Carla Abellana admits missing boyfriend Geoff Eigenmann a lot

"Nami-miss ko na si Geoff. Isang linggo na siyang wala. Sabi ko nga, umuwi na siya. May soap [ako] na mag-i-start. Yung movie, out na," says Carla Abellana about how she misses boyfriend Geoff Eigenmann.


Puwedeng sabihin that Carla Abellana is everywhere these days.

First day sa mga sinehan kahapon, September 14, ng pelikulang My Neighbor’s Wife kung saan isa siya sa mga bida.

Sa Lunes naman, September 19, magsisimula ang bago niyang afternoon series sa GMA-7 na Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla noong Martes ng gabi, September 13, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa presscon ng pinakabagong afternoon series ng Kapuso network, nasabi niyang, "Ang bilis, bilis, bilis ng panahon.

"Nag-uumpisa pa lang kami, pero ipapalabas na siya next week. So, ang bilis," nakangiti niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Pero, ang ganda ng mga nangyayari kasi.

"Week one pa lang, alam ninyo yung napapanood ninyo sa ending ng soap opera?

"Dito, week one pa lang, nangyayari na siya. May mga ganoong klase ng eksena na agad.

"Hindi n’yo na kailangang maghintay ng dulo ng soap para makapanood ng magaganda, bonggang scenes.

"Start pa lang, mero’n na. Parang as time passes, ipinapakita na kung ano ang mangyayari.

"Mag-uumpisa kami sa 1989. Makakapanood kayo ng mga eksena ng 2002, 2003, hanggang 2007.

"So, may time lapse. Ang daming pangyayari."

BETTER ACTRESS. Kumpara noong nagsisimula pa lang siya sa Rosalinda, ang laki na ng in-improve ni Carla, lalo na pagdating sa dramatic scenes.

"Hindi naman ako nahihirapan. Sanay na rin tayo sa drama, sa iyakan.

"Nakakapanibago lang kasi, ngayon na lang ulit ako nagpupuyat nang ganito.

"Sanay ako kay Direk Joel [Lamangan]. Nakailang soap opera ako na magkasunod kay Direk Joel.

"Mahirap, kasi ang daming eksena. Puyatan pa, iyakan. Pero, kaya naman."

SO LIKE HER CHARACTER. Ayon kay Carla, very close sa kung ano raw siya sa totoong buhay sa role niya bilang si Ellery sa Kung Aagawin Mo Ang Langit.

"Sa totoo lang, first time kong magkakaroon ng role na mayaman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa sinasabi ko na mayaman ako, pero, first time ko na magpu-portray ng character na ang lapit sa akin. Pero iba ang atake, I guess."

Paano naging close sa kanya ang character niya ngayon?

"Ano lang, in terms of... very patient siya. Pre-school teacher, kalmado lang.

"Conservative. Religious. Yung mga ganoong bagay.

"Ay, meron na ako noon, may ganoon na ako sa loob ko.

"Nag-pre-school teacher ako before. Ako’y religious, conservative. Yun, ang lapit."

OKAY WITH MICHELLE! Silang dalawa ni Michelle Madrigal ang leading ladies na mag-aagawan sa character ni Mike Tan. Sa scenes nila, wala namang agawan din ng eksena?

"Wala naman. At saka, ang maganda kasi rito sa character namin, hindi kami nagpapatalbugan.

"Kasi, magkinakapatid kami. And yung support namin para sa isa’t isa, todo. Full-support.

"Hindi kami nagsasapawan. Mahal namin ang isa’t isa rito. Nagkataon lang na isang lalaki ang minahal namin," sabi niya.

MATURE ROLES. Parang nalilinya na siya ngayon sa adult drama?

"Paanong nalilinya, e, isa pa lang naman?" sagot niya.

Ipinaalala namin na My Neighbor’s Wife ang una at ngayo’y ito namang bago niyang serye.

"Hindi naman ’to masyadong adult. Sa iba ko namang soap, I’ve portrayed a wife already in my previous soap at saka mother.

"So, ang layo nito. Honestly, ang layo nito sa ginawa kong movie na My Neighbor’s Wife.

"Kasi rito, napakainosente ng story. Hindi naman ’to tungkol sa lover.

"Tungkol ito sa pamilya at sa isang bata na pinag-aagawan. So, medyo malayo siya."

Sa serye, may temang in vitro fertilization ang kuwento. A process by which egg cells are fertilized by sperm outside the body.

In real life, posible rin kaya siyang mag-resort sa ganoong option, just in case?

"Naku, ’wag naman sana na kakailanganin gawin yun. Siyempre, I will pray that I will bear my own child.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yun nga, option ’yan. Honestly, hindi ko alam, e.

"Hindi ako masyadong aware, pero alam ko na meron na ’yan dito.

"Mero’n akong isang kilala lang na nag-in vitro fertilization.

"So, nakakagulat na marami na pala.

"Huwag naman sanang kailanganin kapag ako na."

PAPA GEOFF. Hindi naman itinanggi ni Carla na nami-miss na niya ang boyfriend na si Geoff Eigenmann na nasa U.S. para dumalo sa kasal ng ama nitong si Michael de Mesa.

"Nami-miss ko na si Geoff. Isang linggo na siyang wala. Sabi ko nga, umuwi na siya.

"May soap [ako] na mag-i-start. Yung movie, out na.

"Sa Sunday [September 17] siya uuwi. Pero siyempre, every day naman kaming nag-uusap."

Inimbitahan naman daw siya na pumunta sa wedding ng ama nito, pero dahil nga sa busy schedule niya ngayon, hindi talaga siya makaalis.

"Sayang lang talaga na sumabay ’to. Sumabay ang premiere ng movie, tapos, ’eto pilot namin.

"Siyempre, kailangan taping kami dahil lalabas na siya next week.

"Sayang lang na nagkasabay-sabay. Kasi, matagal na yun.

"Matagal nang plinano at matagal ko na rin sinabi na gusto kong pumunta, pupunta ako.

"Unfortunately lang, hindi talaga natuloy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN