Cristine Reyes reveals it was viral meningitis that had her confined for two weeks

"Sabi naman kasi ng doctor sa akin, lahat naman daw, puwedeng tablan no’n, lalung-lalo na kapag humina ang immune system mo. E, ang nangyari kasi sa akin, everyday akong nagwu-work. Everyday akong puyat. So, bagsak talaga ang katawan ko," Cristine explained how she caught the deadly virus.


A few weeks ago, napabalita ang pagkakaroon ng sakit ni Cristine Reyes na siyang dahilan para ma-confine siya sa hospital.

Pero kasabay ng balitang ito, tila inilihim ng Kapamilya actress kung ano ang totoong karamdaman niya. Kaya naman hindi rin maiwasan na sa kabila ng pag-aalala kay Cristine ay kung anu-anong espekulasyon ang naglabasan.

Pero sa The Buzz kahapon, September 11, live na nakausap ni KC Concepcion si Cristine.

Pinatunayan ng sexy young actress na magaling na siya sa naging karamdaman.

"Heto, okay na okay na po. Huwag po kayong mag-alala. Sobrang bumalik na po ang lakas ko.

"At ayun, thank you rin po sa mga nag-alaga sa akin. Sa mga doctors doon sa Cardinal [Santos Medical Center]."

Ayon kay KC, sa Twitter account lang ni Cristine niya nabalitaan ang pagkakaroon nito ng sakit.

Nagte-taping pa raw noon si Cristine ng kanyang afternoon soap na Reputasyon. Pero three days after, nag-post na ito na may sakit at napakalakas ng mga gamot na tine-take niya.

So, once and for all, ano nga ba ang naging karamdaman niya?

"Ang sabi nila sa akin, viral meningitis," sabi ni Cristine.

"Ano siya, parang infection siya sa brain.

"Pero ang sa akin, naagapan. Kapag dumating na sa puntong umabot na do’n [sa brain], hindi ko na alam kung ano ang mangyayari.

"So, it was fatal.

"Pero isipin na lang natin na naagapan at okay ako."

Ano ang cause ng pagkakaroon niya ng meningitis?

"Sabi naman kasi ng doctor sa akin, lahat naman daw, puwedeng tablan no’n, lalung-lalo na kapag humina ang immune system mo.

"E, ang nangyari kasi sa akin, everyday akong nagwu-work. Everyday akong puyat.

"So, bagsak talaga ang katawan ko."

Pero ayon kay Cristine, kumakain naman daw siya and, in fact, malakas nga raw siyang kumain.

"Hindi talaga ako nagmi-miss.

"Kaso lang, kapag talagang puyat ka every day, hindi mo rin masasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit nagba-vitamins ako, todo-vitamins, wala rin, e."

Ano ang mga una niyang naramdaman bago malamang may viral meningitis nga siya?

"Sobra akong nilalagnat every night. Nagti-39.9 ako.

"Tapos sobrang sakit ng ulo ko. Hindi siya yung normal na headache."

Sa sobrang init din daw ni Cristine, nakakapaso na raw ang balat niya kapag may hahawak.

"Nakakapaso... Yung mommy ko rin kasi, noong una, akala namin, normal na lagnat lang.

"Pinupunasan lang nila ako. Punas lang sila nang punas ng yelo sa akin, wala."

First time daw ni Cristine na magkaroon ng ganoong sakit at dalawang linggo siyang na-confine sa hospital.

"Two weeks na kasi ako sa hospital. So, talagang umiiyak na ako sa doctor ko.

"Sabi ko, talagang gusto ko nang umalis. Hindi pa ’ko puwede. One week pa dapat.

"Pinaalis na niya ako kasi, hindi ko na kaya, e."

Ano ang mga naiisip niya noong nasa hospital at nakahiga lang sa kama?

"Inip na inip na ako," sabi ni Cristine.

"Parang gusto ko nang lumakas at parang naisip kong talaga, health is wealth.

"So, kayo na mga nanonood po, alagaan n’yo po ang health ninyo.

"Hindi porke’t bata kayo, e, hindi kayo tatablan ng mga sakit."

So, importante rin na makatulog?

"Oo, importante talaga yun."

RAYVER CRUZ. Hindi pa man nababanggit ni KC ang pangalan ni Rayver Cruz na nag-alaga raw kay Cristine, sumagot na agad si Cristine na tila alam niyang itatanong sa kanya ang kanyang boyfriend.

"Oo, inalagaan naman niya ako!" natatawa niyang sambit.

"Pero umalis siya, pumunta siya ng States.

"So, pagkabalik niya, punta ulit siya ng hospital. So, yun.

"Thank you, baby, kasi sobrang inalagaan mo ako. Totoo, kasi sobrang inalagaan niya ako.

"At saka, alam ko, busy ka rin sa work mo. Pero yun, humahanap ka ng oras para sa akin."

Biniro ni KC na sundan ni Cristine ang sinabi niya ng "I love you" na ginawa naman ng huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO WORK. Balik trabaho na nga ngayon si Cristine. Bukod sa Reputasyon, magiging busy na siya sa pagpo-promote ng una niyang pelikula sa Star Cinema (co-produced by Viva Films), ang No Other Woman, with Derek Ramsay and Anne Curtis.

Halatang excited si Cristine sa bagong pelikula.

"Maraming-maraming makaka-relate dito, I’m sure. Lalo na sa role ko, ako po ang wife dito.

"So, maraming makaka-relate sa akin."

Pero ano nga ba ang feeling na hindi siya kontrabida ngayon?

"Siyempre, happy ako, di ba?" sagot niya.

"At saka, ito ang first movie ko sa Star Cinema. Parang ilu-launch ulit ako.

"I’m very happy. Thank you, Star Cinema, napakaganda ng role ko."

Challenge ba sa kanya ang ginagampanan niyang character sa pelikula?

"Challenge siya sa akin, kasi kailangan siyang magpaka-sosyal katulad mo [KC]. E, hindi naman ako sosyal, di ba?

"Tapos ayun, masaya. Direk Ruel Bayani, maraming-maraming salamat po ang dami kong natutunan sa inyo.

"At sa co-stars ko, si Anne Curtis at Derek Ramsay, napakagaling po nila.

"Abangan n’yo po ang mga kabugan namin dito ni Anne. Hindi lang sa pananamit kung hindi pati rin po sa acting.

"At sa pagka-sosyal, lumevel naman ako kahit paano."

Kakayanin ba niya ang mga schedule niya after niyang magkasakit?

"Pinagalitan na nga ako ng doctor ko. Sabi niya, ’Cristina, ganyan-ganyan.’

"Sabi ko, ’Sorry Doc, kailangan, committed ako.’

"Siyempre, work muna. Kailangang mag-work.

"Paano ka mabubuhay kung hindi ka magwo-work?" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN