Bela Padilla wins Miss Friendship and Media’s Darling awards at the Asian Super Model contest in China

"Parang ginawa na nila akong doll kasi nga, ako yung pinakamaliit. So, naging friend ko sila. Tapos yun, isa-isa na. Parang ang dami nang nakikipag-usap sa akin," relates Bela Padilla on how she won the friendship of the other contestants in the Asian Super Model Contest held in China.


Bago pa man ang Miss Universe 2011, isa nang Pinay ang may naiuwing awards mula sa isang pageant ngayong buwan.

Ito ay ang Kapuso artist na si Bela Padilla.

Naiuwi ng Sisid star ang awards na Miss Friendship at Media’s Darling sa Asian Super Model Contest na ginanap sa Guilin at Nanning, Guangxi Zuang Autonomous Region, China, noong September 6 at 7.

Ayon kay Bela, 12 days ang competition.

Umalis siya ng Pilipinas noong August 27 at anim na araw silang namalagi muna sa mga bulubundukin lugar ng scenic Guilin at lunsod ng Nanning.

Tatlo silang nag-represent ng Pilipinas sa supermodel competition na ito na sinalihan ng 36 na modelo mula sa 10 countries.

Kasama ni Bela bilang Philippine representatives ang StarStruck V Avenger na si Fianca Cruz at ang professional model na si Kimberly Tan.

Malaking kumpetisyon daw ito sa China dahil todo ang promotion sa kanila through billboards, malalaking streamers, TV promos, at fashion shows.

Kuwento pa ng 20-year-old na Kapuso, kahit nagtatangkaran ang mga contestants sa competition, napansin pa rin daw siya sa kabila ng height niyang 5’6".

"Kasi kami yung pinakamadaldal!" natatawang kuwento ni Bela tungkol sa kanila nina Fianca at Kimberly.

Masyado raw kasing seryoso at pormal ang karamihang girls na kasali sa competition. Samantalang sila nina Fianca, panay ang pakikipagkuwentuhan at pakikisalamuha.

"Yung China, tatlo silang kasali. Seryoso talaga sila, super ang tatangkad nila at sobrang ang gaganda. They really picked the best for this competition.

"Tapos yung ibang girls, kapag walang ginagawa, pag breaktime, nakatulala lang sila. As in seryoso sila. Hindi sila masyadong talkative. Sobrang pormal.

"Kami, nakikipagtsikahan."

Noong una raw ay nahirapan silang makipag-usap sa mga kasali, lalo na sa Chinese representatives na walang mga kasamang interpreter.

"Kasi home country sila, e. Tapos wala silang Facebook. So, wala kaming common ground na mapag-usapan.

"Pero after a while, katsika ko na yung isang China, pinaglalaruan na nila yung buhok ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ginawa na nila akong doll kasi nga, ako yung pinakamaliit. So, naging friend ko sila.

"Tapos yun, isa-isa na. Parang ang dami nang nakikipag-usap sa akin."

HOW SHE WON MEDIA’S DARLING. Nakakatuwa naman daw kung paano siya naging Media’s Darling.

"First time daw nilang gawin na mag-shoot sa bundok," sabi ni Bela tungkol sa organizers ng competition.

"Nag-set up sila ng stage dun sa bundok, sa province, para sa fashion show.

"Six days kami doon, pati yung commercial shoots, doon ginawa.

"Yung ginawa ko, kasi lagi silang kumpul-kumpol lahat. Lagi silang in one group.

"So, ang liit-liit ko na, parang hindi na ’ko mapapansin diyan. So, laging iba yung ginagawa ko.

"Kunyari nakaupo lang sila. E, bilad na bilad kami sa araw, maghahanap ako ng shade. Tapos makikipaglaro ako sa mga manok, ganun," natatawa pang kuwento ni Bela.

"Natuwa yung TV crew. So, lagi na nila ’kong sinusundan mula no’n. Gumigimik na ’ko ng iba, para mapansin.

"Kasi wala na, e. Pinakamaliit na ’ko dun, e. Gumagawa ako ng sarili kong script dun."

Sa tuwa nga raw ng mga Chinese sa kanya, ginawan pa siya ng Chinese name ng mga ito.

"Ginawan po nila ako ng Chinese name, Tien-Tien. Ako lang ang ginawan nila ng Chinese name.

"Which means parang ’Sweet Child.’"

Nagkaroon din daw siya ng pagkakataon na magturo ng English sa isang public school doon.

"Ako lang po [from other candidates]. Nagturo po ako ng English sa isang public school. So, I had to learn Chinese also, a little bit.

"I know how to say ’How much?’ in Chinese now. Tu hao tien?

"Tapos sinasabi nila yung price, hindi ko rin maintindihan."

STANDING ONLY 5’6". Ang six-footer Chinese model na nagngangalang Xin Rui ang nagwagi sa kumpetisyon.

Inamin ni Bela na kung tutuusin, hindi siya qualified sa competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think the height requirement really is 5’8". Pero sabi, maghi-heels na lang daw ako ng mataas. I really didn’t meet the height requirement."

Hindi ba sila kinuwestiyon?

"No naman, pero parang understood na for us na we weren’t gonna reach the final round. Parang we shouldn’t expect anymore.

"And for me, kasi more of experience already na, you got to spend a free vacation in China, na paid pa.

"With so many other beautiful girls na, they’re not just ordinary people in their country. Some of them are movie stars, top models."

WHAT SHE LEARNED FROM THE COMPETITION. Natuto rin naman daw siya sa experience niya sa Asian Super Model Contest para sa balak niyang pagsali sa Miss World-Philippines 2012.

"At least, I got the chance to see what it’s like to be competitive. Kasi here, when I was here before I left, very ano ’ko, I don’t see other girls as competition. Parang hindi ako masyadong competitive na tao.

"Medyo... ’Ok, if you want to be in the spotlight, go ahead.’ Parang ganun ako, mapagbigay.

"At least now, I know na, ’A, okay, kailangan mong gumimik para mapansin.’ Yung ganun.

"I learned a few stuff and it’s easier, I think now, for me to mingle with other people. Kasi I was able to mingle with delegates from so many other countries.

"So, it’s probably much easier now for me to be with people from my own home country, di ba?"

FILIPINO WARMTH. Pero kahit na kumpetisyon ang sinalihan niya, ang pagiging friendly pa rin daw nila nina Fianca at Kimberly sa ibang mga kandidato ang magandang representasyon na nagawa nila para sa Pilipinas.

"Kasi, at the end of the day, whether you win or not, they’re gonna take those memories home with them also to their countries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, at least they saw that the Philippines, the Filipinos are very warm people.

"I think from what me and what the other Filipino delegates showed na we know how to mingle well, we’re easy to talk to, and we help a lot.

"Kasi a lot of contestants fought, and usually, kami yung parang peacemakers.

"So, more than anything, I hope they remember the Filipinos for their attitude, not for anything else."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN