Sam Concepcion unsure if he will have another project with Julia Montes

"Lahat ng ginagawa ko, it’s all part of what I wanna do and I wanna explore. So lahat, as much as I can, and if given the opportunity, ginagawa ko rin—whether it’s music, sa TV or sa movies. I don’t wanna just stick to one when there’s so much more I can explore, many things," says Sam Concepcion about showing his talent not only on television but also onstage.


Tila matatagalan pa bago muling makita sina Sam Concepcion at Julia Montes na magkasama sa isang proyekto.

Matatandaan na unang nagkasama ang dalawa sa dating teen-variety show na ShoutOut. Pagkatapos nito ay naging magka-loveteam ang dalawa sa pelikula ng Star Cinema na Way Back Home.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sam sa presscon ng Candy magazine para sa kanilang taunang Candy Fair kahapon, Setyembre 13, sinabi ni Sam na hindi pa rin niya alam kung magkakasama pa silang muli ni Julia.

"May US tour sila for one month. Busy talaga lahat, e," sabi ng young actor.

Kasama si Julia at ang kanyang Mara Clara co-actress na si Kathryn Bernardo sa Teleserye Royals 2011 US Tour sa darating na Oktubre.

"Sa ngayon, hindi pa namin alam," ani Sam.

"Kung mayroong bagong project ang management [para sa amin], kayo rin naman ang makakaalam."

Huling nagkasama sina Sam at Julia sa nakaraang Star Magic Ball. Naging pagkakataon daw ito para makapag-bonding sila kasama ang ilang pang kasamahan sa Star Magic.

"Kasi, gano’n naman talaga ang Star Magic Ball, minsan lang talaga kami magkakasama.

"It’s a day talaga para mag-bond.

"Magkasama kami hanggang sa matapos ’yong Ball," saad niya.

GETTING READY FOR PETER PAN. Samantala, nabanggit naman ng binatang singer-actor na abala siya ngayon sa paghahanda para sa kanyang pagganap bilang Peter Pan.

Ang musical adaptation na ito ng children’s novel ay magsisilbing marka ng ika-sampung anibersaryo ni Sam sa show business.

"I started in theater, so it’s great timing that I’m going back to where I started," sabi niya.

Ang Peter Pan ay gagawin sa ilalim ng produksiyon ng Repertory Philippines at Stages. Ito ay tatakbo simula Setyembre 30 hanggang October 30.

"It’s great. Sobrang pinaghirapan namin ’yon, we rehearse every day.

"Lumipat na kami sa Meralco to rehearse the flying. Sobrang ganda, sobrang ganda ng show," dagdag pa ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa entablado siya nagsimula, isang magandang oportunidad din umano para kay Sam ang pagbalik dito paminsan-minsan para mas mahasa pa ang kanyang ang kanyang talento sa pag-arte at pagkanta.

"Lahat ng ginagawa ko, it’s all part of what I wanna do and I wanna explore.

"So lahat, as much as I can, and if given the opportunity, ginagawa ko rin—whether it’s music, sa TV, or sa movies.

"I don’t wanna just stick to one when there’s so much more I can explore, many things."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN