Michelle Madrigal plays a surrogate mother in new drama series, has love scenes with Mike Tan

"Single and fabulous" naman ang description ni Michelle Madrigal sa kanyang love life.

"Feeling ko kasi, kapag nag-one-on-one, parang so what’s next? Magdi-date, tapos kayo na? I’m not ready for a relationship, lalo na ngayon. Nag-e-enjoy ako sa work," she says.



Si Michelle Madrigal plays the role of surrogate mother sa bago niyang afternoon series, Kung Aagawin ang Langit, na magsisimula nang mapanood sa GMA Dramarama sa Hapon, bukas, September 19.

Sa pagkukuwento pa lang ni Michelle sa kanyang character, halatang very much engrossed ito sa istorya.

"Kapag inampon mo nga ang bata, kahit hindi sa ’yo nanggaling, napapamahal ka.

"Tapos kunwari, darating ang totoong magulang at kukuhanin sa ’yo, pero, ayaw mong ibigay. What more kung ikaw ang nagdala for nine months? Doon na magkakaroon ng debate. Sino ang mas may karapatan? Ako ba or siya?

"Technically, siya ang may karapatan dahil nag-agree kami na dadalhin ko ang baby nila. Pero kapag lumaki na sa ’yo, mapapamahal talaga sa ’yo ang bata."

Michelle plays Bridgette in Kung Aagawin Mo ang Langit. Siya ang naging "carrier" ng sperm at egg ng mag-asawang Carla Abellana (Ellery) at Mike Tan (Jonas).

Ayon kay Michelle, hindi daw kontrabida ang role niya sa series.

Aniya, "Si Bridgette kasi, hindi siya scheming, hindi siya kontrabida na puro masama ang balak. Ginagawa ni Bridgette ang ginagawa niya kasi mahal niya si Jonas. Hindi ba kasi, kapag nagmahal ka ng tao, hindi mo naman maiisip na makakasakit ka?

"Feeling mo, ginagawa mo yun dahil mahal mo ang tao, not knowing na nasasaktan mo na pala ang kaibigan mo or kung sinuman ang nasa paligid."

Ayaw namang i-reveal ni Michelle kung ano ang magiging sanhi ng pagka-comatose ni Carla sa serye. Kung sa eksenang nasagasaan ito or sa scene na itinulak niya sa hagdan.

Natatawang sabi ni Michelle, "Secret! Yun ang dapat niyong abangan. Kung sa tinulak or sa nasagasaan. Kailangan niyong panoorin kung saan siya na-coma. If it’s because of me or because of the car."

May love scenes si Michelle at Mike sa serye. Bagama’t first time raw niyang gagawa ng love scene with Mike, kumportable daw siya dahil nakasama na niya ito sa Captain Barbell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga eksena kami na hindi na masyadong nakakailang kasi nga, nag-workshop na kami. At sa Barbell nga, nag-bonding na din kami.

"It’s about time na mag-build up ang GMA ng bagong leading man. So, I’m really happy for Mike."

Siya nga ba ang magbibigay ng kaseksihan sa series?

Natatawang sagot niya, "Siguro, as always. Fashion designer ako rito. Makikita mo talaga ang difference namin ni Carla. Siya, pre-school teacher. Pero modern na rin naman. Hindi na yung tipong manang at palaging naka-cover. Pero yun nga, ako ang parang aggressive rito."

SINGLE AND FABULOUS. On the other hand, mabilis na, "single and fabulous," ang naging sagot ni Michelle nang kamustahin naman namin ang kanyang love life.

Dugtong pa niya, "More work. Walang love life. May friendly date, pero, feeling ko, ganoon lang ang kaya ko for now. Ayoko ng one-on-one muna. And I’m happy. I go out, but with friends—group date. Feeling ko, mas na-e-enjoy ko yun kasi walang pressure.

"Feeling ko kasi, kapag nag-one-on-one, parang so what’s next? Magdi-date, tapos kayo na? I’m not ready for a relationship, lalo na ngayon. Nag-e-enjoy ako sa work.

"Umuuwi ako, umaga na. Yung time ko, pag-uwi ko, sandali lang akong matulog kasi, nagti-train ako for my movie na Huling Sayaw ni Salome.

"Let’s say, kami pa rin ni Jon [Hall] ngayon, mawawalan din ako ng time for him. Kasi, nag-e-everyday talaga ako ngayon. Tapos, pumapasok pa ako sa school kapag Saturday."

Nag-aaral daw siya sa AICA (Academy of International and Culinary Arts).

"Certificate pa lang siya. Hindi ko pa kaya maging full-time student. Hindi na ko makakapag-artista kapag ganun. I doubt naman kung kukunin nila ko sa projects ’pag ganoon."

Wala na rin daw silang communication ni Jon.

Aniya, "Nagkikita lang kapag may event ang Royale Era. Hi and Hello na lang. At saka, he has a girlfriend na. Matagal ko na rin namang alam that he’s dating so, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least, nakapag-move on na rin siya. Ako rin naman, nakapag-move on na ako. Wala akong boyfriend, pero, nakapag-move on ako para sa sarili ko, which is, yun din naman ang gusto kong mangyari.

"At hindi ako yung nag move on na lumabas nang lumabas, gumimik nang gumimik... Kinilala ko ang sarili ko. I did yoga. And it helped me sa breakup talaga."

Wala naman daw kasing third party na nag-cause ng breakup nila. Madalas lang silang hindi nagkakasundo. Kaya nag-decide sila na maghiwalay na lang.

Hindi naman ikinaila ni Michelle ang naging balita noon that she and Jon were living in.

Aniya, "Yes. We did live together. One year rin. Even before Survivor [Philippines]."


BUT NOT NEIL. On the other hand, nilinaw naman ni Michelle na wala raw silang affair ng Azkals player na si Neil Etheridge.

"No Neil, no, not Neil. Maybe one of the Azkals siguro like Simon [Atkins] but not Neil. Yun nga ang natatawa kami. Kami ni Neil, we’ve always been friends.

"Si Neil, nag-start ’yan mag-tweet, pero kaharap niya ko. In love @mitch_madrigal. Kapag foreigner ka kasi and you say those things, it’s not literal na in love.

"Parang tayo, kapag nakakakita tayo ng guwapo, ’Oh my god, I’m dying,’ pero, hindi naman literal na mamamatay ka. You just admire someone. Noong tinuweet niya yun, kaharap niya ko. Joke, joke lang."

Kung sakali ligawan na nga siya ni Simon, okay ba sa kanya to be in a relationship again?

"Definitely not this year. May iba ngang nanliligaw sa akin, pero ayoko pa talaga ng one-on-one.

"Alam ko sa sarili ko na hindi pa ko ready and feeling ko, kapag nag-date ako at hindi ako ready, hindi rin tatagal ang relationship. Kasi, di ba, kailangan you have to be ready sa sarili mo para mag-work ang relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon na nga muli ng Survivor Philippines.

Excited si Michelle. "I want to join! Kaso lang, ayaw nila!" natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Hindi ako pinayagan kasi, nagawa ko na raw. Pero siyempre, iba pa rin yun. Yun nga ang mas maganda, ang galing ko kung malusutan ko sila, ’di ba? Na alam nilang nakasali na ko before."

Excited daw siya sa mga bagong castaways ngayon.

"Yes, excited ako kasi alam ko, mas mahirap ang challenges nila dahil nga kasi yung sa amin, ang pangit ng weather. Dito raw, itotodo raw nila. Yung wala sa season namin. So, gusto ko. Kung merong all-star next year from season 1 to 4, sasali ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN