Aiza Seguerra upset over pregnancy rumors: "That is one of those things na dapat hindi patulan!"

"Every time magge-gain ako ng weight, buntis ako? I mean... sana lang huwag paulit-ulit yung ganung tsismis kasi nakakasawa, tsaka corny, wala e, corny," says Aiza Seguerra on rumors that she’s pregnant.


Hindi maganda ang naging pagtanggap ng isa sa mga Protégé mentors na si Aiza Seguerra sa isyung buntis siya!

"Sanay na [sa intriga] pero napaka-walang kuwenta lang e," pahayag ni Aiza sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX kahapon, September 17.

Kung matatandaan, minsan nang nagsabi si Aiza na bukas ito sa ideyang magkaroon ng anak pagdating ng tamang panahon. Ngunit sa pagputok ng isyung buntis na nga siya, ay tila hindi ito nagustuhan ng dating child wonder.

"It was like years ago, so parang it’s funny na biglang nauungkat na naman. Is it because I have a new show ? I don’t like it! I don’t like talking about my personal life.

"Parang... if I’m pregnant, you would know."

Upset siya?

"Upset because... Yes! I just find it, alam mo yun? Corny, e!

"Kaya kung sino man ang nagkalat, parang... nako-corny-han lang ako. Na parang kailan lang lumabas yang isyu na yan tapos eto na naman ulit?

"Na ano, every time magge-gain ako ng weight, buntis ako? I mean... sana lang huwag paulit-ulit yung ganung tsismis kasi nakakasawa, tsaka corny, wala e, corny."

Maging ang ina niyang si Mommy Caring, ayaw nang patulan ang isyu.

"Yun nga e, parang we’ve been in this industry for a long time, na alam namin kung ano’ng papatulan at hindi papatulan and it is... I mean that rumor is one of those things na dapat hindi patulan.

"It’s just that... a waste of time lang!"

But for the record, gusto pa rin ba ni Aiza na magkaroon ng baby para sa kanila ang long-time partner niyang si Chen Sarte?

Nasa plano ba niya ang magka-anak?

"Yes, nasa plano ko but sa akin manggagaling yun [balita], hindi sa ibang tao," pahayag pa ni Aiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN