Gardo Versoza’s character dies in Amaya; starts new series with tween stars

Nalungkot si Gardo Versoza nang sabihin sa kanya na papatayin na ang character niyang si Rajah Mangubat sa epicseryeng Amaya. Masyado na raw kasing na-attach ang aktor sa kanyang role.

"It’s the most challenging and most demanding role na ginawa ko so far sa television," he says.


Pinatay at sinunog na ang character ni Gardo Versoza sa epicserye na Amaya na si Rajah Mangubat. Tapos na ang kuwento ng kanyang character at haharap sa bagong mga pagsubok ang bida ng Amaya na si Marian Rivera.

Inamin ni Gardo na nalungkot ito nang sabihin sa kanya na papatayin na si Rajah Mangubat sa epicserye. Masyado na raw kasing na-attach si Gardo sa kanyang role.

"Oo nga, e. Parang naging part na ng buhay ko ang pagiging Rajah Mangubat.

"Masyado kong in-enjoy ang role na iyon at nagpapasalamat ako sa GMA-7 na binigyan ako ng gano’ng klaseng role.

"It’s the most challenging and most demanding role na ginawa ko so far sa television," sabi ni Gardo nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na story conference ng Ikaw Lang Ang Mamahalin sa GMA Network Center.

Naiintindihan naman daw ni Gardo kung bakit kailangang patayin na ang kanyang character.

Sa bagong season ng Amaya, haharap si Amaya sa ibang pagsubok at ito ay ang anak ni Rajah Mangubat na si Bagani (played by Sid Lucero).

"Marami kasing magaganap sa serye. Maraming twists and turns na mangyayari sa kuwento niya.

"Tulad nga ngayon, si Bagani na ang makakaharap niya. E, silang dalawa ang nagmamahalan dapat, di ba?

"So, isa lang ’yan sa mga aabangan nila kahit wala na ako," sabay tawa pa ni Gardo.

Mami-miss daw ni Gardo ay ang magandang samahan nilang lahat sa set.

Bilib daw siya sa cast and crew dahil halos walang pahinga ang mga ito para lang mapaganda nang husto ang bawat episode gabi-gabi.

"Masaya sa set. Masisipag lahat at walang nagpapabaya. Kaya naman hindi kami magugulat kung parating mataas ang ratings ng show.

"Kahit na dumaan ang rainy season or yung binabagyo kami sa set, tuloy pa rin ang trabaho namin... Kasi nga inspirado ang lahat lalo na kapag nakikita namin ang ratings ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga noong magkasakit ako, talagang nagpalakas kaagad ako kasi nga gusto kong makapag-taping agad. Na-miss ko nga sila kasi mga two or three weeks din akong hindi nakapag-taping. Kaya noong lumakas na ako, taping agad ako."

Pero kahit na nawala man si Gardo sa Amaya, pasok naman siya sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin. Gaganap siya bilang ama ni Barbie Forteza sa naturang series.

"Babalik nga tayo sa drama. This time hindi na costume drama," tawa pa niya.

"Yung last na drama series ko was Green Rose sa ABS-CBN 2. Before that ginawa ko ang Rubi, Katorse and May Bukas Pa. Yung last na afternoon drama ko with GMA-7 was Magdusa Ka.

"So iba naman ito ngayon and I will be working with mga tweens naman. Nakilala ko na sila Barbie at Joshua [Dionisio] noong story conference namin at mukhang masasaya silang katrabaho.

"Marami na tayong mga bagong artista ngayon at natutuwa ako’t nandito pa tayo at nakakatrabaho sila. Nabibigyan kami ng magagandang mga roles ng mga TV networks. Ramdam namin ang importansya na binibigay nila sa aming mga mas nakakatandang mga artista," diin pa ni Gardo.

Ang iba pang kasama sa Ikaw Lang Ang Mamahalin ay sila Sheryl Cruz, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Ehra Madrigal, at Tanya Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN