PEP EXCLUSIVE: Princess Snell denies she is pregnant with Manny Pacquiao’s child; apologizes to Jinkee Pacquiao for the rumor

Mapapanood bukas sa programang Startalk si Princess Snell para patunayang hindi siya ang tinutukoy sa isang kumakalat na blind item sa social networking site na Twitter. Ayon sa naturang blind item, isang young actress daw ang malapit nang isilang kanyang anak sa karelasyong personalidad na may asawa.


Ngayong gabi, September 9 ay muling nag-trending topic sa Twitter Philippines si pound-for-pound king Manny Pacquiao.

Ito ay dahil sa napabalitang planong tumakbo ng Sarangani congressman bilang gobernador sa 2013 elections at bise presidente naman sa 2016.

Bukod dito ay napag-uusapan din ang tungkol sa isang blind item na kumakalat tungkol sa isang may asawang personalidad na nakabuntis daw ng isang young actress.

Ayon sa mga usap-usapan sa Twitter, ang tinutukoy ng blind item na ito ay si Manny raw at ang young actress naman daw ay ang Starstuck V avenger na si Princess Snell.

Kani-kanina lang ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono si Princess habang pauwi ito galing sa taping ng programang Startalk.

Hindi nagdalawang-isip si Princess na sumagot sa mga katanungan tungkol sa isyu.

Ayon kay Princess, "I didn’t know [na pinag-uusapan na pala ako].

"Pagdating ko sa trabaho, sinabi na lang sa ’kin ng mga kasamahan ko na gano’n nga daw.

"It’s not true," paglilinaw ng 19-anyos na host-actress.

Hindi rin lubos maisip ni Princess kung saan nagmula ang tsismis na ito.

"I have no idea. Noon, I got a text na random lang. Someone told me if I’m pregnant.

"Hindi ko naman pinansin kasi akala ko kalokohan lang.

"Then after, mga two, o three weeks ago, sinasabi sa kin na nasa FB [Facebook] na.

Ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit pilit siyang inili-link kay Manny bagamat minsan na nitong nilinaw na wala silang ugnayan sa isang interview niya sa Startalk?

"Ewan ko. Siguro gusto nilang sirain si Manny or gusto rin nila akong sirain, kasi apektado din naman ako dito," saad niya.


CONDO UNIT AND CAR FROM MANNY? Muli ring nilinaw ni Princess ang napabalita noon na niregaluhan umano siya ni Manny ng condominium unit at kotse.

"Siguro yung condo, bibili pa lang ako next year. Pero, hindi po galing kay Manny ang ipambibili ko do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagre-rent ako ngayon, hindi ako nakatira sa parents ko. Pero yung kinikita ko din ang pinambabayad ko do’n.

"Wala po akong condo [unit].

"Yung kotse, may kotse po ako pero ako po ang bumili. Hindi rin po bigay ’yon ni Manny."

MESSAGE TO JINKEE. Nagbigay naman ng mensahe si Princess sa kabiyak ni Manny na si Jinkee Pacquiao.

"Nakakahiya, kasi hindi lang ako ang apektado, pati sila.

"Humihingi ako ng paumanhin kay Miss Jinkee dahil nadadamay sila.

"Basta ako, I’m very confident na wala akong ginagawang masama."

Ano naman ang mensahe niya para sa mga nagkakalat ng tsismis tungkol sa kanya?

"Kaloka! Ewan ko kung bakit gusto nila akong pabagsakin, pati si Manny gusto nilang pabagsakin.

"Siguro naiinggit lang sila kasi kami, masasaya.

"Basta bahala sila sa buhay nila."

Inamin din ni Princess na mayroon siyang non-showbiz boyfriend sa kasalukuyan at humigit kumulang isang taon na ang kanilang relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN