Janno Gibbs cries for protégé Lirah Bermudez, whose brother passed away due to a brain tumor

"Siguro nga blessing itong napili ko siya dahil gusto nga niyang gumaling ang kanyang kapatid. Very close silang magkapatid kaya ramdam ko ang lungkot niya noong sumakabilang-buhay nga si Toto," says Janno Gibbs who went out of his way to condole with Lirah (inset).


Bilang isa nga sa mentors ng bagong reality singing competition ng GMA-7 na Protégé, nakiramay at nagbigay ng moral support ang King of Soul na si Janno Gibbs sa isa niyang napiling protégé na si Lirah Bermudez ng Roxas City. Sumakabilang-buhay kasi ang kapatid nitong si Toto noong nakaraang September 9.

Tumungo nga si Janno sa St. Peter’s Memorial Chapel sa may Quezon Avenue noong gabi ng September 10, Sabado, para makiramay at makausap ang kanyang protégé na si Lirah.

Isa si Lirah sa napabilib si Janno nang mapanood niya ang audition nito.

Doon pa lang daw sa audition ay nalaman na ni Janno na maysakit ang bunsong kapatid ni Lirah. May tumor nga raw sa utak ang kanyang kapatid na si Toto at gusto raw niyang makatulong sa pagpapagamot nito.

FOR MY BROTHER. Humanga si Janno sa magandang intensiyon ni Lirah para sa pag-audition nito sa Protégé. Pero, bago nga nalaman ni Janno ang tungkol sa kalagayan ng kapatid nito, nakitaan na niya ng magandang future si Lirah bilang isang singer.

Kuwento ni Janno sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Napanood ko muna ang audition ni Lirah at nagalingan ako sa kanya.

"Tapos may nakikita akong quality sa kanya na puwedeng ma-mold pa, e. Kaya isa siya sa napili ko talaga.

"It was after I chose her noong malaman ko ang tungkol sa kapatid niya.

"Ako naman, hindi ako pipili ng protégé based on sa kalagayan sa pamilya nila.

"Yung talent ang hinanap ko at mero’n no’n si Lirah. Nagkataon lang na may problema pala sa pamilya nila."

Dagdag pa niya, "Siguro nga blessing itong napili ko siya dahil gusto nga niyang gumaling ang kanyang kapatid.

"Very close silang magkapatid kaya ramdam ko ang lungkot niya noong sumakabilang-buhay nga si Toto.

"Nalaman ko ngang wala na si Toto nang tawagan ako ng mga taga-Protégé.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiyak talaga ako kasi alam ko kung gaano nila kamahal si Toto at ang hangad nilang gumaling ito.

"Pero nangyari na nga at ako’y taus-pusong nakikiramay sa aking protégé at sa buong pamilya niya."

Concern nga rin ni Janno ay kung paano makakapag-perform si Lirah sa magaganap na gala presentation ng Protégé lalo na’t sumakabilang-buhay ang kapatid nito.

"Kinausap ko si Lirah sa kung ano ang magiging desisyon niya. Kung tutuloy pa ba siya, or hindi.

"Maiintindihan ko if she won’t go through with the contest dahil may valid reason naman.

"At the same time, nakakapanghinayang kung hindi niya itutuloy dahil malaki ang chance ni Lirah, e.

"But I will let her decide on what she wants to do.

"Suportahan ko siya sa anumang desisyon na gawin niya," sabi ni Janno.


THE SHOW MUST GO ON! Sa naging pakikipag-usap ni Janno kay Lirah, tutuloy pa rin daw ito sa kanyang pagsali sa Protégé.

The show must go on nga dahil sa bawa’t performance ni Lirah ay ide-dedicate daw niya sa kanyang kapatid na si Toto.

"Kuwento nga ni Lirah sa akin na noong malaman ng kapatid niyang si Toto na nakapasa siya sa audition ng Protégé, tuwang-tuwa ito.

"Parati kasi silang nagdu-duet na magkapatid. Mahilig silang kumanta talaga.

"Kaya itutuloy raw niya ang pagsali sa Protégé dahil gusto rin ito ng kanyang kapatid.

"Huling wish nga raw ng kapatid niya na husayan ni Lirah ang pagsali sa Protégé at gusto niyang manalo ito," saad ni Janno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN