunta ako do’n. Minsan, kailangan kong kumanta, e, wala akong dalang cd.

"So ang ginawa ko, nag-acapella ako. E, ang daming tao, sobra! Tapos, speech ng konti," natatawang sabi pa ni Ian.

Tungkol sa ano naman ang speech niya, halimbawa?

"Tungkol sa bayan. Mga tipong gano’n." Na ang sabi raw ni Ian, "’Huwag kayong mag-alala dahil ang aking ama ay hindi magpapabaya sa inyo.

"’Kaya niya ginagawa ito ay dahil mahal na mahal niya ang mga tao... maraming salamat sa pagtitiwala ninyo sa aking ama.’"

At sanay na raw si Ian sa ganitong talumpati.

"Oo. May kaba nang konti, siyempre," sabi pa niya.

ON ENTERING POLITICS. "May mga nag-o-offer actually. Sa ano naman... [bilang] councilor... [pero] negosyo na lang ako," sabi rin ni Ian, who has just put up a small advertising business. Ito ang Catalyst Media, with his current girlfriend Jennifer Orcine.

"A-attend nga kami sa Advertising Congress sa November [2011].

"Malaking event yun, e. Magba-barong uli ako," natutuwang banggit pa ng aktor.

Hindi niya isinasarado ang isipan sa posibilidad ng pagpasok niya rin sa pulitika, pero sa ngayon ay wala pa itong katiyakan.

"Siguro, kung magkakataon," sabi rin ni Ian.

"Feeling ko kasi, alam mo naman. Minsan, mararamdaman mo kung tama, e. Kung nasa tamang lugar mo gagawin itong bagay na ito. Di ba?

"Kung hindi mabigat sa puso mo, gagawin mo.

"Kesa yung... may mag-offer sa ’yo, tapos, parang medyo [mabigat], wag mo nang pilitin.

"Ako, tingnan natin kung saan ako iaagos ng alon," sabi ni Ian.

MAINTAINING GOOD PHYSIQUE. At his age, healthy ang pangangatawan ni Ian de Leon, although one notices na tila may baby fat pa siya, sa taas na 5’11".

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Pag nakuha ko [uli] yung momentum ko, magdyi-gym uli ako," sabi pa ni Ian.

"Nandiyan naman si Belo. Papalagay na lang ako ng abs," biro pa niya.

Way back in the ’90s, noong active pa ang team-up nila ni Donna Cruz, kinailangan daw ni Ian ang regular workout, dahil nagmu-model din sila ng kapareha.

"Sa U2, sa G2000 kami ni Donna. For a time, na-miss ko talaga yung katawan ko no’n.

"Paggising, gym kaagad. Tapos, walang rice. Talagang siksik [ang muscles ko]."

Pero, never nag-pictorial si Ian na naka-bikini trunks. The most, swimming trunks na parang shorts lang.

"E, wala, siyempre, wholesome yung mga roles ko, kaya hindi puwedeng magpakita ng ano..." tawa ni Ian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN