Jay-R reveals his new manager — Stages of Carlo Orosa

Jay-R explains why he chose Stages of Carlo Orosa to manage his career: "I want a fresh start... I think Stages can really help me. I wanna focus more on music. Dito sa Pilipinas, making OPM better and making OPM more popular. Also, I wanna take my music sa ibang bansa tulad ni Christian Bautista, di ba? He’s known all over Asia and Stages has a lot to do with that."



Nasagot na nga finally kung sino ang bagong manager na hahawak sa career ni Jay-R.

Nang huli itong makapanayam ng entertainment press, nagpahiwatig ito that he was looking for a new manager. At that time, tatlo raw ang pinagpipilian niya na posibleng mag-manage sa kanya.

Pero kagabi, along with his girlfriend Krista Kleiner, Stages of Carlo Orosa, conducted a press conference announcing their new talents—sina Jay-R at Krista nga.

From Arnold Vegafria of ALV to his three choices, marami ang na-curious kung bakit ang Stages ang napili ni Jay-R to manage him.

Ang paliwanag ni Jay-R: "I want a fresh start with my career and I think Stages can really help me. I wanna focus more on music. Dito sa Pilipinas, making OPM better and making OPM more popular.

"Also, I wanna take my music sa ibang bansa tulad ni Christian Bautista, di ba? He’s known all over Asia and Stages has a lot to do with that. So, maybe I can get my foot in the door and start doing something na ganoon din."

May natapos na nga raw itong i-record na kanta in Bahasa Indonesia—a duet with another Asian singer.

Hindi naman itinanggi ni Jay-R na kahit papaano, naging inspirasyon niya si Christian sa bagay na ito.

"Yeah, sabi ko nga, when I have the opportunity to change management, I want it with Stages."

Naisip din daw niya na baka magkaroon ng conflict kung same ang manager sila ni Christian. Halos same din yung career paths at goals ng dalawa.

DIFFERENT STYLES. Pero ayon kay Jay-R, "We have different styles naman. I’m more up-beat, si Christian naman, more on ballads."

Hindi ba ito puedeng maibigay ng kanyang former manager?

"I think Arnold is capable. Pero I think Stages [has the] network... they have the network in Indonesia, Singapore, Malaysia at yun ang gusto kong i-tap," ang sabi ni Jay-R.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis at naging maayos naman daw ang pag-alis niya sa ALV.

"Isang meeting lang. Sa kanila, okay naman. He [gave] his blessing and you know, we just finished some paper work and yun, okay na. Sila Carlo and Arnold also chatted just to clear the air. Okay naman ang separation."

May sinasabing pera daw ang dahilan sa hiwalayan na itinanggi naman ni Jay-R.

"No, no, hindi naman pera between me and Arnold."

PACKAGE DEAL? Silang dalawa ng girlfriend na si Krista ang sabay na ipinakilala as the new talents of Stages sa Thaipan restaurant sa Quezon City last night. Desisyon daw nila na sabay maghanap ng bagong manager na magkasama sila.

"When we met with Stages, parang alam na namin na gusto namin do’n, e. Everything was so professional and so sincere."

Pinag-planuhan talaga nila ni Krista na isang manager lang?

"Well, I guess you can call it a plan; we really wanted to do everything together. Lahat ng mga shows na pinupuntahan ko, gusto ko nandoon din siya, kumakanta rin. Kahit sa management with Arnold, gusto ko rin, kasama siya.

"At ngayon na lilipat ako, gusto ko rin na kasama siya."

Tinatanggap naman ni Jay-R kung ang tawag sa kanila ay package deal.

"Okay lang naman. I don’t think it’s negative na package deal kami ni Krista. Okay lang naman sa akin."

Masasabi ba niyang si Krista na ang babae para sa kanya?

"Maybe, I’m really hoping for that and I’m happy naman with what’s going on. I’m just wishing and praying lang that it will stay the same, na ganito lang. We’re both passionate about the same things, we’re both in the same industry. "

Any wedding plans?

Nakangiti naman niyang sabi, "Wala pa naman. You know, it’s been brought up sa mga conversations namin, but nothing serious na next year na tayo magpakasal or something na ganoon. Kasi, business-minded kamin talaga at gusto naming maging fruitful ang mga careers muna namin before making any decision."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din namin si Jay-R kung ilang taon pa before he finally gets married.

"Mga five years pa siguro. Matagal pa, especially si Krista, she’s only 22 years old. Ako, 23 pa lang," natatawang biro niya.

"Ako, I believe na kapag nandoon na talaga, you have to do it na, you have to start planning na talaga. Ito yung feeling na everything’s perfect na ganoon.

"At this point, everything’s perfect but not at the point na we’re ready to get married, so I leave myself open. I don’t really give myself a deadline"

LIVING ARRANGEMENT. Nagli-live in na ba sila ni Krista?

"No, hindi talaga. When I go to her house, kahit late, umuuwi rin ako. I really respect the wishes of her parents. The parents really talk to me talaga. They are really conservative. They really wanna look out for Krista. Ako naman, agree rin ako. Si Krista, agree rin naman so, there’s no problem.

"Everytime, pagkatapos ng work, kahit 1 A.M. na, uuwi pa rin ako."

May mga selosan factor ba sa kanila?

Nangiti ito sabay sabi ng, "Marami. I think, it’s part naman of the relationship."

Umamin si Jay-R na mas madalas siya ang nag-seselos.

"I mean, beauty queen ’yan, e. Everywhere we go, the guys stare. Everywhere we go, kapag may mga kasama kaming lalaki, siyempre gusto siyang kausapin. So, siyempre nandoon lang ako sa side niya, para walang mangyari or something at para walang isipin yung guy.

"Mahirap din maging boyfriend ng isang beauty queen."

May ginagawa rin silang album ni Krista, isang dance album na malapit na raw matapos. They are planning to release it in January next year.

Isa rin sa mga mentor/judge ng Protégé si Jay-R.

"Gusto ko na dalhin siya sa mga shows ko. Gusto kong ma-experience niya yung kumanta sa malaking audience. Dadalhin ko siya sa Party Pilipinas para makita niya talaga kung paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba ang live performances kesa sa TV, so gusto ko ma-experience niya ang difference, because experience is the best teacher, ’di ba? So, I really wanna show her."

Napi-feel na ba niya ang competition sa Protégé?

"Yeah, yeah mahirap talaga. A lot of people really work for it. At yung iba, kapag nare-reject mahirap talaga para sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN