Joross Gamboa on working with Nora Aunor: "Okay na, isang malaking accomplishment na ito sa akin."

Nakapagtrabaho na si Joross Gamboa sa tatlong top networks. Ano ang pagkakaiba nila?

"Actually they are all the same. It depends rin sa mga nakakatrabaho mo. Siyempre kahit same network, tapos ang nakakatrabaho mo iba-ibang tao siyempre panibagong atake iyon, panibagong... depende rin sa role mo. So, sa akin naman ang tingin ko is work, na may iba’t-iba kang nakakatrabaho and kasama iyon sa trabaho," he says.


Nakausap ng PEP.ph si Joross Gamboa sa presscon at red-carpet premiere ng TV5 miniserye, Sa Ngalan Ng Ina, last Thursday, September 22, sa Cinema 2 ng SM The Block.

Ang una naming kinumusta kay Joross ay what it’s like to work with the Superstar, Miss Nora Aunor.

"Sobrang ano, sobrang overwhelming talaga! Masayang-masaya ako na mapasama dito sa miniserye na ito. Okay na, isang malaking accomplishment na ito sa akin."

Gumanagap si Joross sa Sa Ngalan ng Ina bilang si Ramoncito na boyfriend ni Andrea Deogracias na ginagampanan ni Nadine Samonte.

"Ako yung parang pinagpipilian niya, kung ako o yung career niya."

Very ironic na produkto si Joross ng Star Circle Quest ng ABS-CBN at si Nadine ay produkto ng StarStruck ng GMA, at ngayon ay pareho silang nagtatrabaho para sa TV5.

"Oo nga," ang natatawang reaksyon ni Joross. "Ayun, masaya naman. At least nakakatrabaho ko ang iba’t-ibang tao, natututo naman ako sa bawat isa sa kanila."

Hindi raw exclusive contract star ng Kapatid network si Joross.

"Actually freelancer po ako, e."

Bukod kina Joross, Nadine at ate Guy bilang Elena Deogracias, kasama Sa Ngalan Ng Ina sina Christopher de Leon bilang Pepe Ilustre; Rosanna Roces as Lucia Ilustre; at sina Ian de Leon, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Eula Caballero, Karel Marquez, Jay Aquitania, at may special participation naman sina Eugene Domingo at Bembol Roco.

Mapapanood ang Sa Ngalan Ng Ina simula sa October 3 pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5.

NETWORK HOPPING. Bago ang nabanggit na miniserye, naging busy si Joross sa...

"Nag-ano, nag-2 tapos nag-7, tapos nag-2, tapos nag-5. May ginawa ako sa 2, yung Hiyas.

"Hindi pa napapalabas, pero tapos na ako mag-taping, nasa can na siya.

Sa GMA naman, ang huling ginawa ni Joross ay...


"Yung kami ni Jackie Rice ang magka-partner, yung [Dear Friend Presents] Tisay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pagkakaiba ng tatlong top networks?

"Actually they are all the same. It depends rin sa mga nakakatrabaho mo. Siyempre kahit same network, tapos ang nakakatrabaho mo iba-ibang tao siyempre panibagong atake iyon, panibagong... depende rin sa role mo.

"So, sa akin naman ang tingin ko is work, na may iba’t-iba kang nakakatrabaho and kasama iyon sa trabaho."

What if papiliin siya kung saang network siya magpapa-exclusive contract, ano ang pipiliin niya?

"Ah si Kuya Noel [Ferrer, his manager] ang bahala diyan!

"Sa kanya ko ipapaubaya ang desisyon tungkol sa aking career."

Kung siya ang tatanungin mismo?

"Ang sa akin kung saan may pinaka-okay na mai-o-offer sa akin."

Kung saan pinakamalaki ang talent fee?

"Hindi naman sa talent fee, kumbaga sa complete package, sa lahat-lahat."

BENEFIT FOR JOSEPH BITANGCOL. Napag-usapan rin namin si Joseph Bitangcol na ka-batch niya noon sa Star Circle Quest. Naaksidente si Joseph kamakailan.

"Gumawa kami ng [benefit] show para sa kanya. Tsaka ako rin ang nag-semi coordinate, ako rin nagtawag dun sa mga kaibigan namin, isa ako sa mga nag-text, na makapasyal man lang kay Joseph."

Okay na si Joseph ngayon after the car accident.

"Okay, kaya nga masaya ako para kay Joseph. Binibiro-biro nga namin e, sabi ko ano, ’Meron akong offer sa iyong show, mano-mano celebrity challenge!’ Tawa siya nang tawa. Niloloko ko lang siya, close naman kami ni Joseph.

"Masaya po ako for Joseph dahil nakita natin na ang daming nagmamahal din sa kanya na mga kaibigan niya at sumuporta."

Naikuwento naman ni Joross na may ibinigay na advice sa kanya ang Superstar.

"Actually meron siyang isang malaking ipinayo sa akin... baka ma-feed ko, e, kung ano yung eksena, e. Hindi, parang may ipinayo lang siya sa akin tungkol kay Nadine na napaisip ako.

"Meron siyang sinabi. Basta maganda yung eksena."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

About Nadine...

"Ah halos puro po kaming dalawa [ang magkaeksena]. Pero nakasama ko rin po yung family niya kasi parang part na rin ako ng family dito sa istorya dahil ako yung boyfriend ni Nadine at ikakasal kami."

WEDDING BELLS? Speaking of kasal, how true na ikakasal na si Joross at ang girlfriend niyang si Katz Saga?

"Ay hindi, hindi pa po, wala pa po. Pinaplano naman namin, gusto naming maging plantsado lahat bago... kumbaga baby steps."

This year ang kasal?

"Not this year."

Next year?

"Hindi ko pa sure kung kailan. Kung darating naman, ipapaalam at ipapaalam ko naman sa lahat."

Happy si Joross sa career niya ngayon...

"Opo! Happy naman po, at tinutuloy ko pa rin yung studies ko so tuluy-tuloy naman po ako.

Fourth year Mass Communications student si Joross sa Southville International School sa Las Piñas.

Ang movie career ni Joross...

"Hopefully sana makasama ako sa dun sa part 3 ng John Lloyd [Cruz] at Sarah [Geronimo] movie. Parang may plano yata silang ulit na ganun.

"Pero hopefully, hopefully lang."

Isa si Joross sa mga masuwerte na nakakapagtrabaho sa iba’t-ibang TV stations.

"Ay sobrang... yun nga, masaya ako dahil ano e, sa akin marami din kasi akong mga kaibigan in all networks kaya mas madaling maka-ano ng trabaho.

"Kumbaga kailangang marunong ka rin talagang makisama."

Runner-up lang si Joross ni Hero Angeles sa SCQ pero may career pa rin si Joross at si Hero ay halos hindi na aktibo sa showbiz.

"Ay sa akin po, ano, kumbaga, hindi ko na po iniisip yung ano, yung kung nanalo man o hindi, basta kung anuman po yung ibigay sa aking trabaho pagbubutihan ko.

"And basta mahal mo yung trabaho mo, everything follows."

Nang tanungin namin si Joross kung nasaan na si Hero, ang sagot niya ay...

"Hindi ko po alam!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN