Gardo Versoza’s character in teleserye "dies," and given a traditional and elaborate "burial"

Kung siya ang masusunod, ayaw ni Gardo Versoza na mag-"exit frame" agad ang kanyang character sa Amaya.

"Nalulungkot ako dahil ang feeling ko... opinyon ko lang, ha, bilang artista, nanghihinayang ako kasi parang hindi na-maximize yung role, e. yung character ni Rajah Mangubat," he says.



Gardo Versoza’s character, Rajah Mangubat, in GMA-7’s Amaya, is dead.


Sa ilang gabing pagsasahimpapawid ng epicserye, mula noong Martes, September 13, ay nasaksihan ng televiewers ang madugong wakas ng mabalasik na si Rajah Mangubat sa mga kamay ng buktot na si Angaway (Ryan Eigenmann), bagama’t ang itinurong salarin ay si Amaya (Marian Rivera), ayon sa pakana ng 15th century villainess, Dian Lamitan (Gina Alajar), para mapasakamay sa kanyang anak na lalake ang paghahari kapalit ng pinaslang na Rajah.

Very elaborate ang mourning at pre-burial practices ng mga sinaunang liping Pilipino, gaya nang mga ipinakitang eksena sa sunud-sunod na gabi ng Amaya, na huling linggo ng character ni Gardo.

On a Wednesday, September 14, Gardo Versoza and his manager-girlfriend, Ivy Vicencio, personally invited PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) to witness his remaining scenes being taped on location, in Pagsanjan, Laguna.

Kabilang ito sa mga eksena ng pagbigay ng last respects ng villagers to their chieftain, habang ang iba nama’y may pagkasuklam pa rin sa pinunong naging sanhi ng isang madugong pag-aaklas. All throughout, the Rajah lay lifeless in the "balsa" na siya ring nagsisilbing casket noong unang panahon.

Naging maayos at maganda ang pagkaka-tape ng eksena ni Gardo bilang si Rajah Mangubat, habang ang kanyang asawang si Hara Lingayan (Ayen Munji-Laurel) ay nagsasagawa ng mga huling ritwal bilang pamamaalam.

Hindi pa natapos ang mga eksena sa pagkamatay ng Rajah. Ang pinaka-last taping ng aktor sa epicserye ay ginanap ngayong Biyernes, September 16.

EXIT FRAME. Kung siya ang masusunod, ayaw ni Gardo na mag-"exit frame" agad ang kanyang character sa Amaya.

"Nalulungkot ako dahil ang feeling ko... opinyon ko lang, ha, bilang artista, nanghihinayang ako kasi parang hindi na-maximize yung role, e. yung character ni Rajah Mangubat," simulang banggit niya sa PEP.

"Ang daming puwedeng paglaruan sa character, pero feeling ko na-stop, abruptly, sa punto ng pagkakapatay sa kanya ni Angaway [Ryan Eigenman].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At the same time, nirerespeto naman natin yung desisyon din ng creative team sa naisip nilang takbo ng kuwento. Para yung ibang characters, e, gumalaw at mabigyan din ng focus..."

Gardo cited as examples the roles of his "comrades" on the set, the likes of AJ Dee (Paratawag), Rob Sy (Paragahin), and Mon Confiado (Songil), among others, who took part in staging a coup d’etat to overthrow the despotic ruler.



"Yung validity na naisip nila [creative team], e, ito ngang pagkakapatay sa akin... leading yun sa posibleng pagru-rule ni Angaway," banggit ni Gardo.

Ayon sa takbo ng kwento, ang character ni Ryan ang nanamantala sa kapangyarihan. Sa isang banda, malaki rin ang posibilidad ng pag-shine ng character ni Sid Lucero, bilang si Bagani, na anak ni Rajah Mangubat.

"Maganda yung direksiyon na yun, na si Bagani magkakaroon ng heroic sense to take on his father’s legacy and rebuild his name’s honor and dignity."

Whatever, masaya pa rin si Gardo sa kinalabasan ng kanyang role, dahil maayos pa rin ang pagkakasulat at pagkakalahad nito hanggang sa huling sandali.

Ang kanyang pagkakapaslang, although hindi sa isang malaking battle scene, ay nabigyan ng kaukulang importansiya sa pagpapakita ng ilang ritwal na akma sa isang kinikilalang lider na Pilipino noong unang panahon.

"Yung pagka-despotic ruler ni Rajah Mangubat, iba naman sa mga naging diktador na alam natin," opinyon pa rin ni Gardo.

"Dahil yung human side ng character, as father [ni Bagani] and husband [ni Ayen Munji-Laurel, as Hara Lingayan], e, nabigyang-focus. Sa pagkaka-analyze ko, logical naman ang development ng plot at this point."

Sa mga huling eksena ni Gardo sa Amaya ay nakahiga lang siya sa balsa, habang isinasagawa ang mga huling ritwal ng pamamaalam.
Kasunod nito ay ang paglilibing, sa pamamagitan ng pagsunog ng bangkay sa dagat, na siyang cremation practice noong unang panahon among ancient Filipinos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Amaya ay nasa pamamahala ni Direk Mac Alejandre at ng kanyang writing team, composed of Geng Delgado, Marlon Miguel, Rona Lean Sales, and Suzette Doctolero.

Reportedly, hanggang November, 2011 pa ang itatagal ng epicserye na ito ng GMA-7.



TENT-MATES. Meanwhile, habang naghihintay ng takdang oras, para sa taping ng kanyang mga eksena, ay nag-stay muna kami sa tent occupied by Gardo.

Malaking bahagi ng oras na inilalagi ni Gardo sa set ng Amaya, mula pa noong mag-umpisa silang mag-taping last March, 2011, ay sa paghihintay ng takdang oras ng pagharap sa kamera o "pagsalang" sa eksena.

Sa kanilang dressing room/tent ay ka-share ng aktor ang mga gumaganap na kawal (’comrades-in-arms’ ni Rajah Mangubat), tulad nina AJ Dee at Rob Sy.



Originally ay ka-share din ng tatlo si Mon Confiado, pero mayroon daw itong malaking sasakyang RV na doon naghihintay ang character actor ng kanyang abiso.

Kumportable ang tent ng tatlo; air-conditioned at may mga ’bonbon’ beds ang mga aktor, para hindi sila mainip at makaidlip kung matagal ang paghihintay.

In-interview na rin ng PEP sina AJ at Rob (at Mon C.) tungkol sa kanilang pagta-trabaho sa Amaya, at ang naging bonding nilang tatlo with Gardo Versoza.

Pawang magaganda ang pananalita nina AJ, Rob, at Mon, patungkol sa lilisang co-actor.

"Siyempre, pag start n’yo mag-taping, kapaan pa ’yan," simula ni AJ, whose real name is Angelo James Dee, who’s in his early 20s.


"Titingnan n’yo kung magka-vibes kayo o hindi. E, nagkataon, magka-vibes naman..."

Dagdag ni Ivy Vicencio, "pag wala nga ang isa sa taping, ’O, nasaan si [co-actor]?’"

"Naghahanapan," AJ agreed.

"Salamat sa Diyos dahil nagkasundo kami. So madali para sa amin. Mga ilang days lang yung hiya-hiyaan.

"Kaya nakaka-miss talaga pag nagkahiwa-hiwalay," wika ni AJ na totoong naging close friend ni Gardo since Amaya started.

In fact, naabutan ng PEP si AJ Dee na dumalaw sa hospital room ni Gardo nang ma-confine ito last month dahil sa sakit na typhoid fever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nagri-relate sa isa’t isa sina Gardo at AJ?

"Pagka nag-uusap kami, hindi ganon ang pinag-uusapan namin," said AJ, ruling out anything "personal" in each other’s dealings.

"Hindi namin pinag-uusapan ang mga kalokohan," sabi ni AJ. "Ang pinag-uusapan namin, acting; mga pelikula. Kung sinong mga aktor ang magagaling. Du’n kami nagkakasundo."

Nag-uusap din ba sila tungkol sa mga magagandang babae?

"Pagdating sa gano’n, si Rob ang tanungin mo," natatawang pagbanggit din ng actor-athlete.

Sa dalawang tent-mates ni Gardo, AJ is the silent, shy guy type while Rob is the "chickboy."


"Tuwang-tuwa ako na na-meet ko siya, kasi nu’ng una, naaalala ko, nahihiya talaga ko," pag-amin din ni AJ.


Base sa pag-uugali niya, tila nga madali silang magkakasundo ni Gardo, na siya ngang nangyari.

"Pakitang-tao ko lang ito..." AJ joked.

BIG BROTHER. For Rob Sy (real name: Robert Vincent Arinas Sy), Gardo Versoza is like a brother.


"Kuya-kuyahan" is how this 33-year old Survivor Philippines runner-up regards Gardo.


"Yeah. It’s him and Emilio [Garcia] ang mga ’kuya-kuyahan’ ko [sa showbiz]," mentioned Rob.


Tulad din ni AJ, ilang months din ang naging pagba-bonding nina Gardo at Rob sa Amaya set.


At sa panahong ’yon, marami daw nai-impart na values si Gardo sa dalawang so-called ’kid brothers’ niya.

"Well, both [sa] work and personal [aspects]," ani Rob.

"Sa work, of course, acting. Always. Like, recently, the other day we had fight scenes. Tinuruan niya ako kung paano gagawin; o kung paano may ’daya’ [sa execution)]. Sobra, maganda ang working relationship namin."

How about sa aspetong personal, paano sila nagi-interact ni Gardo V?
"When it comes to, siguro yung pangangalaga sa status, finances, discipline and patience [sa work]," makahulugang banggit pa ni Rob.

LIFE AFTER AMAYA. Is there life after Amaya?


"Awa ng Diyos... meron pa ring blessings; salamat kay Papa Jesus," pagtukoy ni Gardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gardo and Ivy have long informed PEP of the immediate follow-up teleserye, Ikaw Lang Ang Mamahalin, na inialok agad sa aktor.

"Tapos na kaming mag-storycon, malapit na ang taping, baka next week [third week of September],"ang sabi pa ni Ms. Ivy.

On the day the duo invited PEP, katatapos lang ng "look test" (o photoshoot) ng mga cast, sa GMA 7 studios.

Gaganap si Gardo bilang butihing ama ng young actress na si Barbie Forteza, na kapareha ng teen actor na si Joshua Dionisio.

"Kaya nagpa-haircut na siya," ani Ivy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN