Princess Snell denies spreading rumors herself that she’s pregnant

Princess Snell on spreading rumors about herself: "Actually, mero’n akong natanggap na text. It was a random [message], so akala ko wala lang yun. Hindi ko na ni-reply-an kasi bakit ko sasayangin ang oras ko?"


Ang StarStruck V Avenger at StarTalk TX segment host na si Princess Snell ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, Linggo, September 18.

Ang unang itinanong ng host na si John "Sweet" Lapus ay kung single ba ngayon si Princess.

"No" ang sagot ni Princess, at Truth ang naging resulta nito sa digital lie-detector machine.

MEET BRAD! Sino ang boyfriend niya ngayon?

"Non-showbiz. Mas matanda siya sa akin. Mga four years," sagot ni Princess.

So, hindi totoong mahilig siya sa matatanda?

"Mas matanda siya sa akin."

Pero, hindi parang daddy na niya?

"No!" ang tumatawang sagot ni Princess.

Nagkataon naman na nasa studio ng GMA-7 that time ang boyfriend ni Princess—isang guwapong Australian na nagngangalang Brad at ipinokus pa ito ng kamera.

PREGGY OR NOT? Ang next question kay Princess ay kung totoo ang tsismis na buntis siya.

"No!" ang mabilis na sagot ni Princess.

Truth ang naging resulta ng isinagot ni Princess.

Saan nanggagaling ang tsismis na buntis siya? Totoo ba na siya mismo ang nagkakalat?

"Actually, mero’n akong natanggap na text. It was a random [message], so akala ko wala lang yun.

"Hindi ko na ni-reply-an kasi bakit ko sasayangin ang oras ko?"

Ang ang nakalagay sa text message?

"Like, ’You’re pregnant. Three months na!’

"Sabi ko, ’Wow!’ Sabi ko ’Never mind!’

"Tapos pagdating ko sa StarTalk taping namin, sabi na lang nila I’m pregnant.

"Sabi ko, ’Wow!’" at muling tumawa si Princess.

Matatandaang kumalat sa social networking sites na buntis daw si Princess at ang ama raw ng dinadala niya ay si Manny Pacquiao. Pero una na niya itong pinabulaaanan sa exclusive interview sa kanyang PEP. (CLICK HERE to read related article.)

Tinanong din ni Sweet kung gaano na sila katagal ng kanyang Australian boyfriend.

Ayon kay Princess, one year na sila, at dito na raw sa Pilipinas nakatira ang kanyang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksyon ng boyfriend niya sa balitang buntis siya?

"Tumatawa lang siya. Kasi sabi niya, ’Kalokohan nga naman talaga.’"

HER OWN DOING? Ang pangatlong katanungan ay kung totoong si Princess mismo ang nagkakalat ng buntis issue para siya pag-usapan.

"No" ang sagot ni Princess at ang resulta nito sa lie-detector machine ay Truth uli.

If ever in the future ay totoo ngang mabuntis siya, aaminin ba iyon ni Princess?

"Of course naman! Magiging proud ako kung mabubuntis ako!" sagot niya.

Ano ang masasabi ni Princess sa detractors niya na nagkakalat ng tsismis tungkol sa kanya?

"Siguro, sana tigilan na nila ito kasi ang daming naaapektuhan.

"Yung ibang tao, ako, so alam mo yun? Dapat itigil na natin ito dahil masyadong malaking kalokohan."

May idea ba siya kung sino ang nagkakalat ng isyu against her?

"Nakakainis, pero parang... ayokong masanay, e.

"Ayokong masanay. So wala, siguro bahala sila sa buhay nila.

"Yun, wala naman akong pakialam."

Hindi ba affected si Brad?

"Supportive naman siya, so wala naman din siyang pakialam sa mga ganitong bagay na issues.

"So, as long as hindi totoo, iyon yung importante."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN