Jun Lana’s My Neighbor’s Wife goes up against mentor Marilou Diaz-Abaya’s Ikaw ang Pag-ibig at the box-office

"Nanghihinayang na mahahati ang audience sa dalawang pelikula. Nanghihinayang, dahil kakaunti na nga lang ang napo-produce na Pinoy movies, sana hindi na nagtatapatan ang producers. But, on the other hand, baka senyales ito na healthy na uli at buhay na buhay na ang Philippine cinema," says writer-director Jun Lana about the simultaneous showing of his film My Neighbor’s Wife and Marilou Diaz-Abaya’s Ikaw ang Pag-ibig.


Ngayong buwan ng September 2011 ay "buhay na buhay" ang Philippine movie industry dahil linggu-linggo ay mga Filipino movies ang itinatanghal sa mga sinehan—at hindi lang isa, kundi dala-dalawa o mahigit pa.

August 30 ay sabay nagbukas sa mga sinehan ang Wedding Tayo, Wedding Hindi ni Jose Javier Reyes from Star Cinema at Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington ni Jade Castro mula sa Origin8 Media, Inc.

Sumunod na opening date, September 7, dalawang Pinoy movies muli ang sabay na nagbukas sa mga sinehan—Thelma ni Direk Paul Soriano at X-Deal ni Direk Lawrence Fajardo, bagama’t exclusive lamang ang huli sa Robinsons Cinemas, samantalang nationwide ang una.

Ngayong araw na ito, September 14, ay may dalawang local movies muli ang magkasabay na itinanghal—My Neighbor’s Wife ni Jun Lana at Ikaw ang Pag-Ibig ni Marilou Diaz-Abaya.

Ang My Neighbor’s Wife ng Regal Entertainment ay pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Jake Cuenca, Carla Abellana, at Lovi Poe; samantalang nasa cast naman ng Ikaw ang Pag-Ibig sina Jomari Yllana, Marvin Agustin, Ina Feleo, at Eddie Garcia.

DIREK JUN VS. DIREK MARILOU. More than a month ago pa lamang before its playdate ay nai-announce na publicly ng kumpanya ni Mother Lily Monteverde ang opening ng movie nila, samantalang over a week pa lamang nang sinimulan ang promo ng Marilou Diaz Abaya film, na co-produced ng Star Cinema, Archdiocese of Caceres, Marilou Diaz-Abaya Film Institute, at ng Art Center.

Ka-facebook ng writer na ito si Direk Jun Lana, kung kaya’t nang minsan mai-post namin sa aming facebook wall ang pagkakasabay na playdate ng pelikula niya at ng pelikula ni Direk Marilou, nag-comment ito sa nasabing post, verifying kung kumpirmadong sabay nga ang showing ng movie nila.

Itinuturing kasi ni Direk Jun na "mentor" nito sa larangan ng scriptwriting si Direk Marilou.

Pagkatapos nito ay tinanong na namin si Direk Jun sa facebook account niya tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ba unang nalaman ni Direk Jun ang balitang sabay sa September 14 playdate ang movie nila ni Direk Marilou?

"I checked her [Direk Marilou] FB wall, nandoon nga ang announcement. I didn’t notice, probably hindi ako nag-FB nung araw na ’yon. So, sa ’yo ko lang nalaman dahil may notification yung shoutout mo," sagot ni Direk Jun sa amin.

Ano nga ba ang pinagsamahan nila ni Direk Marilou?

"Inay Marilou is my mentor and fairy godmother in showbiz," ani Direk Jun.

"Chairman siya ng board of judges ng Palanca noong manalo ako ng 1st place for Sa Pusod ng Dagat, which she directed.

"After that, ipinagkatiwala niya rin sa aking isulat ang Jose Rizal, Muro Ami, Bagong Buwan."

Co-written with Ricky Lee ang tatlong pelikulang binanggit niya.

Patuloy ng screenwriter-director, "Siya ang nagbigay sa akin ng break, in short. At lahat ng alam ko sa pagdidirek, natutunan ko sa kanya."

Ano ang unang naging reaction niya na magkasabay ang showing ng pelikula niya laban sa comeback movie ng itinuturing pa man din niyang "mentor at fairy godmother" sa showbiz?

"Nanghihinayang na mahahati ang audience sa dalawang pelikula," pag-amin ni Direk Jun.

"Nanghihinayang, dahil kakaunti na nga lang ang napo-produce na Pinoy movies, sana hindi na nagtatapatan ang producers.

"But, on the other hand, baka senyales ito na healthy na uli at buhay na buhay na ang Philippine cinema."

Nagkaroon na ba ng chance na magkaroon sila ng komunikasyon ni Direk Marilou mula nang malaman niya ang pagkakasabay ng mga pelikula nila?

"Wala naman," aniya.

"Wala sa kontrol namin ang playdate ng mga pelikula namin.

"Decision ito ng producers, at dapat naming irespeto."

Idinagdag ni Direk Jun na ang Regal Films din nga ang nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang direktor ng pelikula, dahil of recent years ay dito siya gumawa ng past films niya, tulad ng Kulam (starring July Ann Santos) at Tarot (starring Marian Rivera).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natagalan ako na gumawa pa rin dahil nag-focus muna ako sa GMA-7 noong ma-promote akong creative director," banggit pa niya.

MY NEIGHBOR’S WIFE. Speaking of My Neighbor’s Wife, ano ba ang bagong ipapakita niya sa pelikula?

"Hindi ito ang klase ng kuwentong mapapanood mo sa TV. Movie event talaga siya," pagmamalaki ni Direk Jun.

"So far, lahat ng promo, naka-focus sa sexy scenes, which I understand dahil kailangang kilitiin ang imahinasyon ng mga tao.

"Pero palagay ko, bukod sa napakagagaling na pagganap nina Dennis, Jake, Carla at Lovi, yung kuwento talaga ang pinaka-strength ng My Neighbor’s Wife.

"Akala ng mga tao, ikinuwento na namin lahat sa trailer, pero magugulat sila pag pinanood nila ang pelikula.

"Marami pa silang dapat abangan."

THE CONFRONTATION. Bagama’t humingi na ng apology ang isa sa mga bida niyang si Carla Abellana sa "nakabangga" nitong veteran columnist-film reviewer na si Mario Bautista the past weeks, bilang direktor, ano ang stand o masasabi niya sa nasabing isyu?

Sa palagay ba niya ay may kasalanan o pagkakamali rin ang publicity department ng Regal sa hindi pag-inform o magpadala ng kopya ng press release sa management company ni Carla para mabatid nito ang "quotation" niya sa said publicity slant, na ginamit ni Mario sa kanyang column?

"Nandun ako sa presscon. Natulala ako. Napainom ng wine!" tawa nito sa kanyang message.

"Hindi ko alam ang totoong puno’t dulo, kaya hindi ako makapag-comment.

"Ang hiling ko lang, sana magkaayos na sila."

Kaugnay nito, isinulat ni Mario sa kanyang People’s Journal column na nag-sorry si Carla nang mag-text ang aktres sa kanya, after makuha ang cell phone number nito mula sa boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann, na nakasama naman recently ng kolumnista sa isang out-of-town event.

Sabi pa ni Direk Jun, "Pero maganda yung suggestion mo na ipaalam sa mga artista ang publicity ng gagawin ng studio, para align lahat at hindi nagkakagulatan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN