Carla Abellana says tackling a daring role will be even harder next time

"I don’t think so. I think it would be harder pa. Mas mahirap. Hindi porke’t nagawa ko na siya, hindi ibig sabihin magiging mas madali na siya, if ever," says Carla Abellana when asked if it would be easier for her to do sexy scenes in her next film.


Kung may isang bagay raw na ayaw maagaw ni Carla Abellana sa kanya, ito ay ang kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Tanong ito kagabi, September 13, sa presscon ng bagong drama series na Kung Aagawin Mo Ang Langit, para sa afternoon block ng GMA-7.

Makakasama ni Carla sina Michelle Madrigal at Mike Tan sa isang kuwento na tatalakay sa in vitro fertilization, isang proseso kung saan ang female egg cell at ang sperm ay pinagsasama sa isang petro dish upang maganap ang fertilization.

Ginagampanan ni Carla ang papel ng asawa ni Mike na hindi magkaanak at dito papasok ang character ni Michelle para tulungan silang magka-baby.

"Si Mike Tan, nakasama ko na before sa Rosalinda. Ang laki ng ipinagbago niya because he started doing theater.

"May mga bala na siya ngayon, e. Iba na yung acting niya, e. May experience na siya sa stage play," pagde-describe ni Carla sa kanyang leading man.

"Si Michelle naman is such a sweet person. Ang maganda rito kay Michelle, nakaka-relate siya sa character niya.

"May pinanggagalingan. May pinanghuhugutan siya," comment naman niya sa kasamahang aktres.

DARING CARLA. Incidentally, palabas na ngayong araw, September 14, ang pelikulang My Neighbor’s Wife kung saan isa rin si Carla sa mga bida.

Mula sa reaction ng mga nakapanood na, nakakagulat daw ang ipinakitang pagka-daring ng dalagang aktres.

In an earlier interview, nabanggit ni Carla that she needed to consult her lola, veteran actress Delia Razon, bago gawin ang pelikula.

Her lola gave ger the go signal to do the movie, pero ano kaya ang naging reaksiyon ng lola niya nang mapanood na nito ang kanyang sexy scenes?

"Sabi niya, ’beautiful movie.’ Nagulat siya sa lahat ng kissing scenes!" natatawang kuwento ni Carla.

"Pero sabi niya, ’beautiful movie.’

May isang eksena sa pelikula na may dialogue si Carla that goes, "Nakipagkangkangan ka sa asawa ko!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba na-shock ang kanyang Lola Delia?

"Hindi naman. Sabi naman niya, ’That’s just natural naman between the husband and the wife.

"Pero, nagulat pa rin daw siya sa lahat ng kissing scenes.

"Kinausap nga niya si Direk Jun [Lana]. Sabi niya, ’Ang dami-daming kissing scenes,’ sabi niyang gano’n.

"’Kaya lang it’s a beautiful movie,’ sabi niyang gano’n. We should make more movies daw like that."

AT PAR WITH LOVI. Some say na natapatan ni Carla ang acting prowess ni Lovi Poe sa pelikula considering na mas baguhan siya.

"I don’t think so," humble na sagot naman niya.

"Honestly, I find everybody good in the movie.

"Si Dennis [Trillo], habang pinapanood namin yung movie, ginagano’n [tinatapik] ko siya, ’Ang galing mo.’

"Si Jake [Cuenca], dubbing pa lang, sinabihan ko siya na I really liked his acting, especially in some particular scenes.

"Lahat kami, wala... goal namin yun na di kami magsasapawan."

Sa comment naman ng iba na di rin siya nagpatalbog sa paseksihan with Lovi?

Tumawa muna nang malakas si Carla. "I didn’t even find my character sexy, e. She [her character] was morose.

"You know, and even if there were kissing scenes and love scenes in the movie, I didn’t even find them sexy.

"Parang ang linis ng pagkakagawa."

GEOFF EIGENMANN. Ang boyfriend niyang si Geoff ay scheduled to arrive this Sunday, September 17, from the States. Di ba siya maaasiwa to let him see her most daring film so far?

"Actually, mas na siya pa nga yung kinabahan pa for me.

"Umabot naman sa kanya yung feedback ng tao [movie audience]. So, excited ako na mapanood niya."

Ngayong nakaya na niyang mag-daring, feeling ba niya mas madali na ba sa kanya ang gumawa ng kagaya ng My Neighbor’s Wife the next time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t think so. I think it would be harder pa. Mas mahirap.

"Hindi porke’t nagawa ko na siya, hindi ibig sabihin magiging mas madali na siya, if ever."

What if si Geoff naman yung ka-partner niya sa love scenes?

"Okay lang. With Rosalinda, nagkaro’n kami ng love scenes sa Rosalinda, e.

"First ever love scene ko sa career ko, Geoff Eigenmann na, e.

"At least, buti na lang, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN