Christopher de Leon admits ex-wife and Superstar Nora Aunor still "excites" him

Christopher de Leon talks about doing a scene again with Nora Aunor: "Pitik... yun na yun. Nasagot na ni Mama Guy. Siyempre may kaba, hindi mo maintindihan. Madali yung koneksiyon. Pag nagtrabaho na, yung rapport nandun na. Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin. It’s a nice feeling to see her again. I am so happy that she is doing very, very well, especially sa project na ito. This is a very good vehicle, very good project for Mama Guy and for all


Puno pa rin ng paghanga ang King of Drama na si Christopher de Leon sa dati niyang asawa at ka-tandem sa showbiz na si Superstar Nora Aunor.

Kagabi, September 22, sa SM The Block Cinema 2, pagkatapos ng red-carpet premiere ng kauna-unahang mini-serye ng TV5, ang Sa Ngalan Ng Ina, na pinagbibidahan nilang dalawa, ay nagpahayag pa rin ng pagkabilib si Boyet kay Ate Guy.

"I’m very proud to be in this project. And I’m so happy to be working again with director Mario O’ Hara.

"And, of course, director Jon Red and the one and only Superstar. Magaling pa rin.

"After eight years [ng pamamahinga niya sa showbiz], she’s still the one... number one," sabi ni Christopher, referring to Ate Guy.

Ikinatuwa rin ng aktor ang napanood niyang pilot episode ng kanilang mini-serye.

"Maganda ang nakita kong product and there’s more to come," sabi niya.

Ginagampanan ni Christopher ang role ni Pepe Ilustre sa Sa Ngalan Ng Ina. Asawa siya rito ni Rosanna Roces as Lucia Ilustre at may nakaraan naman sila ni Nora as Elena Deogracias.

Kasama rin nila sa cast sina Ian de Leon, Nadine Samonte, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Eula Caballero, Karel Marquez, Joross Gamboa, Jay Aquitania, at may special participation naman sina Eugene Domingo at Bembol Roco.

Mapapanood ang Sa Ngalan Ng Ina simula sa October 3 pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5.

BRINGS BACK MEMORIES. Dahil ang characters nina Christopher at Nora sa mini-serye ay may nakaraan, inamin din ng dalawa na naka-relate sila rito dahil maging sila ay may nakaraan din sa totoong buhay, na nagbunga pa nga ng isang anak—si Ian de Leon.

Nang matanong nga si Ate Guy ng press kung may memories bang nagbalik ngayong magkatrabaho sila sa series na ito, sinabi niya: "Alam n’yo kung ang dalawang tao ay may pinagsamahan at ito nga ang bunga [Ian], so para sa akin hindi mo maiaalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre yung pakiramdam na unang-una, isang magaling na aktor si Papa Boyet.

"Idolo ko po iyan, e. Pag nagkakaeksena po kami, kinakabahan ako.

"Yung relasyon, nandun na yun, e. Hindi na natin maiaalis yun.

"Pero, tapos na iyon."

Dagdag pa ni Ate Guy, bilang dating magkarelasyon hindi maiwasan na magkaroon pa rin ng "pitik sa puso" ang muli nilang pagkikita.

Sinegundahan naman ito ni Christopher.

Sabi ng aktor, "Pitik... yun na yun. Nasagot na ni Mama Guy.

"Siyempre may kaba, hindi mo maintindihan. Madali yung koneksiyon.

"Pag nagtrabaho na, yung rapport, nandun na.

"Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin. It’s a nice feeling to see her again.

"I am so happy that she is doing very, very well, especially sa project na ito.

"This is a very good vehicle, very good project for Mama Guy and for all of us.

"So, mero’n din [pitik sa puso]. It’s always there. Nandun din lagi si Ian.

"It’s fun, nag-enjoy lang kami sa set. It’s nice working with her again."

MORE PROJECTS WITH TV5? Pagkatapos ng special screening at presscon ay nagkaroon pa ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Christopher.

Dito nga ay inamin niya na malaking factor na si Ate Guy ang katrabaho niya kaya niya tinanggap ang Sa Ngalan Ng Ina kahit na may offer din siya sa ibang TV networks.

"Because of Guy, that’s the reason kaya si Nanay Lolit [Solis, Boyet’s manager] accepted the offer.

"And I was excited also, sabi ko, ’Kunin mo na iyan Nanay Lolit.’"

Kahit nga raw hindi pa niya nababasa ang script ay pumayag na siya agad.

"Siyempre naman, hindi na [kailangang basahin]. Pero siyempre, malaman lang namin kung ano yung role.

"In-explain naman nila sa akin na this is going to be something special.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But [while] doing the story conference, sinabi nila na mukhang hindi magiging special role ang character ko.

"In short, naging full-length ang role ko. Well and good, that’s good for me.

"Mas maraming magagawa. Pag maigsi lang, medyo bitin."

Ayon kay Boyet, per project basis daw ang kontrata niya sa TV5. Pero, posible kayang masundan pa ang pagtatrabaho niya sa Kapatid Network?

"I don’t know dahil wala pang offer. May offer kasi sa ABS-CBN, dalawa. Tingnan natin what will happen."

Pero, thankful daw siya sa TV5 dahil sila pa lang ang nakagawa na mapagsama sila nina Nora at Ian sa isang proyekto sa telebisyon.

Matagal na raw kasi nung huli silang magsamang tatlo sa pelikulang I Love You Mama, I Love You Papa noong 1986.

ADMIRING OSANG. Asawa ni Christopher sa Sa Ngalan Ng Ina si Rosanna Roces. Kumusta naman katrabaho si Osang lalo na’t ito rin ang big comeback ng controversial actress sa telebisyon?

"Good. She’s out to prove to everyone she’s still in. Comeback niya ito.

"This is a very good project for her and magaling naman siya."

Ano ang ina-admire niya kay Osang?

"The guts, yung tapang niya. She’s also a good actor."

SON IAN. Gaano siya ka-proud sa anak nilang si Ian sa mini-series na ito?

"Siyempre I’m truly happy and proud sa anak ko na magkasama kami rito.

"Pero, hindi ko pa siya nakakaeksena, e. He’s always with Guy.

"There was only one time na halos tinginan lang, e. One line lang ako and that’s it.

"Pero, I’m looking forward na makasama siya. Gusto ko siyang makaeksena talaga."

Binibigyan ba niya ng advice si Ian?

"Of course, kailangan niya ng advice, hindi lang sa career niya pati sa personal din at family.

"Magkasama kami sa isang compound, so hindi mahirap para sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman ang magiging problema niya, puwede siyang tumakbo agad sa bahay."

Nag-thank you rin ba sa kanya si Nora na inaalagaan at sinusubaybayan niya ang anak nila?

"Hindi naman kailangang mag-thank you. I mean, obligasyon ko ’yan sa kanila.

"He’s 34 years old already, so he has to have his own home place," sabi ni Boyet.

SANDY’S EXCITEMENT. Samantala, isa rin daw sa na-excite sa muling pagtatambal nina Christopher at Nora ay ang asawa ng aktor na si Sandy Andolong.

"Si Sandy naman is very supportive. Alam naman niya ang lahat ng pinagdaanan namin ni Guy and she understands.

"Excited na nga siya dito sa Sa Ngalan Ng Ina. Even yung mga anak namin, excited na sila na mapanood ito," sambit pa ni Christopher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN