Kris Bernal vehemently denies rumor that she is pregnant

"Ngayon, makikita naman nila na kumpara nung una talaga, nag-improve na po talaga ako sa pagsasayaw ko. And kahit iniiyakan ko yung mga training namin, kasi nag-aaral kami ng iba’t ibang mga splitting, ng mga iba’t ibang mga tumbling. So, minsan, ang dami ko nang pasa sa katawan, ganyan, pinaghihirapan talaga namin. So, iyon, sana dumating ang araw na ma-appreciate nila," says Kris Bernal about the criticisms she gets for being the lead


Hindi pa man nag-uumpisa ang live interview ni Pia Guanio kay Kris Bernal sa Showbiz Central noong Linggo, September 11, ay naluluha na ang bida ng primetime series na Time of My Life.

Nandoon si Kris para linawin ang kumakalat na balitang buntis diumano siya.

Kaya tinanong ni Pia si Kris kung bakit siya naiiyak.

"Hindi, kasi hindi naman totoo," sambit ni Kris.

"Ayoko lang ho talaga yung ganun, yung wala namang katotohanan, tapos hindi ko alam kung saan nakukuha, kumbaga."

May mga kumakalat daw kasing obserbasyon ng mga katrabaho niya na mga senyales na nakikita kapag ang isang babae ay buntis, tulad ng madalas na pagkahilo ni Kris.

"Hindi po!" bulalas ng young actress.

"Siguro, maaalala ko po, nahilo po ako isang beses, pero dahil po nagsunud-sunod po yung taping namin.

"Tapos, yun nga, puro sayaw po, siyempre mahirap din po.

"Rehearse ako nang rehearse, tapos magte-training pa po ako sa pagsasayaw.

"So, may time lang na parang nahilo ako, pero hindi dahil... wala pong senyales talaga na ganun po, na buntis ako.

"Wala po, wala po talaga," mariin niyang tanggi.

Ang pagkahilo raw niya ay bunga lamang ng pagod.

"Talagang pagod na pagod lang po talaga," sabi niya.

Pero totoo bang nagsusuka rin daw siya?

"Ho? Hindi totoo yun! Hindi totoo.

"Kahit tanungin po nila kahit sino sa taping sa set namin kung nakita po nila ako na nagsuka, hindi po talaga, hindi po talaga nangyari.

"Nakakaloka lang, kasi dati naman, ang isyu sa akin, nagsusuka ako dahil bulimic ako. Ngayon naman daw, dahil buntis ako.

"So, iyon po, parang, ’Ano yun?’"

Ang paliwanag naman ni Kris sa isyung matindi ang hilig niya these days sa pagkaing matatamis:

"Hindi ngayong mga araw lang, matagal na po akong mahilig sa matatamis.

"Talagang every time na kakain ako, lagi akong humihingi ng matamis, and bata pa po ako, ganun na talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi po akong humihingi ng matamis, ganun. Parang kailangan yung pagkain ko laging may dessert after.

"Pero matagal na po yun kumbaga, ano na yun, alam na nila, bata pa po ako, mahilig ako sa matamis."

Sa mga tweets ni Kris, tila nagpapahiwatig siya na may suspetsa siya kung sino ang nagkakalat ng buntis issue tungkol sa kanya. Na isang katrabaho niya ang nagpapalabas ng mga ganitong issues.

Totoo ba ito?

"Wala, hindi ko nga maisip kung ano, e, kung sino po yung katrabaho kong sinasabi ko.

"Wala po, sa set po ng Time of My Life, wala pong ganun," sabi ni Kris, na muli na namang umiyak.

Dagdag pa niya, "Walang nangyaring ganun. Mabait ho sa akin lahat, lahat ng cast, wala pong ganun. Okay naman po."

NOT DESERVING? Ang isa sa mga sinasabing tweets ni Kris ay: "Nakakainis yung mga taong hinihila ka pababa. Pinapasama loob mo dahil alam nilang masaya ka at successful at lume-level up ka."

Sino ang pinatutungkulan ni Kris dito?

"Wala namang ano... mismong tao. Pero kasi, ang dami kasing nang-aaway sa akin," umiiyak pa ring pahayag ni Kris.

"Yung tungkol nga po sa show namin, sa Time of My Life, parang sinasabi nila, ano daw, yung mga parang masasakit lang.

"Na hindi ko daw deserve yung show, ganun. E, ang hirap-hirap ng ginagawa ko.

"Ganun lang, kasi ginagawa ko talaga yung best ko sa trabaho, as in minsan hindi ko na alam, parang wala nang pahinga, ganyan.

"Tapos yung makakabasa ka pa sa Twitter na ang daming nang-aaway sa ’yo, ’Sana sa iba na lang nabigay yung role, sana ganyan-ganyan. Hindi ka naman marunong sumayaw,’ ganun, iyon lang.

"Kumbaga, sanay naman ako na marami talagang ganyan sa showbiz, pero siguro parang napuno lang ako dahil hindi lang kasi drama yung ginagawa namin sa show, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang yung dancing, talagang mahirap sa amin."

Ano ang nais niyang iparating sa mga taong nang-aaway sa kanya?

"Salamat pa din. Kasi yun nga, kasi napapansin nila ako, yun, iyon lang."

Ano ang plano niya to prove them wrong?

"Wala, paano ba? Kasi ako nga, sabi ko nga, ginagawa ko naman yung best ko talaga dun sa show.

"So, ngayon, makikita naman nila na kumpara nung una talaga, nag-improve na po talaga ako sa pagsasayaw ko.

"And kahit iniiyakan ko yung mga training namin, kasi nag-aaral kami ng iba’t ibang mga splitting, ng mga iba’t ibang mga tumbling.

"So, minsan, ang dami ko nang pasa sa katawan, ganyan, pinaghihirapan talaga namin.

"So, iyon, sana dumating ang araw na ma-appreciate nila."

JAY PERILLO. Tinanong naman ni Pia si Kris tungkol sa relationship nila ng singer na si Jay Perillo.

May mga nagsasabi kasi na kaya nagkakaroon ng ganitong mga bali-balita ay dahil sa closeness nila ni Jay.

"Wala, wala po," sambit ni Kris.

"Sa totoo lang, malapit talaga ako kay Jay.

"Sinasabi ko sa kanya yung mga problema ko, alam niya ’yan, na may mga nang-aaway sa akin.

"At talagang nakita ko naman yung care niya sa akin, yung concern niya sa akin, pinagtatanggol niya din ako sa Twitter, so iyon.

"Pero si Jay, okay naman kami, wala namang... hindi naman siya affected dun sa isyu. Parang, ’Saan nila nakuha yun?’"

Baka iniisip ng iba na buntis siya dahil may relasyon sila ni Jay?

"Hindi, hindi, at saka ano... bakit, bakit si Jay? Parang ganun po. Wala po, hindi po," tanggi ni Kris.

DON’T LIE TO ME. Matapos ang interview sa kanya ni Pia ay pumayag din si Kris na sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng show para patunayan na totoo lahat ng kanyang mga sinabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang unang tanong sa kanya ni John "Sweet" Lapus ay kung buntis siya.

"No" ang sagot ni Kris, at "Truth" ang resulta nito sa lie-detector machine.

"Hindi po ako buntis, at saka wala iyon sa isip ko. Career po talaga, so wala, wala iyon, malayo pa yun!" saad ng StarStruck winner.

Boyfriend na ba niya si Jay?

"Hindi po... going there! Hindi, parang ano lang po, kasa-kasama, ganun po," sagot niya.

Steady date?

"Opo, parang ganun po."

Ang next question kay Kris ay kung sa tingin ba niya ay walang artistang nagkalat ng isyung buntis siya.

"Yes" ang sagot ni Kris, pero "Lie" ang naging resulta nito.

Sabi naman ni Kris, "Wala po, wala akong maisip kung sino kasi lahat naman po kami...

"Ewan ko, siguro na lang kung may taong hindi totoo sa akin, di ba, sa industriya or sa mga kaibigan ko."

Bakit sa tingin niya ay "Lie" ang lumabas?

"Hindi ko alam. Baka may naiisip akong mga tao na nagsasabi sa akin ng ganyan na kaibigan ko," paliwanag niya.

Wala daw talaga siyang maisip na kasamahan o katrabaho niya na maaaring naiinggit sa kanya.

Dagdag ni Kris, "At wala naman po akong kaaway, or parang nagpapasama ng loob ko sa mga kapwa artista ko po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN