Jaclyn Jose to the father of Andi Eigenmann’s child: "I don’t wanna see him. I don’t want to have anything to do with him, nothing, zero!"

"I will help you share every moment; sa happiness, pain and etcetera. Everything that you’re feeling for the baby, I will... hahati ako! I will share that moment with you. I will always take care of you and I’m excited for Gabrielle to come out!" says Jaclyn Jose when asked for her message to daughter Andi Eigenmann (inset).


Sa pagbisita ng Showbiz Central sa aktres na si Jaclyn Jose sa shooting nito ng The Road, wherein she plays a major role, ay excited itong nagkuwento sa pelikula ng GMA Films at sa pagbubuntis ng kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Kuwento niya tungkol sa The Road, "Medyo psycho-thriller siya, na may pagka-horror.

"Meron akong mga anak na naaksidente, dalawa, dalawa kong anak na naaksidente sa road, sa kalye.

"So, iyon ang medyo parang hinahanap ko, yung body ng aking mga anak."

Aside from her movie project, isa rin sa inaabangan ng veteran actress ngayon ay ang nalalapit na panganganak ng kanyang anak na si Andi, who is now on her last trimester of pregnancy.

"She’s okay, malaki na ang tiyan niya. Hindi pa siya naka-decide ng definite name but I have a name for her, Gabrielle!

"Siyempre marami... siyempre first time niya, there are questions na kailangan mo siya i-appease," sabi ni Jaclyn.

Isa sa mga malaking katanungan about Andi’s pregnancy ay kung sino nga ba ang ama ng dinadala niyang sanggol. Bagay na tila nabigyan na ng kasagutan sa isang entry na lumabas sa blog ni Andi last September 4, 2011.

Nabanggit ni Andi sa kanyang blog ang pangalan ng young actor at dati niyang boyfriend na si Albie Casiño. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Jaclyn, "We asked Andi regarding this... I don’t wanna call it revelation or reveal, parang, sino ba siya to have that title?

"We’re not naming names, of the father of Andi’s baby.

"There’s nothing to reveal, there’s... walang dapat i-reveal."

Dagdag pa niya, "I don’t wanna see him. I don’t want to have anything to do with him, nothing, zero!"

Sa gitna ng kinakaharap ng anak ngayon, handa naman daw si Jaclyn na suportahan si Andi hanggang sa panganganak nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will help you share every moment; sa happiness, pain and etcetera.

"Everything that you’re feeling for the baby, I will... hahati ako! I will share that moment with you.

" I will always take care of you and I’m excited for Gabrielle to come out!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN