Zoren Legaspi all set to direct his first full-length movie starring Michelle Madrigal

Actor Zoren Legaspi is about to begin the principal photography of his first feature film, Ang Huling Sayaw ni Salome, which will also serve as the launching movie of Michelle Madrigal.


Any time ay sisimulan na ang principal photography para sa full-length directorial debut ng aktor na si Zoren Legaspi.

Ito ay ang launching movie ni Michelle Madrigal na pinamagatang Ang Huling Sayaw ni Salome, na magtatampok din kay JC de Vera bilang leading man.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Zoren, sinabi nitong bago niya simulan ang shooting ng pelikula ay kailangang makasiguro siyang preparado si Michelle sa kanyang dance sequences.

"Hindi ako magsisimula hanggang hindi ako satisfied sa performance ni Michelle sa kanyang pagsayaw," bungad ng actor-director.

"It’s a dance you don’t normally see. At saka yung sayaw na talagang mai-impress yung mga manonood sa kanya.

"I believe na kailangan ngayon sa moviegoers para panoorin nila ang movie, makakita sila ng kakaiba.

"Yung sayaw kasi ni Michelle, combination. Hindi siya 100 percent pole dancing.

"Pero malaki ang percentage ng pagsayaw niya sa pole, kaya mahirap. It’s not a typical dance."

Sabi pa ni Zoren, "Ayoko namang mapahiya siya na parang, ’Ano ba ’yan? Nag-pole pa, hindi naman kaya.’

"Although, kaya namang dayain, puwede namang mag-double, pero ayoko.

"Gusto ko siya mismo. Gusto ko paghirapan nang husto."

NOT A BOLD FILM. Alam ni Zoren na ang Salome ay imahe ng bold at sexy. Pero ayaw raw niyang ma-typecast na "bold" ang gagawin niyang pelikula.

"Hindi naman ako gagawa ng gano’ng klaseng pelikula na bold.

"This is really a heavy drama movie, it so happens na may sexy...

"Definitely, it’s so sexy. Pero up to what extent? Kung may butt exposure, breast exposure?

"Sa ngayon, ayaw ko munang i-pressure si Michelle sa gano’ng area.

"Pero willing siya to go sexy and okay siya to do sexy scenes with her ex na si JC."

Ibig sabihin, yung execution ng love scenes nina Michelle at JC sa pelikula ay hindi pa plantsado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, siguro kung ano ang ginagawa nila sa totoong buhay!" pabirong bulalas ni Zoren, na binawi rin niya agad.

INSIDE THE BATHROOM. Pressure kay Zoren ang pag-iisip ng ididirehe niyang love scenes nina Michelle at JC.

"Yun ang pinag-aaralan ko sa banyo pag ako ang mag-isa!" pagtatapat niya, kasunod ang isang malakas na tawa.

"Ini-imagine ko kasi yung mga position, kung paano niya [JC] hahaplusin si Michelle... kung paano hahaplusin ni Michelle si JC.

"Hanggang saan aabot yung mga kamay nila. Mga gano’n," paliwanag ni Zoren.

Biniro namin si Zoren kung kasama na ba sa ipagagawa niyang love scene sa dalawa niyang artista ang closed-door love scene naman nila ng partner niyang Carmina Villarroel.

"It has to be cinematic," sagot naman niya.

"Iba yung sa totoong buhay, iba yung sa cinematic. Lalo na yung mga halik.

"Ayoko yung naghahalikan sila, pero imbes na magustuhan ng mga manonood, ma-turn on sila, mati-turn off sila. ’Ano ba ’yan, nakakadiri!’

"So, merong cinematic kiss or ways to caress the body. Yun ang pinag-aaralan ko."

Bakit sa loob pa ng banyo siya nag-iisip ng mga ididirehe niyang love scenes?

"Parang nandoon yung energy, e," mabilis na sagot ni Zoren.

Nabanggit din niyang hindi siya mahilig manood ng soft-porn movies.

"A, hindi ako nanonood dahil ayokong... ang tendency mo, parang gayahin, e.

"Kunwari, may eksena akong nagawa na pala sa ibang pelikula. I can honestly say na hindi ko siya napanood.

"So, yung Burlesk Queen ni Vilma Santos. Yung mga sexy scenes nina Lorna Tolentino before sa pelikula nila, hindi ko pinanood.

"Para I can honestly say na this is an original from my own writing."

WHY MICHELLE? Simple lang ang rason ni Zoren kung bakit si Michelle ang napili niyang magbida sa kanyang pelikula.

"Feeling ko, hinog na siya. And naniniwala naman ako sa kanya at sa talent niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakiusap nga siya kay Tita Anabelle [Rama, Michelle’s manager]. Doon ko talaga nakita na gusto niyang gawin yung movie.

"Dahil si Tita Annabelle, ayaw niyang kunin ang pelikula dahil wala naman daw akong budget.

"Pero nakiusap si Michelle na gusto niyang gawin kahit libre. So, gano’n siya na-in love sa story.

"Kaya ang hirap rin umpisahan ang pelikula dahil ayokong ma-disappoint yung mga naghihintay," saad niya.

THE LEADING MAN. Ayon kay Zoren, hindi si JC ang original choice na leading man ni Michelle sa Salome.

"Originally, ako yung lalake dapat," sabi niya.

"But, alam ko naman kung saan ako lulugar as an actor and as a director.

"Nung nakita ko na hindi kami physically balanced on the screen ni Michelle, drinop-off ko yung role ko, at ibinigay ko kay JC.

"Na okey naman kay Tita Annabelle na gampanan ni JC yung role at okey naman kay JC."

Si Annabelle din ang talent manager ni JC.

Kung natuloy raw si Zoren sa role niya, gagawin niya ang mga naiisip niyang love scenes para sa kanilang dalawa ni Michelle. Pero hindi raw pumabor si Carmina dito.

"A, medyo hindi nga okey," sambit niya.

"Naninibago nga ako sa kanya dahil recently, medyo parang nagiging selosa ’ata, e.

"Hindi ko alam kung nagbibiro siya o hindi.

"Pero siguro... Pag may kausap ako sa phone at ini-explain ko yung mga eksena, siyempre naririnig niya.

"Siguro, nagkaroon siya ng wild imagination na baka kung anong klaseng pelikula yung gagawin ko.

"Medyo napa-praning siya siguro."

Wala naman daw tampuhan o away na namagitan kina Zoren at Carmina. Nagpahiwatig lang daw ang actress-TV host sa kanyang tunay na saloobin.

"Nag-text lang siya. Hindi raw siya kumportable na ako yung magiging leading man.

"Pero pinag-aralan ko rin na hindi kami... Feling ko ha, hindi kami bagay ni Michelle on-cam for some reason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas bagay talaga sila ni JC."

HOW DARING... Kung sakali man daw natuloy si Zoren bilang leading man ni Michelle, hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang pagpapaka-daring niya gaya ng butt exposure at pumping scenes.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Hindi ko pa nagagawa yun ever–" putol niyang sinabi dahil may naalaala siya.

"A, nagawa ko na pala!" natawang pag-amin ni Zoren.

"Nagawa ko na doon sa movie namin ni Ara Mina.

"Kaso, magaling yung cinematographer, nilagyan niya ng shadow.

"Yun yung Nagbabagang Apoy, Regal Films ’yan, directed by Don Escudero.

"But, inalagaan ako ng cinematographer."

Kuwento pa ni Zoren, "Pero sa actual shoot namin, hubad-hubad kami.

"Saka si Ara Mina noon, walang panty, pinatanggal ko.

"Kasi nati-take two kami dahil nakikita yung panty niya.

"Sabi ko, ’Ara, tapusin na natin, tanggalin mo na yung panty mo.’

"Ako, naka-plaster. Pero siya, wala na. Para lang matapos na yung eksena.

"Hindi kasi ako kumportable. First time ko talaga yun."

MOVIE WITH CARMINA. Ayon pa kay Zoren, ang dapat na unang ididirek niya ay ang pelikulang pagsasamahan nila ni Carmina. Pero hindi nga ito nangyari.

"Inuna ko kasi ito [Salome] dahil ’eto yung kulang sa movie industry natin, na ganito ang klase ng tema.

"Nandiyan na yung Thelma, My Neighbor’s Wife, yung Tween Academy na recent lang ipinalabas.

"So, malalaman mo doon kung bakit may ibang hindi nag-click at merong umokey naman. So, yun!

"Ako kasi, yung moviegoer by nature... Hopefully, matantiya ko talaga ang audience kung ano ang gusto nila.

"By this movie, feeling ko naman, meron siyang future.

"Otherwise, hindi ako maglalabas ng pera," kampante niyang sabi.

Aabot daw sa halos P12 million ang gagastusin ni Zoren para sa pelikulang ito, na hindi indie film kundi isang mainstream movie.

"High profile kasi yung movie," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag club, maraming tao, marami ka kaagad babayaran. So, doon pa lang, marami na talagang gastos.

"Gagawin ko ito in 15 shooting days."

Maliban sa sarili niyang pera, umuungot na raw ng tulong-suporta si Zoren kay Carmina.

"Nanghihingi pa lang ako. Hindi pa niya ako siniseryoso.

"Pero most of it, it’s my money.

"Sabi ko, ’Kung gusto mong mag-abuloy, puwede...’

"Okey naman sa kanya. Pero pinahihirapan pa niya ako nang kaunti.

"Kaya nga ayokong magkamali, kasi yung pera, pinaghirapan ’yan.

"Hindi lang yun. Gusto ko talagang mag-enjoy yung mga manonood."

Sigurado na si Zoren na hindi niya ipalalabas ang pelikula niya bago matapos ang taon para hindi sumabay sa promo ng Metro Manila Film Festival 2011.

"Ito yung pelikulang una nilang mapapanood sa 2012," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN