Barbie Forteza and Joshua Dionisio confirm they go out for a movie—but always accompanied by family

Tween tandem Barbie Forteza (left) and Joshua Dionisio (right) star in the remake of the 2001 GMA-7 drama series, Ikaw Lang Ang Mamahalin. Also in the cast are Kristoffer Martin and Joyce Ching, another popular tween pair.


Nag-taping na para sa bago nilang afternoon drama series ang sikat na tween tandem na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Ang remake ng 2001 drama series ng GMA-7 na Ikaw Lang Ang Mamahalin ang siyang pagbibidahan ng love team na Josh-Bie. Makakasama nila dito ang isa pang sumisikat na tween pair, sina Kristoffer Martin at Joyce Ching or Kris-Joy.

Kinunan ang unang mga eksena nila Joshua at Barbie sa Multinational Village in Parañaque City last September 24. Kuwento ng dalawa, very different daw itong bagong series nila kumpara sa mga pinagbidahan nila na First Time, Pilyang Kerubin at Nita Negrita. Mabigat na ang mga eksena nila rito at mate-test na ang mga natutunan nila sa mga acting workshops.

"First taping day ko po for this show, at ito ang unang eksena namin ni Barbie na magkasama. Sa binigay naman na script po sa akin, wala pa naman akong nabasang mga mabibigat na eksena," sabi ni Joshua.

"Pero ini-expect ko naman po na may mga big dramatic scenes akong gagawin. Prepared naman po ako sa mga iyon."

Si Barbie naman ay nakatatlong taping days na para sa bagong series at kaagad siya isinalang sa mga madramang eksena.

"Sa first at second taping day ko po, iyakan na kaagad. Ito pong third taping day, may sampal na akong natikman sa eksena. Gano’n po kabigat ang series na ito," aniya.

"Inaasahan ko naman po na every taping namin ay ganito kabigat. May mga light episodes naman, pero mostly po mga sobrang matinding drama.

"Kaya lahat ng mga natutunan ko sa acting workshop namin with Ms. Anne Villegas, tinandaan ko lahat. Para prepared ako sa anumang eksenang ipagawa sa akin."

MORE DRAMA. Compared sa mga dati nilang nagawang mga series, mas magbu-bloom ang love story ng Josh-Bie sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Pero dahil menor de edad pa sila, iaakma raw ang takbo ng love story sa kanilang edad, para hindi sabihing pinapa-mature sila kaagad bilang mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit nga po may love story dito, hindi naman kami lalabas doon sa limit namin. Gusto nila, we are still playing our age.

"Huwag daw kaming madaliin masyado. May mga fans po kasi na nagsasabi na baka pinapa-mature kami agad. Yun ang medyo iniiwasan naming mangyari sa teamup namin ni Barbie," sabi ni Joshua.

Pabor naman si Barbie dito dahil hindi pa daw siya ready sa mga eksenang maglalambingan sila ni Joshua. Hindi pa raw bagay sa kanila iyon.

"Kahit naman po sa Tween Hearts na show namin, hindi kami gano’n na may serious love story. Yung normal lang na mga teenagers na nagkakagustuhan. May dagdag kilig lang ngayon sa ginagawa naming series.

"Ayoko rin naman po na aarte ako na wala sa edad ko. Fourteen years old lang po ako at ayoko magmadali. Mas maganda na rin yung ini-enjoy ko kung ano ang age ko."

FAMILY DATE. Natawa na lang sila Barbie at Joshua sa balitang nakikita daw silang dalawang nagde-date. Kelan lang daw ay nahuli silang nanonood ng sine sa SM City The Block at holding hands pa raw sila.

"OA naman po yung sinasabi nilang holding hands kami ni Barbie. Wala naman pong gano’n," ngiti pa ni Joshua.

"Parati naman po kaming nanonood ni Barbie ng movie pero kasama ang family namin. Nandoon ang parents ko at ang parents ni Barbie. Hindi po kami nagde-date na kaming dalawa lang. Family date parati."

Kahit raw close ang parents nila, hindi raw pinapayagan si Barbie na solong lumabas kasama si Joshua.

"Yun naman po ang rule ng parents namin. Puwede kaming lumabas pero kasama sila. Okey lang naman po iyon. Para naman safe kaming dalawa.

"Tsaka mas masaya kapag kasama ang family. Hindi kami gumagastos ni Joshua. Sila parati ang nagbabayad!" tawa naman ni Barbie.

Sino ba ang madalas manglibre—si Joshua o si Barbie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako po!" mabilis na sagot ni Joshua.

"Kelan?" pangontrang sagot ni Barbie.

"Noong nanood tayo ng sine. Ako nagbayad," sagot ni Joshua.

"Binayaran kaya kita. Binalik ko yung binayad mo," sabi ni Barbie.

"Binalik mo ba?" sabay tawa na ni Joshua.

Sa pelikulang The Road ni Direk Yam Laranas ay hindi magkasama sila Barbie at Joshua. Inakala tuloy na pinaghihiwalay na ang love team nila.

"Hindi naman po mangyayari iyon. Nagkataon lang po na yung project hindi kailangan ng love team. Kaya ako lang nasa movie at wala po si Joshua. Tsaka hindi naman po teen movie iyon, e. Horror-suspense thriller ang The Road," paliwanag ni Barbie.

Nagtampo ba si Joshua na hindi siya nakasama sa pelikula?

"Ay hindi naman po. Walang reason para magtampo ako. Alam ko naman po ang theme no’ng movie nila. Wala naman pong love team na kailangan doon. At hindi po kami maghihiwalay ni Barbie dahil meron pa kaming Tween Hearts at Ikaw Lang Ang Mamahalin. Obviously, tuloy pa rin po ang Josh-Bie love team," pagtitiyak ni Joshua.

Sa October na mapapanood ang Ikaw Lang Ang Mamahalin bilang kapalit ng matatapos na Sinner Or Saint. Mula ito sa direksyon ni Dick Lindayag. Kasama nila rito ay sila Sheryl Cruz, Gardi Versoza, Tanya Garcia, Matet de Leon, Shirley Fuentes, Ella Cruz, Teejay Marquez, Ehra Madrigal at marami pang iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN