Camille Prats on the death of her husband: "I don’t understand why I had to lose him at this very early age."

"The entire year na nagpapagamot siya, he has gone through so much pain. Hirap na hirap na hirap na hirap na talaga siya na minsan, hindi ko alam kung ipagdadasal ko ba na pahabain pa yung buhay niya pero ganito, or kung kunin na lang siya para hindi siya mahirapan. So, hindi ko na alam kung alin dun yung hihilingin ko. But more than that, I was really praying for a miracle that he will get better," says Camille Prats about the ordeal she went through


Isang araw pagkatapos pumanaw ng kanyang mister na si Anthony Linsangan, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam ang aktres na si Camille Prats.

Sumakabilang buhay si Anthony kahapon, September 23, dahil sa nasopharyngeal cancer sa edad lamang na 31. (CLICK HERE to read related story.)

Sa mismong burol ni Anthony sa Heritage Park sa Taguig City nakausap ng Startalk si Camille. Ipinalabas ang naturang interview kaninang hapon, September 24.

YOUNG WIDOW. Dito ay ipinahayag ng 26-year-old actress ang kanyang saloobin sa pagkamatay ng kanyang asawa.

"Okay naman, medyo... siyempre mahirap.

"Pero siguro, the family, ako, medyo nakita... hindi naman nakita, pero hinanda naman namin ang sarili namin na kung sakali man na dito papunta...

"Pero siyempre, mahirap pa din.

"Hindi ka makapaniwala kasi he’s very young. At that time, he was only turning 30."

Ang tinutukoy ni Camille ay magti-thirty years old pa lang noon si Anthony nang ma-diagnose siya na may cancer. Stage 4 na ang cancer ni Anthony nang matuklasan na meron siya nito.

Patuloy pa niya, "So siyempre, parang hindi totoo.

"Kasi parang hindi... it’s not possible for someone his age to acquire a disease like that.

"Pero ni-rule out agad yung cancer kasi nga sa edad niya.

"Tapos iyon, so when we found out that it was cancer, siyempre parang hindi ako makapaniwala na parang we had to go through it.

"But of course, we had hope.

"Kaya kami nag-resort to treatment and all those things, kasi nga we had hope that he will get better at kakayanin niya.

"Kasi nga bata pa siya."

DRAWING STRENGTH. Ikinuwento rin ni Camille ang mga pinagdaanan nila nang matuklasan nilang may cancer si Anthony.

"Mga around June, kasi we got married March of last year, so mga June, medyo masakit na yung jaw niya sa left [side].

"Tapos nagkaroon na siya ng parang lymph node or nagkaroon na ng bukol so we had that checked.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro until mga... from June, we started doing check-ups around June until September.

"So we resorted to treatment right away, we did chemo and radiation.

"Yung chemo kasi, hindi ganun kahirap katulad ng... radiation was, grabe yung side effect.

"Nasunog yung leeg niya, he couldn’t swallow, he couldn’t eat.

"He came to a point na halos ayaw na niyang ituloy.

"So... pero hindi, he did! Tinapos niya yung treatment na yun.

"And siguro... hindi ko alam kung para sa akin mas maganda na yung hindi siya nagbilin.

"Kasi siguro mas gusto kong marinig sa kanya na he will really fight until the very end.

"So, hindi ko alam kung mas maganda na hindi niya ako sinabihan kasi ayoko ding... or maybe, I just don’t want to have that in me na parang I have to...

"Siguro ayaw din niya akong mag-isip na, di ba?

"If something happens to him, ayaw niya akong mag-isip pa ng kung ano ang gusto niyang gawin, or kung ano yung gusto niyang gawin ko pa.

"Hindi na niya ako binigyan ng ganun."

Dagdag pa ni Camille, "Siguro, buong course ng treatment niya, hindi ko pinakita sa kanya na umiyak ako, nothing, wala, wala talaga.

"Tinray ko talaga na hindi niya makita iyon. Kasi pag ako, kasi siguro yung nasa posisyon niya, I’m sure he was drawing his strength from me and he had to see that in me.

"So I never showed any sign of weakness sa kanya, wala talaga akong pinakita."

MUNTING HEREDERA. Ayon pa kay Camille, naging excited din si Anthony sa pagkakakuha niya ng lead role sa primetime series ng GMA-7 na Munting Heredera.

Kuwento niya, "When I got that project, it was around May kasi, so he was perfectly healthy, okay na okay talaga siya.

"And when I told him about the project, he was very excited for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi alam niya na ang tagal ko nang hinihintay na magkaroon ng ganun.

"And then he knew how important that was to me and he was all-out supportive talaga.

"Even when he was sick, bumili kami ng recorder and he would record the show.

"Tapos kapag... etong past few months, in and out na kami sa hospital, ang requirement niya talaga, kailangan ang kuwarto niya may flat screen [TV].

"Kasi dadalhin niya yung recorder tapos ire-record niya yung [Munting] Heredera gabi-gabi, as in he will never miss it.

"Nito na lang bandang huli, kasi siguro hindi na siya... natutulog na siya palagi. So, hindi na siya masyadong nagigising.

"He really recorded everything!’ sambit pa niya.

"He transferred it to DVDs, talagang ganun siya kasuporta sa ginagawa ko.

"Ganun siya ka-proud siguro sa akin."

THEIR SON. Nagbigay rin ng pahayag si Camille tungkol sa three-year-old son nila ni Anthony na si Nathan.

"But si Nathan talaga, ang ano lang niya was, ’Daddy has yayay [may sakit].’ Sabi niya ’Daddy has yayay.’

"Tapos, ’Daddy’s always sleeping,’ ganyan.

"So even now, pag nakikita niya [sa kabaong], sinasabi lang niya ’Sleeping lang si Daddy.’

"Tapos tinatanong niya yung... saan daw nakahiga ang daddy niya.

"Sabi ko, ’That’s daddy’s car.’

"Tapos nagtataka siya, sabi niya siguro, ’Bakit ganyan ang ’itsura ng kotse?’

"Sabi ko, ’No, later it will have wheels na.’ Ganyan, so iyon.

"Feeling ko, hindi ko naiintindihan, e.

"Parang feeling ko, may napi-feel siya that’s something wrong but he cannot understand what it is.

"Parang ganun."

Madamdamin pang pahayag ni Camille, "Ang liit-liit pa ni Nathan, ang bata-bata ko pa.

"So, hindi ko naiintindihan, and never kong na-imagine na ganito yung mangyayari sa akin, hindi talaga.

"Hindi ko talaga naiintindihan, even until now that he’s gone, I don’t understand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And when I see other people, when I see couples my age, and they’re just starting, I don’t understand why I had to lose him at this very early age.

"So, hindi ko talaga naiintindihan. Hindi ko alam."

NO MORE PAIN. Pero kung meron man sigurong ipinagpapasalamat si Camille, ito ay hindi na nakakaramdaman ng sakit si Anthony.

"Finally, di ba, Anthony’s not in pain anymore," sabi niya.

"Because the entire year na nagpapagamot siya, he has gone through so much pain.

"Hirap na hirap na hirap na hirap na talaga siya na minsan, hindi ko alam kung ipagdadasal ko ba na pahabain pa yung buhay niya pero ganito, or kung kunin na lang siya para hindi siya mahirapan.

"So, hindi ko na alam kung alin dun yung hihilingin ko.

"But more than that, I was really praying for a miracle that he will get better.

"Iyon talaga, that was the hope that we were both holding on to.

"Alam ko, he’s in a very good place now and I know he will always be with me.

"Alam ko palagi niya akong sasamahan at palagi rin niyang sasamahan si Nathan.

"Okay na ako dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN