Krista Kleiner gets a fresh start with new manager, Stages; says she’s open to working with any network

Krista Kleiner and her boyfriend Jay-R have signed up with Stages of Carlo Orosa. She says, "I’m really happy to be part of Stages. It’s the first time in three years that I’ll be starting fresh in my career. Noong May, nag-[end] ang GMA Artist Center contract ko at ngayon naman, September, finish na yung sa Binibining Pilipinas."



Ang beauty queen na si Krista Kleiner ang isa sa mga bagong talent ng Stages na ipinakilala sa ilang entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes ng gabi sa Thaipan Restaurant in Quezon City.

Sabay na ipinakilala si Krista at ang boyfriend nito na si Jay-R as the new talents of Stages of Carlo Orosa.

Ang pahayag ni Krista sa PEP: "I’m really happy to be part of Stages. It’s the first time in three years that I’ll be starting fresh in my career. Noong May, nag-[end] ang GMA Artist Center contract ko at ngayon naman, September, finish na yung sa Binibining Pilipinas."

With Stages, ano ang mga plano nito sa career niya?

"Well, definitely we’re open to any option na. Not just GMA but also ABS-CBN. We’re cooking something and sana, I’ll finally get to do what I want to do. Before kasi, I have two contracts that were conflicting—GMA contract and Binibining Pilipinas contract with ABS.

"So, kahit gusto akong i-guest sa ASAP to promote my concert with Christian Bautista, GMA wouldn’t let me. Basta magulo. I’m so happy I get a fresh start with Stages," ang paliwanag ni Krista.

Magkasabay silang ipinakilala ni Jay-R which gave the impression na kailangang sabay sila at pareho sila ng management.

Ayon kay Krista, "Hindi naman kailangang sabay. But he’s helping me so much with my album so, we really want to do everything together... Magho-host ako or magdya-judge ako tapos, kakanta siya."

PACKAGE DEAL. Tulad din ni Jay-R, hindi raw negative para sa kanya kung tawagin silang "package deal."

Aniya, "No, I think it’s nice because it opens up more opportunities for us. We have link our connections to make our network bigger. So, it’s definitely a positive thing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After two years, may plano na ba sila to take their relationship to a more serious level?

Nakangiti naman niyang sabi, "Wala naman po. I mean, we talk about na ’Seryoso talaga tayo. Walang iwanan ’to, ha?’

"No, I mean, we really have something good and we really do nurture and take care of it. That’s the reason we wanted the same manager—so we can work together. And if a problem occurs, like in any showbiz relationship, we can keep it clean."

Pero si Jay-R na nga ba ang gusto niyang makasama for the rest of her life?

"So far, there’s no reason for me not to be with him... I think, only time will tell if you’re really right for each other. So far, we’re very good with each other. As long as we’re happy and helping each other, I think, we should stay together.

"Jay-R is with GMA for the next three years. Ako naman, I have the option to work in different networks. Siyempre, if we work in different networks, we’re not gonna be together. Pero, hopefully sa mga shows, we would like to [be together]."

OPTIONS. Sa ngayon, hindi pa raw niya alam kung mananatili siya sa GMA or lilipat sa ibang network.

"All options are open. Of course, alam naman natin that Carlo is very well-connected with Channels 2 and 5 and now, 7 through Jay-R. So, whichever is best."

Isang dance album ang matagal na rin nilang ginagawa ni Jay-R. Obviously, very excited si Krista about the album.

Aniya, "It’s so fun! I wrote or co-wrote all the songs. I’m very hands-on in picking the materials. What songs and music... It’s so diverse. May pop, may corny na cute, may kanta na pang-gay na masaya.

"Siguro mga January or February na ang release niya. Actually, we wanted to come out with it this year, kaso, medyo mahirap na siyang i-promote during the holidays. We’re still adding songs. Gusto namin talaga perfect by the time we put it out kaya hindi nagmamadali."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRIZES COMING? Krista was crowned Binibining Pilipinas-International in 2010. Napabalita rin na hindi daw lahat ng prizes ay naibibigay sa winners ng beauty pageant.

Kaswal na kinuwento ni Krista sa press na nagtatanong sa kanya ang tungkol sa ilang prizes na hindi pa niya nakukuha.

Isa na rito ang mga damit na supposedly, natanggap na sana niya.

Aniya, "Just a few days, siguro, nang malaman nila that [my] contract has ended, they said, ’Hey, we got [something] here in the office for so long.’

"Sabi ko, ay, ganoon ba? Okay. Kung ganun naman, bakit umabot ng one year and a half? Okay lang. But if that’s true, [I] hope I can get it one of these days, I just got busy the past weeks," nakangiti niyang sabi.

Mga P195,000 daw ang worth ng damit na napanalunan niya. Sa lahat ng yun, wala pa raw siyang nakukuha or natatanggap sa naturang prizes. Yung P250,000 naman daw, fee yun for the work na kailangan niyang gawin for one year and a half.

"If you go to the events, yun, makukuha mo. So, yun, nakukuha ko naman yun kasi, nakakarating ako sa mga events."

ON SHAMCEY SUPSUP. Hindi naman daw niya napanood ng buo ang nakaraang Miss Universe pageant wherein Shamcey Supsup won 3rd runner-up. Pero ayon sa kanya, very proud daw siya sa naging achievement ni Shamcey.

"Part lang ang napanood ko... I’m so proud of her. I’m so happy for her."

We asked Krista if she knows Shamcey personally.

Aniya, "Just during the pageant. When we were training the girls, helping them. Not so close naman. But like I’ve said, we’re supportive."

May mga nagsasabing mas deserving daw si Shamcey to win the crown. Tinanong namin si Krista ang kanyang opinyon.

"To be honest, I can’t answer that because I didn’t watch the whole pageant... But when you’re a finalist in a competition like that, that’s good enough na. We should celebrate her accomplishment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN