Sam Concepcion celebrates 10th anniversary in showbiz; will go sexy in Cosmo Bachelor Bash next year

"Siguro po. Eventually, slowly, kapag nandoon na, malalaman din po natin. Matagal pa naman ang next year," says Sam Concepcion when asked if he can also go sexy like what co-Stages talent Enrique Gil did in Cosmo Bachelor Bash.


Isang dekada na sa showbiz si Sam Concepcion.

Ipinagdiwang ni Sam ang kanyang 10th anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng isang party cum press conference kahapon, September 18, sa Jollibee, The Fort.

Kasama sa bilang ni Sam sa kanyang 10 years in showbiz ang una niyang paglabas sa play na The Lion, The Witch and The Wardrobe bago siya sumali sa Little Big Star, ang singing search ng ABS-CBN.

Maganda nga raw na kasabay ng pagse-celebrate niya ng sampung taon sa showbiz ang kanyang pagbabalik teatro via Peter Pan na ipapalabas sa Meralco Theater.

Isama pa sa celebration ang bago niyang single sa kanyang album na Forever Young.

"Sakto lang talaga. It’s very fitting that I’m doing na theater rin.

"Parang to culminate the 10 years. Parang sakto that I’m doing Peter Pan."

HAPPY DECADE. When Sam looks back, masaya raw siya sa lahat ng na-achieve niya sa kanyang career in 10 years.

"Yeah, masaya ako sa kung anuman ang meron ako ngayon.

"I’m more than blessed sa lahat ng mga na-experience ko.

"Although of course, marami pa akong gustong ma-achieve.

"This is just the start para sa akin. Ito pa lang talaga ang start ng career ko.

"There’ll be more things, bigger things to experience and to learn.

"Marami pa po akong pagdadaanan and more albums, more songs, movies, TV [projects].

"Gusto kong ma-try lahat in different kinds of media."

WHOLE-SAM FOREVER? Nakilala na si Sam sa kanyang wholesome image. Pero, ayon kay Sam, open naman daw siya to some changes especially as he gets older.

"Siyempre, yung mga ginagawa ko rin naman, nag-iiba rin.

"I can’t just stay in one place. Siyempre, I have to constantly reinvent myself.

"Siyempre, habang tumatanda rin ako, as I grow older, makikita rin sa mga roles na ginagawa ko. Or sa kind of music na ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, gradually, nag-iiba rin po."

DREAM ROLE. Aminado si Sam na isa raw sa dream role niya sa teatro ay ang Peter Pan, na ipapalabas sa Meralco Theater from September 29 to October 30.

"Yeah, it’s a dream come true to play Peter Pan. Especially [because] it will premiere here in the Philippines.

"It’s a big production. It’s the first production that Repertory Philippines and Stages will be working on together.

"It’s a big production cost on the flying [scenes]. Matagal din kaming nag-rehearse.

"Every day for two months. Mag-o-open na po kami in two weeks.

"Kumpleto na, nagawa na po naming lahat. We’re just working on doing it nang paulit-ulit."

FLYING SAM. Nakalipad na rin daw siya sa rehearsal nila.

"Actually, yun po ang palagi naming nire-rehearse.

"Mahirap kasi yun, kailangan ng coordination ko at saka ng mga tao na nagha-handle ng flight.

"Yung flight instructor namin, flight instructor from Vegas na nagdala rin ng machine.

"We were trained first before we used it on our own. Kasi, aalis na yata siya bukas."

Hindi naman daw niya alam kung makakapanood sina Kathryn Bernardo at Julia Montes na co-stars niya sa Way Back Home.

Dahil ayon kay Sam, nauna na raw "lumipad" ang mga ito.

"Lumipad na sila [papunta] sa States. Nagtu-tour sila for Star Magic yata.

"Sina Coleen [Garcia] naman at saka yung mga Good Vibes [co-stars ko], manonood yun, for sure."

COURTING COLEEN? Rumors have it, si Coleen nga raw ang talagang nililigawan ni Sam.

Ayon kay Sam, "Matagal na rin na hindi ko siya nakikita. Matagal ko nang hindi nakikita ang mga kasama ko sa Good Vibes.

"Rarely na rin po kasi [nagkikita-kita]. Busy sa rehearsal sa Peter Pan.

"Halos every day, nagre-rehearse kami. Minsan whole day kami sa Meralco."

Nakangiting sinabing "hindi po" ni Sam when asked kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Coleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When asked again kung ano lang sila, "friends" ang naging tugon niya.

Pero, niligawan niya ang dating co-star?

"Ako kasi, hindi ko alam kung nanliligaw ba ’ko. Hindi ko alam kung nanliligaw ako, e. Steady lang ako," sagot ni Sam.

PUPPY LOVE. Naging usap-usapan din noon na sila ni Cheska Ortega ang nagkaroon ng relasyon, na inamin na ni Sam ngayon.

"Oo. Parang ganoon.

"Pero, bata pa ako noon. Wala pa akong alam. I was just 13, 14 [years old].

"So, very young."

WATCH OUT ENRIQUE GIL! Kinuha namin ang reaksiyon ni Sam sa ginawa ng kapwa niya Stages talent na si Enrique Gil sa recent Cosmo Bachelor Bash.

Kahit kasi wholesome image at pang-Candy Cuties pa rin si Enrique, rumampa ito, nag-bare, at nagpasilip pa ng kanyang behind sa Cosmo Bash.

Posible kayang gawin din niya ang ginawa ni Enrique?

"Siguro po. Eventually, slowly, kapag nandoon na, malalaman din po natin. Matagal pa naman ang next year."

When Stages publicist Gian Vizcarra heard the question about Sam doing Cosmo Bachelor Bash also, mabilis itong nagpahayag na next year daw, Sam will do it too.

"We’ll see, matagal pa naman ang next year," sabi naman ni Sam.

Na-inspire din naman daw siya sa ginawa ni Enrique.

"Yes naman. Enrique is a good friend of mine. So, siguro on my part, kapag tama ang time.

"Anyway, palagi naman po kaming may swimming scenes sa Good Vibes. So, okay lang.

"Ako naman, I exercise rin po. Siyempre, I have to stay fit especially in Peter Pan, medyo nakakapagod po," saad ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN