Shamcey Supsup on being teased about PNoy: "Alam naman namin kung ano ang totoo. So, it doesn’t matter."

"Hindi [ko babaguhin] kasi it came from my heart. It just came out, and it was what I felt at that time," says Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup when asked if she’d change her answer in the Q and A segment, given the chance.


Sa guest appearance ni Shamcey Supsup sa Kris TV, sinabi ng host ng programa na si Kris Aquino na ipakikilala niya ang Miss Universe 3rd runner-up sa kapatid niyang si President Noynoy Aquino sa kabila ng pag-amin nito na mayroon na siyang boyfriend.

Lumikha ng panunukso mula sa ibang tao ang tinuran ni Kris.

Para sa ibang naghihintay sa updates ng lovelife ng Pangulo ng bansa, marami ang sumang-ayon.

Mukhang bagay nga raw ang dalawa, kung ang pagbabasehan ay ang achievements nila bilang indibidwal at bilang mahahalagang tao sa ating lipunan.

MEETING PNOY. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News kay Shamcey, kinumusta namin ang pagkikita nila ng presidente.

Nag-courtesy call kasi ang Pinay beauty queen sa Malacañang last Monday, September 19, kaya inalam namin kung nagka-ilangan ba sila dahil na rin sa panunukso ng mga tao.

Ayon kay Shamcey, "Hindi naman nailang. Sabi ko nga, pareho naming alam na the public misconstrue things.

"Pero alam naman namin kung ano ang totoo. So, it doesn’t matter.

"Si Kris naman, alam ko naman na ganun lang siya. Siguro, form of nagdyu-joke lang siya sa akin.

"Hindi na ako naninibago, parang nasanay na ako.

"I don’t remember [anything]. Ang dami naming pinag-usapan, pero hindi ko na maalala.

"I think it’s more of... I forgot. Wala na mga brain cells ko dahil sa puyat at pagod!" nangingiti niyang biro.

Dagdag ni Shamcey, "What’s most memorable lang was, he said he watched Miss Congeniality and I told him that I watched that same movie before I went to Brazil."

Ang Miss Congeniality (2000) ay isang Hollywood movie na pinagbidahan ng Oscar-winning actress na si Sandra Bullock.

Nang tanungin naman ng PEP si Shamcey tungkol sa boyfriend niyang si Lloyd Lee, evasive ang ating naging pambato sa Miss Universe tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, there are things that should be left private.

"It’s something na kailangan isarili mo na lang din.

"Ibigay na lang sana sa akin ito," nakangiti niyang pakiusap.

MISS ANGOLA, OUT? May lumabas na balita na maaaring ma-dethrone daw ang itinanghal na Misss Universe na si Leila Lopes ng Angola dahil daw sa mga maling inpormasyon na nilagay nito sa kanyang biodata.

Ano ang masasabi ni Shamcey tungkol dito?

"Well, regarding that, I don’t really have any info or idea about it.

"But if ever it happens, it says naman, that if the Miss Universe title holder won’t be able to do her duties, it’s gonna be the first runner-up.

"And that’s Ms. Ukraine."

ANSWER FROM THE HEART. Pinag-usapan ang naging sagot ni Shamcey sa Q and A kung saan sinabi niyang pipiliin niya ang relihiyon kaysa sa taong minamahal niya kung magkaiba sila ng pinaniniwalaan.

Para sa iba, maaaring na-offend daw, o hindi talaga ito pumasa sa panlasa ng ibang judges.

At kung iba raw siguro ang naging sagot ni Shamcey ay maaaring siya ang nag-uwi ng korona.

Given the chance, babaguhin ba ni Shamcey ang naging sagot niya, or will she stick with her answer?

"Hindi [ko babaguhin] kasi it came from my heart.

"It just came out and it was what I felt at that time."

DREAMING TO BE LIKE SHAMCEY? We also asked Shamcey’s advice for those girls na pangarap ding maging beauty queen, gaya ng kaibigan niyang si Gwendolyn Ruais na nanalo sa katatapos na Miss World Philippines pageant.

"Advice? It’s not that easy. It’s gonna be difficult. You’re gonna be pressured to do things.

"I always say na, in this world, you have to keep your principles.

"Whatever happens, yun ang importante. You don’t have to listen to everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Listen to the people who care about you, who put your best interests first before their own."

STILL UNDECIDED. Marami sa mga tagahanga ni Shamcey ang nagtatanong kung papasukin din ba niya ang mundo ng show business.

"I dunno, pero ang sabi ko nga, ang sure na gagawin ko is, I’m gonna do my duties as Bb. Pilipinas-Universe title holder.

"I’m also going to be an architect, that’s for sure.

"Ewan ko. Ayoko din namang magsabi ng patapos.

"Baka sabihin naman sa akin in the end, kinain ko ang mga salita ko, di ba?

"Hindi pa ako sigurado. Hindi ko pa alam.

"We’re still gonna discuss what are the projects that are going to be good for me and appropriate for my background," saad ni Shamcey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN