Teejay Marquez reveals birthday wish is to be included in Tween Academy: The Musical

"Tsaka pala gusto ko ring magkaroon ng movie. Sana isama ako ng GMA Films sa part two ng pelikula ng mga co-Tweenhearts [cast] ko. Yung Tween Academy: The Musical," says Teejay Marquez when asked about his birthday wish.


Barely four months pa lang si Teejay Marquez sa showbiz. From doing TV commercials kasi ay pinasok niya ang mundo ng pag-arte at regular shows na kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya.

Kasama si Teejay sa Tween Hearts, Walang Tulugan with The Master Showman at ang primetime soap na Time of My Life.

SHOWER OF OPPORTUNITIES. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang binata sa GMA-7 compound recently ay nasabi niyang very thankful siya sa pamunuan ng nasabing network dahil sunud-sunod ang dating ng magagandang proyekto sa kanya.

"Sobra-sobrang masaya po ako. Kasi, kahit na four months pa lang ako [sa showbiz] ay nakaapat na shows na kaagad ako sa Kapuso Network.

"Yung una, yung Blusang Itim kung saan nagkaroon ako ng cameo role.

"Hanggang ngayon nga po ay hindi pa rin ako makapaniwala na magiging maganda kahit papano ang kalalagyan ko sa GMA 7.

"Kasi, iniisip ko, maraming artista ang naghihintay na mabigyan ng show.

"Sa katulad ko kasing baguhan, sino nga ba naman ang magtitiwala kaagad na nakakaarte ako?

"Kaya nga thankful ako kay Kuya Germs, kasi siya talaga ang nag-open ng door sa akin sa GMA-7 via Walang Tulugan. At nagkasunud-sunod na."

THANK YOU GOD! Patuloy ni Teejay, "Sabi ko nga sa sarili ko, na mabait talaga sa akin si Lord.

"Kaya naman every Wednesday, hindi talaga ako pumapalya sa pagpunta sa Baclaran para magpasalamat sa Diyos at sa Ina ng Laging Saklolo.

"Kasi simula nang pumunta ako doon, nagkasunud-sunod na ang magagandang nangyayari sa akin.

"Di lang sa pamilya ko, maging sa showbiz career ko."

Kakalimutan na ba niya ang paggawa ng commercials ngayong mayroon na siyang shows?

"Naku, hindi naman po. Kasi every time na may free time ako, nagbi-VTR pa rin ako. At masuwerte namang nakukuha ako."

BIRTHDAY BOY! Sa darating na October 1, isang grand fans day at birthday show ang nakatakdang gawin ni Teejay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito na bale yung pasasalamat ko sa mga fans ko na walang-sawang sumusuporta sa akin," sabi niya.

Magiging special guest daw niya rito ang mga kasama niya sa Tween Hearts na sina Kristoffer Martin, Rhen Escaño, Hiro Magalona, Kim Komatsu, at iba pa.

Dagdag pa niya, "Excited nga ako kasi ito bale yung first showbiz birthday show ko.

"Kaya naman titiyakin kong maganda ang kalalabasan nito.

"Pero, sa September 29 talaga ang birthday ko.

"Bale 18 years old na ako!" tawa pa ni Teejay, na halata namang masaya sa nangyayari sa kanyang career at personal life.

WISH, WISH! Ano ang birthday wish niya?

"Simple lang po. Sana maging healthy ako para magawa ko yung mga gusto ko pang gawin at ganun din ang aking pamilya.

"Sana rin po, magpatuloy ang magandang nangyayari sa career ko para masaya!" tawa niya ulit.

Anong regalo ang gusto niyang matanggap sa kanyang kaarawan?

"Ano ba? Siguro, kahit ano. Sa akin naman, hindi ako masyadong naghahanap ng regalo.

"Ang mahalaga sa akin, batiin at maalala mo lang ako masaya na ako nun.

"Kung ano’ng makayanan na ibigay sa akin, masaya na ako dun.

"At least, ang mahalaga, naalala ako. Yun lang, happy na ako.

"Tsaka pala gusto ko ring magkaroon ng movie.

"Sana isama ako ng GMA Films sa part two ng pelikula ng mga co-Tween Hearts [cast] ko.

"Yung Tween Academy: The Musical," pagtatapos ni Teejay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN