Carla Abellana and Michelle Madrigal believe it’s about time for Mike Tan to be a leading man

Mike Tan (center) plays leading man to Carla Abellana (left) and Michelle Madrigal (right) in the new Kapuso afternoon soap, Kung Aagawin Mo Ang Langit. This is the first leading-man role for the former StarStruck winner.


Hindi na nakakapagtaka kung ang motto ngayon ni Mike Tan ay "It pays to be loyal" dahil ibinigay na sa kanya finally ng GMA-7 ang break na maging leading man sa isang teleserye.

Si Mike ang male lead sa bagong afternoon soap ng Kapuso network na Kung Aagawin Mo Ang Langit, na magsisimula na sa September 19.

Maraming nagsasabi na in looks and height, puwedeng-puwedeng i-groom si Mike ng Kapuso network bilang isang leading man. Pagdating naman sa pag-arte ay puwedeng-puwede siyang mahasa.

Pero anim na taon muna ang lumipas mula nang tanghalin siyang Ultimate Male Survivor sa StarStruck 2, bago nakuha ni Mike ang break na ito.

Madalas din matanong at maikumpara si Mike sa mga sumunod na batch ng StarStruck na mas nauna pang bigyan ng break kaysa sa kanya.

Kahit na ang role na Jonas sa Kung Aagawin Ang Lahat ay unang in-offer sa kapwa niya StarStruck alumnus na si Paulo Avelino—na isa ngayong Kapamilya—marami naman ang natuwa na kay Mike ito napunta sa huli.

Kabilang sa mga natuwa para kay Mike ay ang kanyang leading ladies sa afternoon soap na sina Carla Abellana and Michelle Madrigal.

Nang tanungin kung kumusta si Mike as their leading man, halos pareho ang naging tugon nina Carla at Michelle.

CARLA ABELLANA. Ayon kay Carla, na unang nakasama ni Mike sa Rosalinda, "Maganda, proud ako kay Mike. Happy ako na kay Mike napunta.

"Although nagkatrabaho na kami ni Mike before, ang laki ng pinagbago niya.

"Kasi, nagti-theater na siya ngayon. Nag-i-stage play na siya ngayon.

"So, noong nag-workshop kami, nagulat ako sa kanya na may mga dala na siya. May mga ipinakita siyang bago.

"Sabi nga niya, sobrang hirap siya rito. Sobrang bago for him.

"Pero, nandito kaming dalawa ni Michelle and the rest of the cast para matulungan siya sa kahit na anong paraan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala rin si Carla na panahon na para mapansin at mabigyan si Mike ng break ng network.

Aniya, "It’s about time na rin. Gawin niya lang ang best niya, siguradong mapapansin siya ng tao.

"At nandito kami para tulungan siya."

MICHELLE MADRIGAL. Ayon naman kay Michelle, na unang nakasama ni Mike sa Captain Barbell, tulad ni Carla ay naniniwala siya na it’s about time for Mike to be given a lead role.

Sabi niya, "Nakikita ko naman sa kanya that he’s willing to learn talaga. Hindi siya tumitigil.

"Palagi siyang nagme-memorize ng lines niya. Palagi siyang nagtatanong.

"And, I think, he deserves it. He deserves it.

"Kasi, it’s about time na mag-build up ng bagong leading man ang GMA.

"Kasi, kulang na kulang sila ng lalaki at kailangan nila ng kagaya ni Mike."

Dagdag pa ni Michelle, "Matangkad si Mike at puwede mo siyang i-pair sa ibang babae na pang-mature roles.

"Kasi, there’s Rocco [Nacino], pero hindi mo sila makitang... I mean, ma-imagine mo bang i-pair si Rocco sa amin sa ganitong role?

"Hindi, di ba? Kasi, parang magaling siyang actor, pero parang maliit.

"Kulang ng lalaki lalo na umalis si Paulo. Kailangan ng GMA ng leading men at kung mapansin siya [Mike] rito, sana magtuluy-tuloy."

Natuwa rin daw si Michelle na bagama’t nakaramdam siya ng konting kaba nang lumipat si Paulo sa ABS-CBN at baka biglang ma-shelve ang project nila, si Mike nga ang naisip ng GMA-7 na gumanap sa role.

Aniya, "Natuwa talaga ako noong sinabi sa akin ni Ms. Helen [Sese, program manager].

"E, na-move nang na-move ang storycon namin dahil wala pa kaming lalaki.

"Sabi ko kay Ms. Helen, ’Sino na po ang lalaki natin?’ Sabi niya, ’Si Mike Tan.’

"Natuwa ako. Good for him. Kasi, it’s about time na mabigyan din yung iba ng chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, marami ang nagsabi sa akin, bakit daw si Mike Tan, ganito-ganyan.

"Pero alam ninyo, sa ipinapakita naman niya rito, nagtatanong siya palagi.

"At saka, ibang-iba. Walang-wala rito kay Mike ang gagampanan niya na mayaman, architect...

"Sabi nga niya, ’Walang-wala sa character ko ’to.’

"Pero, makikita mo that he’s really trying his best para mabigay kung anuman sa role niya," papuri pa ni Michelle sa kanilang leading man.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN