Dennis Trillo has no plan to take custody of son with Carlene Aguilar; sets priority on work over lovelife

"Lumaki si Calix sa mommy niya. At ’yong pangarapin ko na kunin siya doon sa kinalakihan niya, siyempre medyo mahirap ’yong parte na iyon para sa kanya. Pero siyempre, sino ba ang ayaw na makasama ang anak?" says Dennis Trillo when asked if he plans to take sole custody of his son with Carlene Aguilar, who is about to give birth to her child with husband Yo Ocampo.


Dagsa ang tao kagabi, Sunday, September 11, sa Cinema 4 ng SM Megamall kung saan ginanap ang red-carpet premiere para sa pelikulang My Neighbor’s Wife, written and directed by Jun Lana for Regal Films.

Nangiti ang isa sa mga bida ng pelikula na si Dennis Trillo nang mabiro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "basta sinabing Dennis Trillo, ang acting ay siguradong may brillo."

Ini-expect kasi na he will deliver another brilliant performance sa bagong pelikula niya with Lovi Poe, Carla Abellana, and Jake Cuenca.

"Wow! Totoo ba ’yon?" bulalas niya.

"Well, salamat na lang kung gano’n ang pagkaka-interpret nila sa trabahong ibinibigay ko at ipinapakita sa kanila.

"Pero wala, trabaho lang ’yon. Siguro ano lang, pinagbubuti lang ang trabaho.

"Mabigat ang role ko rito."

Ginagampanan ni Dennis sa My Neighbor’s Wife ang asawang napendeho ni Lovi Poe nang makipag-one night stand ang huli sa best friend niya, portrayed by Jake Cuenca, na sa istorya ay asawa naman ni Carla Abellana.

Sabi pa ng Kapuso actor, "Ito rin ang pinaka-sensual na role na nagampanan ko. Bukod sa isa itong mature na role.

"First sa akin ’yon. Sobrang sexy no’ng buong pelikula kaya... first talaga sa akin.

"First mature role sa isang sexy-romance-drama, so gano’n siya kabigat.

"Maraming mga love scenes. Maraming kissing scenes.

"Meron ding mga topless na eksena. Mga nakahubad... gano’n.

"Kasi ’yong tema ng pelikula, sexy talaga, so... kailangan talagang may mga eksenang gano’n.

"Challenging talaga siya kasi kagaya ng sinabi ko, maraming firsts sa pelikulang ito, e.

"Lalo na ang mga kasama ko... Carla, Lovi, and Jake. Apat kami rito, so alam mo ’yon?

"Although team effort siya, kailangan pa ring makita na... Kasi bawat character dito may highlight, e. So, kailangan kapantay mo ang mga highlights na ’yon.

"Pantay-pantay kaming lahat dito kaya talagang masasabi mo na talagang sulit na nakatrabaho mo sila dahil maganda ’yong bonding namin dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, in return, e, maganda rin ’yong trabahong nagawa namin."

INFIDELITY. The film is about infidelity. Sa istorya ay nakipag-one night stand ang asawa ni Dennis na si Lovi kay Jake, na kaibigan ng character niya. Bandang huli, nagkagustuhan naman si Dennis at ang gumaganap na asawa ni Jake na si Carla.

Sa totoong buhay, was there a time na naging unfaithful si Dennis sa kanyang partner o karelasyon?

"Hindi ko naman ikakaila na meron na rin akong nagawang gano’n," pag-amin ni Dennis.

"Naging malaking lesson iyon sa akin. Marami akong natutunan. Kaya hindi ko na siya inulit ulit."

Meron na rin ba siyang nakarelasyon na naging unfaithful sa kanya?

"Meron na rin," sagot ng aktor.

Madali ba siyang makapagpatawad kapag tungkol do’n ang isyu?

"Depende sa kasalanang nagawa," sagot niya.

"Pero ’yong pagpapatawad, sa tingin ko natural iyan sa isang tao, e.

"Kailangan lang ng panahon para mapatawad mo ang isang tao. Kahit gaano kabigat ang nagawang kasalan sa ’yo."

Kung partner ba niya ang naging unfaithful, mahihirapan na niya itong tanggapin ulit at bigyan ng second chance? O maghihiganti ba siya?

"Kung asawa ko siya, ibig sabihin, pinili ko dahil siya ang perfect para sa akin.

"So, kung asawa ko na siya, malamang gagawin ko lahat pa rin para maayos iyon.

"Dahil lahat naman ng tao nagkakamali, and lahat din ay may karapatan para sa kapatawaran.

"Kung girlfriend pa lang, depende kung gaano kabigat ’yong nagawa.

"Ang importante sa akin ’yong honesty talaga. Dahil mahirap din akong magbigay ng trust sa isang tao.

"So, once na na-break niya iyon, mahirap nang ibalik ang tiwala.

"Pero hangga’t maibabalik, pipilitin kong maayos talaga," saad niya.

QUIET LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ngayon ni Dennis?

"Ngayon, ang lovelife, medyo tahimik. Medyo lie low muna ako sa lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang importante sa akin, trabaho.

"Pagkatapos nitong My Neighbor’s Wife, baka may gawin kami for filmfest. Tapos, may ginagawa rin ako for TV.

"So, do’n muna ako nagpu-focus ngayon.

"Hindi ko muna talaga pina-prioritize ang lovelife sa ngayon.

"Dahil maganda naman ang mga nangyayari sa akin kahit wala akong lovelife.

"So, pinapanatili ko na ganito na lang muna. Dahil okey naman ang nangyayari, e.

"Baka kapag may ginawa akong isang bagay, or isang big move, baka biglang magbago lahat.

"Magandang ganito na lang muna," saad ni Dennis.

CARLENE AGUILAR. Ang ex-girlfriend ni Dennis na si Carlene Aguilar ay malapit nang magsilang sa ipinagbubuntis nito sa napangasawang si Yo Ocampo.

Pero may pangakong binitawan si Carlene na she and her husband will still take care of Calix Andreas, anak ni Dennis sa dating beauty queen. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Dennis dito?

"Oo... Responsibilidad pa rin naman niya ’yon kahit may bagong baby na siya.

"Siyempre, hindi niya dapat na pabayaan ang anak ko. And nandito pa rin ako palagi.

"Niri-remind ko sa kanya iyon na nandito ako... if ever kailangan niya ng tulong para sa anak namin.

"Gano’n pa rin, hindi mawawala ’yong magandang samahan," sabi niya.

Hindi ba niya hahangarin na sa kanya na lang mapunta ang custody ng kanilang anak?

"Sa Mommy [kay Carlene] pa rin," sambit ni Dennis.

"Kasi bata pa ’yong anak ko, e. Until mag-seven siya, do’n pa lang siya makakapili kung saan niya gusto.

"Lagi naman kaming lumalabas at nagbabakasayon pa minsan ni Calix, e. Every time na wala akong trabaho.

"Nagagawa ko naman na mahiram siya nang matagal."

Hindi kaya magkaroon ng competition na between him and Yo, na tumatayong pangalawang ama ni Calix?

"Wala naman," sabi niya.

"Kasi, as early as now, ini-explain naman namin sa kanya [Calix] ’yong sitwasyon na gano’n. Na wala namang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi siya dapat na maapektuhan.

"And as much as possible, ayaw naming maapektuhan ang paglaki niya bilang isang mabuting tao.

"Lumaki si Calix sa mommy niya. At ’yong pangarapin ko na kunin siya doon sa kinalakihan niya, siyempre medyo mahirap ’yong parte na iyon para sa kanya.

"Pero siyempre, sino ba ang ayaw na makasama ang anak?"

Paano ang usapan nila pagdating sa suporta sa bata?

"Walang problema rin," sagot ni Dennis.

"Hundred percent ang suporta na ibinibigay ko para sa anak ko, of course.

"Kami ni Carlene, lagi naming napag-uusapan kung ano ’yong best para sa anak namin.

"Ayoko na lang idetalye kung anu-ano iyon. Basta wala kaming problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN