Anne Curtis says she has Angelica Panganiban’s consent to do love scenes with Derek Ramsay

Anne Curtis on how she informed Derek Ramsay’s girlfriend Angelica Panganiban about their love scene: "Tinext ko si kambal [Angelica]. Sabi ko, ’Uy kambal, nag-love scene kami, ha.’ Tapos sabi niya, ’Para kang lukaret!’ Kambal nga kasi ang tawagan namin. Hindi ko alam kung paano nagsimula yung kambal."


Napakaganda at napaka-sexy ni Anne Curtis nang humarap siya para sa press conference ng pelikulang No Other Woman kahapon, September 21, sa Dolphy Theater.

Si Anne ang gumaganap na other woman sa nasabing movie. Pero, sa totoong buhay, hindi pa raw siya naging other woman at isang bagay raw ito na hindi niya hahayaang mangyari.

"That’s why you really have to see my character in the movie," sabi niya.

"Kasi, mari-realize mo kung tama ba, or mali.

"Mari-realize ba niya kung mali itong ginagawa niya?

"Yun ang aabangan ninyo. Yung journey.

"Kasi, kapag in-love ka, hindi mo maiisip na mali ka.

"Naiisip mo, tama ka. Nababaliw ka, kahit na mali."

Big "no" raw para kay Anne ang maging other woman.

Hindi ba siya takot na kapag pinanood ang movie, dahil convincing ang kanyang portrayal, ay baka isiping ganoon pala siya?

"Hindi, kasi sabi ko nga, ang dami sigurong mga asawang posibleng magalit sa akin.

"Pero sana, this goes to say na effective yung character [ko].

"Kasi, actually, nangyayari all around. And it’s possible talaga that it can happen.

"Pero in real life, no, no, no, no! Big no, no sa akin ’to in real life.

"No talaga. I will never allow myself to be the second choice."

ERWANN’S TAKE. May boyfriend ngayon si Anne, si Erwan Heussaff, na kapatid ng actress-singer na si Solenn Heussaff.

But unlike other non-showbiz boyfriends, supportive at naiintindihan daw ng boyfriend ang trabaho niya.

Walang problema kay Erwan ang ginawa niyang love scenes sa No Other Woman?

Ayon kay Anne, "No, no, no... Excited na siya to see it.

"Nasa Europe pa nga kami when the trailer came out. Sabi niya, ’Let’s play it online.’

"So, he’s very supportive of it. Kasi, he knows na pinaghirapan ko ’to. Winork-out ko ’to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-one-piece bikini si Anne sa isang eksena sa pelikula, pero napaka-daring at sexy talaga.

Ano ang comment ni Erwan sa scene niya na yun?

"Alam niya na pinaghirapan ko yun nang bongga. Sabay pa kami [nag-exercise].

"So, he’s very excited for me. He’s always excited for any project that I do," sagot niya.

Lahat sila sa movie, which also includes Derek Ramsay and Cristine Reyes, are all committed in real life.

Kung si Anne ay may Erwan, si Derek naman ay may Angelica Panganiban at si Cristine ay may Rayver Cruz.

Kung nagkataong single and free siya, as well as Derek, nakikita ba niya ang sarili na posible ring ma-in love sa leading man nila sa movie?

"Bakit naman hindi, di ba?" sagot ni Anne.

"He’s such a gentleman. May pinag-aralan. He knows to treat a lady.

"Oo naman, di ba?"

WITH ANGELICA’S CONSENT. Tinanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne kung sakali at panoorin ni Angelica ang movie, ano ang nakikita niyang posibleng maging reaction ng girlfriend ni Derek?

"Hindi ko alam! Pero tinext ko si kambal [Angelica].

"Sabi ko, ’Uy kambal, nag-love scene kami, ha.’ Tapos sabi niya, ’Para kang lukaret!’

"Kambal nga kasi ang tawagan namin. Hindi ko alam kung paano nagsimula yung kambal."

Kambal sila sa ganda?

"Siguro, oo!" natatawa niyang sabi.

"Dati kasi, magkapitbahay kami. Siguro, do’n nag-umpisa yun.

"Yun, sabi niya sa akin, para raw akong tanga na ipinapaalam ko pa.

"Kasi, at the end of the day, it’s work."

Every love scene nila ni Derek, ipinapaalam niya kay Angelica?

"Hindi, yung first lang."

Posible kayang pagselosan ni Angelica ang love scenes nila ni Derek.

"Hindi naman. Kasi, siya mismo, she’s in the industry.

"I think it’s harder also for people [to understand] who are out of the industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s why I’m happy that Erwan is very mature and open-minded already."

ANNE VS. CRISTINE! Aminado si Anne na marami raw talaga silang eksena ni Cristine sa movie bilang wife at mistress na patalbugan talaga sila.

"Oo, marami. That’s why abangan ninyo.

"Kasi, nakakatawa yung role niya na serious siya, pero basta, nakakatawa ang role.

"Abangan n’yo talaga ’yung naka-bikini kami, moment ni Cristine yun."

I’M A SINGER! Excited din si Anne sa kanyang bagong career, ang singing. May sarili na nga siyang album.

Ayon sa kanya, ang songs na nakapaloob sa album ay mga madalas niyang kantahin kung nagka-karaoke siya.

May pagmamalaki rin na sinabi ni Anne na isang full-length album talaga ang ginawa niya at hindi CD lite.

Natutuwa at natatawa rin nitong sinabi na siya rin ang pinakanta ng station ID ng ABS-CBN.

"O, di ba? Ako pa ang pinakanta ng station ID this year. Ang cute, ’no?

"Even if they know that it’s just for fun, tanggap. Tanggap!

"So, happy ako. Sabi nga ni Ate Donita [Rose], ’Naunahan mo ako!’" natatawa niyang sabi.

"Just got to have faith, di ba?"

Noong sinabi sa kanya na siya ang kakanta ng station ID, ano ang naging reaction niya?

"Actually, nagulat ako. Sabi ko, ’Joke ba ’to? Hindi, totoo!’

"Sabi ko, ’Go!’ Without doubt.

"Tapos noong pinapatugtog noong nagsu-shoot ang Showtime family, sabi talaga nila Kuya Kim [Atienza], Vice Ganda, ’Ikaw ’yan?’

"’Oo!’

"Kasi, hindi [sila] maniwala.

"In fairness, nag-i-improve talaga yung voice."

Si Annie Quintos ng The Company raw ang nag-voice coach sa kanya.

"Siya yung nag-voice teacher sa akin while I was recording the album.

"So, she taught me how to control [my voice]. Yung exercises, tapos dapat inaarte mo talaga para ma-feel."

Pero natatawang sabi ni Anne, hindi naman daw siya pinayagan na mag-record para siya ang kumanta ng theme song ng No Other Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Birong kuwento ni Anne, "Sabi ko, ’Bakit hindi na lang kaya ako ang kumanta ng theme song nito?’

"’Baka ikasira pa ng movie natin!’

"Hindi ko rin naman abot ’to! O, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN