Valerie Concepcion "confident" about relationship with boyfriend Dondon Hontiveros

"Hindi naman ako threatened or anything na parang natatakot ako na parang ipagpalit [niya ako]. At saka kung sakali man, if ever pinagpalit niya ako, makipag-split siya sa akin, hindi kami magkatuluyan, it only means something—na hindi kami meant for each other," says Valerie Concepcion.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Valerie Concepcion sa opening ng cake business ng mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag. Kasama ni Valerie ang kanyang boyfriend na si Dondon Hontiveros, player ng PBA team na Air21 Express.

Hindi madalas makitang magkasama ang dalawa sa mga social functions. Pero lately ay madalas yata silang napagkikita ng publiko.

Ito na kaya ang pahiwatig na malapit na silang lumagay sa tahimik?

"Wala, hindi pa," tanggi ni Valerie.

Ilang taon na ang kanilang relasyon, pero madalas ay balita lamang tungkol sa kanilang relasyon ang naririnig. Kaya laking gulat ng mga nakakita na parang open na silang dalawa na makita publicly.

Sabi naman ng actress-TV host, "Actually, first time n’yo lang kami nakita together. Pero kasama ko siya, siya ang date ko nung Star Magic Ball.

"Yun ang first time na nagkasama kami sa isang event, tapos ito [opening ng cake business nina LJ at Jimmy] second time.

"Ano, hindi naman siguro... ano lang, parang ano ba? Comfortable na kami ngayon with each other.

"Parang feeling ko, it’s about time na sigurong isasama ko siya sa mga pupuntahan ko."

NO BABY PLANS YET. "Tito" daw ang tawag ng six-year-old daughter ni Valerie na si Fiona kay Dondon.

Pero sila ba ay wala pang balak magkaanak gayong matagal na rin naman ang kanilang pagmamahalan?

"Anak kaagad?" natatawang sabi ni Valerie.

"Hindi pa namin napag-uusapan.

"Honestly, gusto ko, kung sino man makatuluyan ko, ha... I’m not saying na may plans kami or anything, pero siyempre mas maganda kasal muna bago anak, di ba?

"So, wala pa kaming ganyang napag-uusapan."

THREE YEARS AND STILL COUNTING. Marami ang nakakapansin na tahimik man at low-profile ang relasyon nina Valerie at Dondon, umabot na pala sila ng tatlong taon.

Ano nga ba ang sikreto ng kanilang relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga yung isang maganda na hindi kami masyadong open sa public," sabi ni Valerie.

"Hindi, siguro parang... I don’t know, kasi, di ba, may kasabihan kapag gano’n, may jinx daw?

"Baka mamaya dahil nag-public, maghiwalay na kami.

"Ano lang siguro, it helps na siya [Dondon], naiintindihan niya trabaho ko.

"Naiintindihan niya na hindi ko mabibigay 100 percent ng time ko sa kanya.

"And at the same time, siya rin, naiintindihan ko din siya na hindi niya mabibigay ang 100 percent time niya, kasi may anak din siya, di ba?

"So, siguro, yun, isa yun sa mga ano namin... napagkasunduan namin tungkol sa time management naming dalawa."

Masasabi ba niyang soulmate niya si Dondon?

"Soulmate ko ba siya? Hindi ko alam," sagot niya.

"Hindi naman... Di ba, sa soulmate, marami kayong likes and commons?

"Kami kasi, marami kaming hindi napagkakasunduan. I mean, marami kaming pagkakaiba.

"Parang ano nga kami, e, exact opposite. Di ba nga, opposites attract? Oo, yun."

Sa tingin kaya niya ay si Dondon na ang "forever" niya?

"A part of me is wishing na sana siya na because ilang years na ba kami, three years.

"And, you know, ayoko naman mapunta lahat yun into waste, di ba?

"So, a part of me is parang hoping na sana siya na nga.

"Pero of course, a part of me is also realistic na baka hindi pa, di ba?

"Kasi marami pang puwedeng mangyari, only God knows."

WEDDING BELLS? Pero may mga pagkakataon na bang napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal?

"Marami pa kaming gusto sa buhay siyempre... Bakit mo ba ’ko minamadali?" natatawa niyang sabi.

"Oo, marami pa ako... marami pa akong... Lalo na ako, I’m only 23, I’m turning 24 sa December, and feeling ko, I’m still too young.

"And mas marami pa akong gustong gawin sa buhay na, feeling ko, pag nag-asawa ako, baka hindi ko na magawa, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ini-enjoy lang namin yung ganito. We don’t wanna rush."

Hindi kaya siya natatakot na baka darating ang araw na makakita ng iba si Dondon? Marami kasi ang nagsasabing pag basketball player daw ay babae na mismo ang lumalapit. Secure ba siya sa kanilang relasyon?

"Oo, mga basketball players daw players ng puso. Pero hindi, hindi naman.

"Masyado akong confident. I mean, ano ako sa three years namin.

"Never naman kami nagkaproblema ni Don sa babae...

"Hindi, mabait yun si Don, mabait siya.

"So, hindi naman ako threatened or anything na parang natatakot ako na parang ipagpalit [niya ako].

"At saka kung sakali man, if ever pinagpalit niya ako, makipag-split siya sa akin, hindi kami magkatuluyan, it only means something—na hindi kami meant for each other.

"Gano’n lang for me, e. Parang after everything I’ve been through, parang yun yung ano ko... yun yung pananaw ko."

DONDON HONTIVEROS. Pagkatapos ng interview namin kay Valerie, nahingan din namin ng maiksing pahayag si Dondon Hontiveros.

Inusisa namin siya kung ano nga ba ang sikreto ng relasyon nila ni Valerie.

"Bakit kami nagtagal? Si Val na tanungin n’yo, siya magaling diyan," simula niya.

Pero aniya rin, "Hindi namin pini-pressure ang isa’t isa na magkita every day.

"Siya busy, ako madami din ginagawa sa practice, yun nga, kasama ko anak ko.

"May time na talagang hindi kami magkikita for four days, pero tina-try naming once a week yun.

"Yun ang ano namin, compromise namin."

Bakit kaya hindi pa niya inayang magpakasal si Valerie?

"Wala pa po, wala pa sa ngayon.

"Maganda naman relationship namin. We’re happy with that, so yun lang muna."

Sinagot naman ni Don ang mga kasabihang pag basketball players ay marami daw chicks.

"Hindi naman ano... sinasabi lang nila maraming chicks.

"Friendly lang naman yung mga players, napapagkamalan lang na may chicks, pero hindi naman, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sinabi niyang sobrang saya siya sa piling ni Val.

"Oo, very much, very much happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN