Cesar Montano confident about success of new film Hitman: "It’s about time to bring back the glory days of action movies."

Bukod sa pagiging bida sa Hitman, si Cesar Montano din ang direktor at co-writer nito. Very proud siya sa action scenes na ginawa niya rito. First time din na nakipagtulungan ang kanyang production outfit sa Viva Films, kaya pursigido si Cesar na pagandahin ang pelikulang ito which also stars Phillip Salvador, Ricky Davao, Mark Herras, Joko Diaz, and Sam Pinto.


Confident si Cesar Montano na tatangkilikin ng moviegoers ang bago niyang pelikulang Hitman na produced ng kanyang CM Productions at idi-distribute ng Viva Films. Bagama’t wala pang actual playdate ay sigurado naman daw na mapapanood ito sa mga sinehan sa November 2011.

Sinasabing ang pelikulang ito ang magbabalik sa kasikatan ng action films sa movie industry.

"Matagal na kasing walang napapanood na local action movies ang mga Pilipino. Alam kong naghahanap din sila kaya lang ay wala pang naglalakas-loob na gumawa ulit ng action. Naniniwala ako na it’s about time to bring back the glory days of action movies. Kaya naisip namin na gawin itong Hitman," sabi ni Cesar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Cesar sa shooting ng Hitman kagabi, September 17, sa HK Sun Plaza sa Macapagal Blvd., Pasay City.

Bukod sa pagiging bida sa Hitman, si Cesar din ang direktor at co-writer nito. Very proud nga siya sa action scenes na ginawa niya rito.

"Kakaibang action ang makikita n’yo rito. Not the usual explosions and all, but very different. There will be a lot of chase scenes, running gun battle and the way the camera captured all of it is really something else."

First time din na nakipagtulungan ang kanyang production outfit sa Viva Films, kaya pursigido si Cesar na pagandahin ang pelikulang ito.

"As a director, actor, and producer at the same time, ang inaalala ko yung totality, kung paano magiging maganda yung mismong kabuuan ng istorya, ng pelikula.

"Kung paano ito matatanggap ng Pilipino audience, kung paano kikita yung pelikula, lalo na ito yung first time na nag-merge kami ng Viva. So, I have to prove to Vic del Rosario [big boss ng Viva], to Viva per se, na I can direct, act, and at the same time, produce a film."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa cast ng Hitman sina Phillip Salvador, Ricky Davao, Mark Herras, Joko Diaz, Sam Pinto at ang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

FIRST TIME WITH PHILLIP. Ang Hitman ang kauna-unahang pelikula na nakasama ni Cesar si Phillip, na gumaganap na pangunahing kontrabida niya.

"First time naming nagsama. Dati guesting lang kami sa pelikula ni Willie Revillame. But now full-length film na kami, yung sentro ng istorya."

Kumusta katrabaho ang katulad niya’y magaling din na aktor?

"Of course, it’s an honor for me. It’s a great opportunity to work with Phillip Salvador. Malaking karangalan kaya talagang parang dream come true po ito. Kaya nung tinanggap niya itong pelikulang ito, malaking kaligayahan ko talaga. Sana hindi lang ito yung una’t huli. Sana masundan pa ng iba pang pelikula."

Malaki raw ang naitulong ni Phillip sa pelikula lalo na sa pagga-guide sa pag-arte ng iba pa nilang kasamang artista.

"Kuya Ipe made life easier for me. Hindi ko na kailangan sabihan si Kuya Ipe na, ’Pakisuportahan mo naman ako dito.’ Hindi na, talagang si Kuya Ipe tumutulong sa atin. And I appreciate it. Kaya naman I’m so grateful dun sa ginagawang suporta ni Phillip Salvador."

BIG BREAK FOR MARK. Kung meron man daw isa pang rebelasyon sa Hitman, ito ay ang StarStruck’s first Ultimate Male Survivor na si Mark Herras, na first time gumawa ng isang action movie.

Paano niya pinili si Mark para sa challenging role na may pagka-psycho ang dating?

"Hindi naman bagito si Mark sa pag-arte e. Nakita ko naman siyang umarte sa telebisyon. I consider him one of the finest young actors that we have, sa level ng kanyang henerasyon.

"So, hindi mo rin matatawaran ang pag-arte ni Mark. So, sa tingin ko, mabibigyan niya ng justice ang role na ito, ang character na ako mismo ang nag-design sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang-iba yung character niya rito. Talagang magugulat yung mga tao sa character niya na ganun pala. Well, mahirap lang sabihin ngayon kung ano talaga yung character niya kasi mawawala yung suspense ng istorya. Abangan n’yo na lang po kasi magugulat kayo at lalo n’yo pong hahangaan si Mark Herras sa pelikulang ito."

Alam daw ni Cesar na mahirap ang role ni Mark kaya naman hindi siya nag-atubiling tulungan at i-guide ang young actor sa mga mabibigat na eksena nito.

"The role itself talagang napakahirap. I designed it myself, talagang pinaganda ko yung role. Talagang alam ko mahihirapan siya kaya kailangan ng guidance from me.

"Ngayon, very generous naman, very kind, for actors like Kuya Ipe, Ricky Davao, yung mga beterano, tumutulong. Hindi naging selfish, hindi madamot. Si Kuya Ipe would really go out his way para matulungan ka lang, mai-guide ka sa pag-arte mo.

"Kahit kay Sam Pinto, my leading lady, ginawa rin namin yun. Tinulungan din namin siya ni Kuya Ipe."

DIEGO LOYZAGA. Proud din si Cesar na makatrabaho ang anak niya kay Teresa Loyzaga na si Diego.

"I’m so happy na kasama sa cast ng Hitman ang anak ko. Kasi mas maga-guide ko siya at mas mahahasa ang acting niya."

Isang proof din daw ito na wala namang problema sa pagitan nilang mag-ama, at hindi totoo ang lumalabas na isyu na may samaan sila ng loob.

"Pabayaan na lang natin. Siguro that means na si Diego, he’s starting to be a hot item, a huge actor. In the future, makikita natin na malakas talaga ang dating ni Diego."

Wala rin daw silang problema ni Teresa.

"Wala naman kaming problema. I got no problem with Diego. And he got no problem with me. And yung mother niya, hindi ko naman nakikita dahil nasa ibang bansa siya. So, as long as wala kaming problema ni Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have my own family to take care of. Doon ako naka-focus, dun ang pagmamahal ko. At hangga’t hindi ko napapabayaan si Diego, okay kami, walang problema. Because he is still a minor at kailangan niya ng advice ko, kailangan niya ng suggestions at guidance ko as a father."

Naniniwala naman si Cesar na malaki ang potensiyal ng anak na sumikat, kaya patuloy niya itong tinutulungan sa career nito.

"I’m focused kung paano pa pagagandahin yung arte ni Diego, nagwo-workshop siya. I believe kasi na marami pang dapat maintindihan at malaman si Diego when it comes to acting."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN