Survivor Philippines castoff Suzuki Sadatsugu is back in Japan installing windows in buildings

Bumalik sa kanyang homeland si Suzuki Sadatsugu at doon na nagtrabaho dahil matagal na raw siyang nakatengga dito. Breadwinner si Suzuki at inaalala niya ang ilang mga taong umaasa sa kanya.


Kumpirmado ngang nasa Japan na ngayon ang Filipino-Japanese at Survivor Philippines castoff na si Suzuki Sadatsugu at doon na ito nagtatrabaho.

Ayon sa aming source na isa sa close na kaibigan ni Suzuki ay mga six months na nagtatrabaho bilang isang construction worker sa Tokyo ang Japinoy na nakilala sa pamamagitan ng reality show na Survivor Philippines Season 2.

Bumalik sa kanyang homeland si Suzuki at doon na nagtrabaho dahil matagal na raw siyang nakatengga dito. Main breadwinner si Suzuki at inaalala niya ang ilang mga taong umaasa sa kanya.

"Breadwinner kasi si Suzuki. Hindi naman siya nakakatanggap ng pera from his family kasi ang alam nila may work siya dito sa Pilipinas," ang sabi ng aming source na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook.

"Kaya yung minsang kinikita niya sa guestings at mga out-of-town shows ay pinagkakasya niya. Tumutulong pa kasi siya sa ilang kamag-anak niya rito.

"Marami naman ang tumutulong kay Suzuki. Kaso hindi sapat yung para sa mga ginagastos niya sa pang-araw-araw. Kaya noong magkaroon ng job sa Japan, tinanggap niya kesa naman sa wala siyang kinikita."

Isang friend ni Suzuki na nasa Japan ang nagsabi rito na nangangailangan sila ng mga tauhan para sa isang contruction site sa Tokyo. Humingi pa ng advice si Suzuki sa aming source kung tama lang bang tanggapin niya ang work sa Tokyo.

"Sabi ko naman, okey iyon kasi malaki ang binabayad nila sa mga contruction workers lalo na sa isang malaking city like Tokyo.

"Kaya tinanggap na niya ang trabaho. Ininiisip din kasi niya ang mga iiwan niyang mga mahal niya sa buhay dito. Pero kailangan din niyang kumita kaya lumipad na siya patungong Japan.

"Right now, sa huling pag-uusap namin ay okey siya sa work niya sa Tokyo. He’s doing well, kaso siyempre, iba ang trabaho roon. Kung dito patambay-tambay lang siya, doon talagang magtatrabaho ka para kumita ka ng malaki."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw raw ni Suzuki na ang trabaho niya bilang construction worker sa Japan ay hindi yung naghuhukay ng lupa or nagbuhuhat ng mga mabibigat na bakal at naghahalo ng semento. Taga-kabit daw siya ng mga bintana sa ginagawang building sa Tokyo.

"Yung trabaho niya at ang ibang kasama niya ang taga-install ng mga windows sa kinu-construct na building sa Tokyo. Naka-uniform naman daw sila at may mga suot silang safety gears.

"Mahirap din ang ginagawa nila kasi bukod sa dapat maingat sila sa mga bintanang ikakabit nila, maingat din dapat sila sa ginagawa nilang trabaho kasi ilang floors din daw yung building. Tsine-check nila sa loob at labas ng building kung maayos ba ang pagkabit.

"Mahirap man ang work, they get paid well naman. Kaya makakaipon nga raw si Suzuki sa gano’ng trabaho niya," according to our source.

Yung ibang kaibigan ni Suzuki dito ay nagulat din na wala na pala sa Pilipinas ito at nagtatrabaho na sa Japan. May ilan lang daw sa kanila ang pinagpaalamanan nito.

May mga friends si Suzuki na natuwa na kumikita na ito sa kanyang trabaho sa Japan. Before daw kasi ay dumadaing ito dahil wala siyang trabaho.

Ngayon ay makakaipon na raw ito dahil alam din ng mga friends ni Suzuki na marami itong mga tinutulungan na mga kamag-anak sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN