Joseph Bitangcol in first TV interview after horrific car accident

Nakiusap si Joseph Bitangcol na huwag nang tanggalin ang suot niyang shades dahil hindi pa lubos na naghilom ang kanyang opera sa bandang mata at pisngi.

"Isa lang po ang inoperahan na daliri ko. Yung buto niya rito nabali. Nilagyan ng pin iyan, pinasukan ng bakal. Kakatanggal lang po," ang sabi ni Joseph.


Isang buwan matapos ang pinagdaanang car accident, live na nag-guest ang Kapatid actor na si Joseph Bitangcol sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed kaninang hapon, September 11.

Nasaksihan mismo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang paglalahad ni Joseph sa Presscon Express segment ng show ang kanyang kalagayan ngayon. Kinunan pa namin siya ng picture kung saan makikitang nakabenda pa ang kanyang inoperahang daliri.

Nakiusap naman ang aktor na huwag nang tanggalin ang suot niyang shades dahil hindi pa lubos na naghilom ang kanyang opera sa bandang mata at pisngi.

Matatandaang August 10, 2011 ay naaksidente si Joseph kasama ang ilang kaibigan, nang mahagip ng isang dump truck ang sinasakyan nilang kotse sa Antipolo City. Matagal ding naospital ang aktor dahil sa tinamong injuries sa mukha niya at iba pang bahagi ng kanyang katawan.



ON THE WAY TO RECOVERY. Sa muling pagharap ni Joseph sa camera, puno siya ng pag-asa at pasasalamat. Una ngang isinalaysay ni Joseph ang pinagdaanan niyang operasyon at ang kanyang pagpapagaling.

"Isa lang po ang inoperahan na daliri ko. Yung buto niya rito nabali. Nilagyan ng pin iyan, pinasukan ng bakal. Kakatanggal lang po," sabi ni Joseph.

Sumunod naman ang operasyon niya sa pisngi at panga na nilagyan ng titanium plates.

Kumusta naman ang therapy at recovery niya? Maibabalik pa ba sa normal ang kanyang pagkilos?

"Nung una nga, sobrang nahirapan akong lumakad. Nagpapasalamat nga ako sa Panginoon dahil noong una akong makita ng mga kaibigan ko sa ospital, parang sabi nila doon na ako magpa-Pasko sa ospital. E ngayon, wala pang one month, nakakatayo na ako.

"Sa ngayon ang ite-therapy na lang po, itong daliri ko kasi hindi ko pa po siya mai-bend nang maayos, mai-grip. Tapos itong pisngi ko... kasi medyo kumunat daw po yung skin ko sa loob dahil sa titanium plates. So, yun na lang po ang ite-therapy ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORTIVE FAMILY, FRIENDS. Paano siya sinuportahan ng pamilya niya at mga taong nagmamahal sa kanya sa pagsubok na nangyari sa buhay niya?

"Sa suporta, sobrang wala po akong masabi. Siguro pag gabi gusto kong umiyak kasi hindi ko alam kung paano sila pasasalamatan.

"Unang-una sa pamilya ko, lagi silang nandiyan. Hindi sila nagpakita ng kahinaan, hindi sila umiiyak sa harap ko. Lagi po silang nandiyan sa tabi ko. Lahat ng kailangan ko nandiyan.

"Sa lahat ng mga kaibigan ko, pati unexpected friends na tumulong sa akin, sobrang nagpapasalamat ako. Yun lang, sana makabawi po ako paggaling ko talaga."

Ang tatay ni Joseph ay nagkaroon din ng karamdaman bago pa maaksidente ang aktor. Paano tinanggap ng tatay niya ang nangyari sa kanya?

"First three o four days, hindi po siya pumunta ng ospital kasi po hindi niya ako kayang makita e. Pero after nun pumunta na po siya tapos pinipilit niyang mag-drive kahit kakagaling niya lang sa stroke. Nakaka-drive siya ng automatic na sasakyan para makadalaw at makapagdala ng gamit. Ngayon siya rin po ang nagda-drive sa akin."



BENEFIT SHOWS. Si Joseph ang breadwinner ng pamilya. Paano niya hinarap ang isang buwan na nabakante siya sa pagtatrabaho at gumagastos pa ng malaki sa pagpapagaling niya?

"Sa ngayon, ang sabi po sa akin one month pwede na [akong magtrabaho]. Kasi po, ako rin hindi ako sanay na nakahiga lang, walang ginagawa at hindi nagtatrabaho. Sobrang naninibago po ako kaya kating-kati na akong gumaling talaga.

"Yung trabaho ko, isa yan sa blessings na ibinigay sa akin. May mga taong tumutulong sa akin dahil yun nga naperhuwisyo ang trabaho ko. Isang buwan akong hindi kumikita pero nandiyan yung mga taong tumutulong sa akin."

Sa laki ng gastusin sa ospital at operasyon, hindi nagdalawang-isip ang mga kaibigan at kakilala ni Joseph mula sa tatlong TV stations — TV5, ABS-CBN 2, at GMA-7 — na bumuo ng fund-raising activities at benefit shows para makalikom ng halaga para sa kanyang pangangailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang gusto niyang sabihin sa mga tumulong sa kanya?

"Una sa lahat, gusto kong... hindi ko alam e, hindi ko alam kung ano ang gagamitin kong word... kung ano ang gagawin ko para magpasalamat.

"Ang dami nilang ginawa na hindi ko hinihingi. Yung iba hindi ko naman pinakiusapan. Yung iba hindi ko pa ganung ka-close pero grabe yung tulong na ibinigay nila sa akin.

"Isa yun sa nakita ko... kasi nung naaksidente ako, akala ko yun na yung huli ko talaga. Sa showbiz kasi, di ba pag sinabing showbiz, parang plastikan lang iyan.

"Pero sa nangyari sa akin, iba yung na-realize ko. Wala yung kumpetisyon sa iba-ibang networks. Marami rin akong gustong pasalamatan sa ibang networks lalo na syempre dito sa Kapatid. Marami sila para isa-isahin."

Isa nga sa masigasig na tumutulong kay Joseph ay ang kanyang manager na si Noel Ferrer. Ito ang namumuno sa mga fund-raising activities para sa aktor.

"Yun po kay Sir Noel, maraming salamat po. Pati yung mga Kapatid ko sa Locomokoh [TV5’s gag show] na nag-organize ng benefit show para sa akin sa darating na September 15 sa Zirkoh Tomas Morato."

PHOBIA AND PLANS. Nagkaroon ba siya ng phobia pagkatapos ng aksidente?

"Marami rin. Parang takot na akong dumikit sa malalaking sasakyan. Tapos pag sasakay ako dapat may seatbelt na, na hindi ko ginagawa dati. At saka huwag matulog sa biyahe. At saka, parang ayoko nang makaamoy ng dugo."

Ano ang plano niyang ngayon matapos ang kanyang pinagdaanan?

"Plans... siguro unahin ko muna ang sarili ko para maging healthy, kung ano ang kailangang i-improve at pagalingin. Tutulungan ko muna ang sarili ko para mas matulungan ko ang pamilya ko at makabawi sa lahat ng tumulong sa akin.

"Sa ngayon, yun po muna ang goal ko at sana makabalik po agad ako sa trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpahabol din ng pasasalamat si Joseph sa mga doktor niya sa Marikina Valley Hospital.



LIFE LESSONS. Pagkatapos ng guesting ni Joseph sa Paparazzi ay nakausap pa siya sandali ng PEP sa dressing room para sa ilan pang katanungan.

May ipinangako ba ang TV5 sa kanya ngayong unti-unti na siyang gumagaling?

"Sa ngayon, kung ano yung projects ko, yun pa rin naman e. Wala pa ring pagbabago. Parang inaantay lang nila yung signal ko at saka doon siguro idi-discuss kung ano pa yung pwede kong gawin."

Natuloy ba ang pagsasampa nilang magkakaibigan ng kaso laban sa driver ng dump truck?

"Yung buong grupo namin, yung lahat ng kasama ko sa aksidente, nagdemanda. Pero hindi ko na nga na-follow up dahil nga nasa ospital pa ako noon e at hindi pa ako makapagsalita nang maayos.

"Sila muna yung nagtuloy. Sa ngayon, wala pa akong update kung ano na ang nangyari sa kaso."

Ano ang lesson na natutunan niya sa kanyang pinagdaanan?

"Siguro gawin mo ang best mo lagi, hindi lang sa trabaho mo kundi at lalo na sa pamilya mo. Ipakita mo yung pagmamahal mo sa kanila.

"Kasi hindi mo alam parang anytime pwede kang mawala sa mundo. Dapat wala kang opportunity na pababayaan.

"Tapos natuto akong mas pahalagahan ang buhay ko. Itinuturing ko talagang second life ito, kaya hindi ko sasayangin at pababayaan. Kaya thankful ako kay God sa bagong buhay na ito.

"Dahil sa nangyari sa akin, nalaman ko rin kung sino yung nandiyan pag sikat ka, lalo na pag down ka. Kung sino yung ready na tumulong sa iyo in times of troubles."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN