Iwa Moto on Janna Dominguez: "Siguro naman panahon na para respetuhin siya ni Mickey at hindi na makipag-communicate sa akin."

Iwa Moto, who is now in Japan, continues to be the subject of intrigues. But the Kapuso actress denied these allegations in a recent interview with Startalk TX.


Matapos ang sunud-sunod na intriga sa lovelife ni Iwa Moto, biglang tahimik naman ngayon ang buhay ng Kapuso sexy actress.

Mangyari ay halos dalawang buwan na palang namamalagi si Iwa sa Japan, ang bayan ng kanyang yumaong ama.

Paliwanag ni Iwa sa phone interview ng Startalk TX sa kanya, "Kaya ako nagtagal dito sa Japan kasi before my father died, I promised him na aayusin ko yung citizenship."

Habang nananahimik sa Japan, dalawang magkaibang isyu ang kumakalat tungkol kay Iwa.

Una ay nagparetoke daw ito dahil nakita raw ito ni Arnell Ignacio doon at napansing gumanda ito.

"Hindi ako nagparetoke! Kung sinabi ni Arnell na gumanda ako, ’Thank you, Arnell!’" sabi ni Iwa.

Ang isa pang isyu, buntis daw si Iwa kaya nagtatago roon.

"Normal yun, kapag nawala ang isang tao, buntis agad.

"E, hinding-hindi po, e. Sa kasamaang-palad, hindi ako buntis!" ang natatawang sabi ng StarStruck alumna.

Hindi lang si Iwa ang naiintrigang buntis, pati diumano si Janna Dominguez, na kasalukuyang girlfriend ng non-showbiz ex-boyfriend ni Iwa na si Mickey Ablan.

Ano ang reaksiyon dito ni Iwa?

"Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa kanila. Sa akin lang, sige masaya sila, yun lang."

Samantala, nilinaw ni Iwa ang isyu tungkol sa umano’y patuloy pa rin nilang pag-uusap ni Mickey sa private message feature ng social networking site na Twitter, na kinalaunan ay natuklasan ni Janna. (CLICK HERE to read related story.)

"Nag-tweet siya sa akin ng private message, hanggang sa nagtalo kami kasi tinanong niya ako if I’m still willing to come back to him.

"Tapos, sabi ko, ’May girlfriend ka na, respetuhin natin yung girlfriend mo. Kasi kung kayong dalawa na bulgaran naman kayo diyan, e, hindi ninyo ako nirerespeto kung anuman ang mga ginagawa ninyo at pinagsasabi ninyo, e, ako meron akong respeto.’

"Siguro naman panahon na para respetuhin siya [Janna] ni Mickey at hindi na makipag-communicate sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ako, abangan ninyo na lang pag umuwi ako diyan, may isa pa akong aasikasuhin bago matapos ang isyu naming dalawa ni Mickey."

Maaari kayang ang tinutukoy ni Iwa ay may kinalaman sa isyung kasal na sila ni Mickey?

"Kasal? Hindi ko alam! Basta antayin ninyo na lang pag umuwi ako diyan, saka na tayo magtuos!" nakakaintriga niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN