Celebrities hail Shamcey Supsup’s third runner-up finish at Miss Universe 2011 pageant

The results of the Miss Universe 2011 pageant elicited various reactions from viewers all over the world, including media tycoon Oprah Winfrey who reportedly said in an interview with NBC News that "I have reservations with the results. If the only basis is the Q and A portion, after having been trimmed down to five, Ms. Philippines deserved to win. What made her different from the rest is that she had no seconds to rethink her answer as she had no interprete


Hindi lang ang mga "becky" at mahihilig manood ng beauty pageants ang tumutok sa telebisyon kanina, September 13, para panoorin ang live telecast ng Miss Universe 2011 coronation night na ginanap live sa Credicard Hall sa Sao Paulo, Brazil.

Maging ang ilang celebrities, both local and foreign, ang sumubaybay kung sino ang mag-uuwi ng korona ngayon taon.

Sa programa kung saan nagtagisan ng ganda at talino ang 89 na kalahok mula sa iba’t ibang bansa, nagwagi si Leila Lopes ng Angola.

Hindi rin naman nagpadaig ang Miss Philippines na si Shamcey Supsup dahil hinirang siyang third runner-up sa patimpalak. (CLICK HERE to read related story.)

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa publiko at ilang personalidad ang inabot na ranggo ni Shamcey sa pageant.

Maraming nagsasabing mas karapat-dapat daw na nanalo bilang Miss Universe ang 25-year-old na arkitekto mula sa General Santos City dahil sa "flawless" na pagsagot nito sa question and answer portion.

Sa tanong sa kanya ng judge na si Vivica A. Fox, isang Hollywood actress, kung magpapalit ba siya ng religious beliefs para pakasalan ang lalaking mahal niya, ito ang naging kasagutan ni Shamcey:

"If I had to change my religious beliefs, I would not marry the person that I love because the first person that I love is God who created me. And I have my faith and my principles and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too."

FROM MALACAÑANG. Agad na nagpadala ng statement si presidential spokesperson Edwin Lacierda mula sa Malacañang ilang oras pagkatapos ng Miss Universe pageant.

Aniya, "The humility, intellect, and grace that you exhibited during the competition embodied the spirit of the true Filipina.

"In our eyes, that is the true victory today—that the world stood witness to and found an appreciation for the ideals, values, and beauty that has long characterized our nation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinawag namang "beauty and brains" ni Pangulong Benigno Aquino III ang UP Diliman Architecture magna cum laude na si Shamcey.

"On behalf of the Filipino people, we are proud of you; and we see even greater things ahead for you," dagdag pa ng statement.

OPRAH WINFREY. May kumalat din kanina sa Twitter na diumano’y pahayag ng sikat na TV host na si Oprah Winfrey tungkol sa resulta ng Miss Universe 2011.

Sa panayam daw ng NBC News kay Oprah, sinabing nitong, "I have reservations with the results. If the only basis is the Q and A portion, after having been trimmed down to five, Ms. Philippines deserved to win.

"What made her different from the rest is that she had no seconds to rethink her answer as she had no interpreter to break the ice.

"The rest had their interpreters and having breaks on seconds to think about their answers. Hands down, Ms. Philippines answered straight to the point."

Bagama’t hindi pa kumpirmado kung mula nga kay Oprah, tiyak na ikatataba ng puso ni Shamcey at ng mga Pinoy ang pahayag na ito.

GLORIA DIAZ. Nagbigay rin ng reaksiyon ang kauna-unahang Filipina na nanalong Miss Universe, si Gloria Diaz, na sumali noong taong 1969.

Sa panayan sa ABS-CBN News, sinabi ni Gloria, "Everybody has things to say but like I’ve always said, first of all you will not be there if you’re not beautiful, if you’re not smart, if you’re not tall or pretty.

"But I’ve told this over and over. It’s 99 percent luck. Everybody has an opinion why she did not win, whether the answer was good enough or not good enough.

"To some people it was smart, to some people it was kulang. But really it’s just luck at the end of the day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo man o hindi ay proud pa rin naman ang beauty queen-turned-actress sa husay ni Shamcey.

"Super karangalan. Just the thought na two in a row. Last year we had Venus and then Shamcey. I think that’s super good.

"Baka next year nandiyan na...Baka next year, two winners na."

Noong nakaraang taon ay naging fourth runner-up sa Miss Universe ang kandidata ng Pilipinas na si Venus Raj.

JOYCE BURTON. Isa rin si 1985 Bb. Pilipinas-Universe Joyce Burton-Titular sa tumutok sa Miss Universe pageant na ipinalabas dito sa Pilipinas kaninang umaga (umere ang telecast sa NBC Network sa Amerika alas-9 ng gabi).

Sa kanyang blog na "Adventures of a Beauty Queen," inilahad ni Joyce ang mga kaganapan sa coronation night at ilang personal na komentaryo niya tungkol sa suot ng mga kandidata at reaksyon sa kanilang sagot sa Q and A.

"Very nice answers from all the contestants," sabi ni Joyce.

"I love them all but my major major choice is SHAMCEY SUPSUP of the PHILIPPINES - thank you girl for standing up for Jesus!

"Display your faith to the world, God gave you the chance to declare your faith to a billion people watching this show, you are a blessing!"


TWITTER POSTS. Ito naman ang ilan sa mga reaksiyon ng ilang kilalang personalidad sa Twitter.

Dyan Castillejo, na nasa Brazil upang i-cover ang naturang event: "btw many girls felt that shamcey should have won," patungkol sa reaksiyon ng iba pang kandidata sa naging resulta ng kompetisyon.

Maxene Magalona: "Noooo way :( Shamcey should’ve won the Miss Universe crown!!! :("

Sabi pa ni Maxene, "But Angola deserves the title as well.. It was either her or Shamcey for me! Congrats, Angola and Philippines! :)"

Tuesday Vargas: "as for Shamcey- Mabuhay ka girl! ikaw ang panalo sa puso namin."

Martin Bautista: "Can’t get over how amazing Shamcey in the competition. She nailed it, killed it, owned it!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Martin ay sumikat last year dahil sa reaction video na ginawa niya kasama ang tatlong kaibigan habang pinapanood ang Miss Universe 2010 pageant kung saan nagwagi bilang fourth runner-up si Venus Raj.

Si Venu Raj naman ay tutok din sa panonood at pagsuporta kay Shamcey. Matapos ang patimpalak ay nag-tweet ito ng, "Congratulations Shamcey!!!!! We are very proud of you :) #3rd runner up :)"

Nag-tweet din si 1993 Miss World second runner-up Ruffa Gutierrez, "Even Oprah Winfrey thinks Philippines should have won! Shamcey Supsup...you’ve made us proud. We were all cheering for you! Congratulations!"

Maging si Senator Miriam Defensor-Santiago ay nag-tweet din: “Shamcey Supsup did very well. She was an ideal candidate who represented the best in the Filipina. Congratulations, Shamcey!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN