Dingdong Dantes on relationship with Marian Rivera: "I’m proud to say na we’ve never been this in love."

"Definitely, challenging para sa akin. Lahat naman dapat challenging dahil otherwise, boring. I’m just looking forward, and finally, after a long time, nasa primetime ulit ako," says Dingdong Dantes about his upcoming project on GMA-7.


Wala naman sigurong kokontra kung sabihin na si Dingdong Dantes ang pinakamalaking artista ngayon sa hanay ng talents ng PPL Entertainment, Inc, ang talent management na pinamamahalaan ni Perry Lansigan.

Bukod dito, si Dingdong ang kauna-unahang talent na hinawakan ni Perry.

Sa selebrasyon nga ng second anniversary ng PPL ay inilunsad din ang coffee table book na Biblio, na naglalaman ng pictorial ng lahat ng talents—old and new—ni Perry. Ginanap ito noong Biyernes, September 9, sa The Establishment, The Fort, Taguig City.

Bahagi ng proceeds ng Biblio ay mapupunta sa Para Paaralan project ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong sa Jolo, Sulu.

Nagulat nga raw si Dingdong sa naging gesture na ito ng kanyang manager.

Sabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nagpapasalamat ako kay Perry at sinorpresa niya ako na lahat ng proceeds ng libro ay mapupunta sa project namin sa Mindanao.

"Matagal ko nang pet project yun. So, maganda na with his own initiative, e, nilaanan niya ng effort.

"I mean, bukod naman sa totoong dahilan na ang PPL’s Biblio ay para maipakita kung sino na ang mga bagong talents ng PPL, courtesy of kagalingan ni Mark Nicdao [photographer]."

Pero bakit sa Jolo, Sulu napili niyang magpagawa ng mga silid-aralan?

"Meron kasi akong isang project do’n na hindi na natapos," sabi ni Dingdong.

"Noong magpunta ako do’n noong 2006, may relief operation kami ng kasama kong mga Marines.

"So, it’s something... it’s a commitment."

Umaasa si Dingdong na bago mag-Pasko ay nakatayo na ang mga classroom na ito.

MARIAN’S SUPPORT. Dumating din sa Biblio launch ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera at ang manager nitong si Popoy Caritativo para magbigay ng suporta.

Magkaiba man sila ng manager ni Marian, masasabi ni Dingdong na never silang nagkaroon ng conflict sa aspetong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In all fairness, magkaibigan silang matalik," pagtukoy ni Dingdong kina Perry at Popoy

"Pero pagdating sa career, kanya-kanyang diskarte.

"And for the past years na magkakasama kami bilang co-actors, e, nagkakataong swak na swak ang vision nila sa amin sa isa’t isa.

"Hindi sinasadya, hindi pinag-uusapan, yun talaga yun," saad ni Dingdong.

WHEN IS THE WEDDING? Samantala, hindi naman matigil ang usap-usapan tungkol sa nalalapit na diumanong pagpapakasal nina Dingdong at Marian.

Tuwing tinatanong tungkol dito ay madalas nilang sinasabi na may tamang panahon para rito.

Pero napag-uusapan na nga ba nila ang bagay na ito, tulad ng kung paano rin napagpaplanuhan ang kani-kanilang career?

Sabi naman ni Dingdong, "Alam n’yo, mula noong umpisa, hindi rin naman namin alam kung anong level kaming makakarating, e.

"Pero hanggang ngayon, palagi kaming overwhelmed sa sobrang lalim ng samahan namin.

"Kung ano kami ngayon, e, napakalayo kung ano kami tulad ng dati.

"So, magandang senyales na patindi nang patindi ang samahan namin, and I’m proud to say na we’ve never been this in love."

Noong gabing yun, ang daming nakapansin at nagsabing lalong gumaganda si Marian.

Nang banggitin ito ng PEP kay Dingdong, sinabi niyang, "’Yan ang hirap kapag sinagot ko ’yan, biased ako dahil araw-araw maganda siya."

BUSY DONG. Naikuwento rin ni Dingdong sa PEP na isang shooting day na lang siya para sa pelikulang Aswang, at nagsisimula na rin silang mag-shooting ni Kris Aquino para sa kanilang 2011 Metro Manila Film Festival entry na Segunda Mano.

Sa TV naman, susunod siyang mapapanood sa primetime series na Sundo, na tila may pagka-horror din ang tema.

Pero paglilinaw ni Dingdong tungkol sa Sundo, "Hindi naman. I don’t wanna put it that way.

"Basta, it’s something unique. Ganun na lang.

"Lahat naman ng soap, lahat naman ng kuwento, may kinalaman sa sinabi mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero excited daw ang aktor sa bago niyang serye na ito dahil sa kakaibang tema nito.

"Definitely, challenging para sa akin. Lahat naman dapat challenging dahil otherwise, boring.

"I’m just looking forward, and finally, after a long time, nasa primetime ulit ako," sabi niya.

Magkakaiba ang leading ladies ni Dingdong sa tatlong proyekto niyang ito: si Lovi Poe sa Aswang, si Kris Aquino sa Segunda Mano, at si Rhian Ramos sa Sundo.

Tinanong ng PEP si Dingdong kung may say ba sila ni Marian sa mga magiging kapareha nila sa kani-kanilang proyekto na hindi sila ang magkasama.

"Ang importante sa amin, kumportable kami number one sa istorya.

"Kasi, do’n naman mag-e-emanate lahat. So, importante sa amin yun.

"At saka, importante, e, maganda ang idudulot sa amin, sa growth namin bilang artista," saad niya.

Sinagot din ni Dingdong ang palagi na lang ginagawang isyu sa kanila ni Marian na kapag may bago siyang leading lady ay agad daw nagseselos ang kanyang girlfriend.

Aniya, "Sa totoo lang, never naman nagkaroon ng problema. Ako, I can vouch for that.

"Ang importante, masaya kami sa mga gagawin namin ngayon. At sa ginagawa namin ngayon, hindi naman namin ini-insist or pinipili, ito ay ibinibigay sa amin.

"So, nagpapasalamat kami sa mga nagbibigay sa amin ng mga biyaya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN