Boy Abunda airs grievances about former talent Erik Santos

"Ang ikinakagalit ko sa kanya ngayon, patuloy pa rin niyang sinasabi ’Wala naman akong ginawa, wala naman akong sinasabi.’ Ano ba? Tahimik na lang tayo. Anong walang sinasabi? Ano ba? Alam ko lahat ng sinasabi mo," says Boy Abunda about Erik Santos.


Nilinaw ng beteranong TV host na si Boy Abunda ang naiulat na sumama raw ang loob niya sa dating talent na si Erik Santos dahil umalis na ito sa Backroom, ang dating talent management na pinamamahalaan ni Boy.

Ayon kay Boy, ang totoo raw ay sila ang kusang nag-release kay Erik dahil sa mga paninirang ginagawa nito sa kanya at sa Backroom.

Pero masama nga raw ang kanyang loob kay Eric.

Ito ang sinabi ni Boy nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng live airing ng The Buzz kahapon, September 25.

Kuwento ni Boy, "Si Erik ay ni-release namin dahil sa aming palagay ay kaya niya nang mag-produce ng sarili niyang concert, kaya niya nang pangalagaan ang kanyang sarili kaya okey na sa amin.

"Pero more than that, may sama ako ng loob sa kanya. At ito’y sinabi ko sa kanya.

"Pero nung sinabi ko sa kanya... Ito ang pag-uusap namin. Sabi ko, ’Erik, oo, may sama ako ng loob. Galit ako sa ’yo.’

"’Sanay akong tumawag sa telepono at nakikipagharap ako.

"Sinabi ko, a.... ’Pero huwag na nating idetalye at that point I was angry.

"’Huwag na nating idetalye dahil mag-aaway tayo at dahil lalalim itong away natin at mahihirapan tayo maghilom.

"’Huwag tayong magdetalye, pero sinasabi ko sa ’yo na masama ang aking loob, etcetera, etcetera.’

"’Patawarin mo ako Tito Boy sa aking nagawa. Patawarin mo ako, blah, blah, blah.’

"Sabi ko, ’Oo, Erik, sobra kitang mahal, hindi lang bilang isang artista kundi bilang isang kaibigan.’

"Because Erik is really a friend of mine.

"Sabi ko, ’Tapusin natin ito. Ang request ko lang sa ’yo after this conversation, shut up.’"

Dagdag pa niya, "Kaya ako, nung hinaharap ninyo, wala kaming problema ni Erik.

"Dahil ang problema namin ni Erik ay diniretso ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now, right after ng conversation namin sa telepono, akala ko okey na.

"He spoke to some friends namin, na common friends... meron pa rin siyang sinasabi.

"Ni-record pa nga ng isa naming kaibigan yung pag-uusap nila.

"Ang kanyang sinasabi ay, ’Wala naman akong ginawang masama. Ano ba ang ginawa kong masama? Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito?’

"Ngayon, through you, sasabihin ko kung ano ang kanyang ginawang masama.

"Kasi, hindi ko ito idinetalye sa kanya kasi ayoko, e. Kasi, parang lalo pa tayong mag-aaway.

"Pero since nag-press conference siya, nalilito ang mga tao.

"Isinulat ni Marinel [Cruz] that I am hurting because Erik left Backroom.

"Ito ang kuwento. Sumama ang loob ko sa kanya. Nag-usap kami, kasi marami akong naririnig.

"Ano ang mga sinasabi ni Erik Santos?

"Sinasabi niya, ’Ano ba itong buhay na ito? Parang ako na lang mag-isa. Ako ang nagpaplano sa karera ko. Wala nang tumutulong sa akin. Pinapabayaan ako.’

"Yun ang kanyang complaint... He will not deny that, it’s recorded.

"Marami siyang sinasabi.

"Gusto kong makipag-meeting kay Tito Boy, pero wala siyang oras.’ Kasinungalingan ’yan.

"’Ang hirap, hindi ako makapag-set ng meeting. Mag-isa lang ako. Wala nang ginagawa ang Backroom, pinapabayaan ako.’

"In short, nagrereklamo siya. Matutuwa ba ako dun?

"Sinong nagsabi sa akin at bakit ako naniniwala?

"Sigurado ako na 100 percent totoo yung ipinarating sa akin dahil mga kaibigan niya at mga kaibigan ko rin.

"’Teka muna, anong nangyayari? Bakit mo ako sinisiraan? Bakit mo ba sinisiraan ang Backroom?’

"Wala akong kontrata kay Erik.

"You know, all you have to do is to come to me.

"At sasabihin niya, hindi ako nakikipag-meeting sa kanya?

"He never called me na hindi ako nagri-return call.

"May ugali ako na kahit sino ang tumatawag sa akin, I return calls.

"Walang pagkakataon na humingi si Erik ng meeting sa akin na hindi ako nakipag-meeting sa kanya, lalo na pag may kinailangan siya na may kinalaman sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung kanyang sinasabi na hindi kami matuluy-tuloy sa meeting, personal yun. Alam ni Erik ’yan.

"Tungkol ’yan sa isang tao na gusto niyang pag-usapan namin at walang kinalaman yun sa kanyang karera.

"Kung sino, amin na lang yun.

"Pero hindi ko kailanman ipinagkait ang aking oras kahit gaano ka-busy ako sa mga artista ko.

"And you can come to my dressing room if you wanted to discuss things with me.

"Sasabihin niya, ’Itong concert na ito, ako ang nag-isip, walang tumulong,’ mali yun.

"You know, yung title ng concert, akin yun, ako ang nagbigay.

"He produced the concert, natural may kakayahan na siya, may kapasidad na siya. At karera naman niya yun, e."

Ang tinutukoy ni Boy na concert ni Erik ay ang PowER IKons na ginanap noong August 12 and 13 sa Music Museum.

Patuloy ng TV host, "Si Boy So, nagbigay sa kanya ng P200,000. May isa kaming kaibigan nagbigay sa kanya ng sponsorship na P50,000 because of me...

"Ang hirap magsalita tungkol sa pera.

"Anong sasabihin mo na wala kaming ginagawa? I gave him a press conference for that concert.

"Ang dali mo namang makalimot, di ba?

"Parang ang lakas ng loob mo na sabihin na wala kaming ginagawa na tulong. I mean, from the title to the sponsorship.

"Ang dali-dali mo namang makalimot, di ba?

"Kaya ako galit. Yun ang paliwanag kung bakit ako galit.

"Na parang bakit? Bakit mo ako binibilangan? Sa pitong taon, nakalimutan ko lahat?

"At may mga katanungan ako. Ano ba ang nagawa mo sa buhay ko? Yumaman ba ako? Nagkakarera ba ako? Naging pamoso ba ako dahil sa minanage ko si Erik Santos?

"Tanungin nga natin, ano ba ang nagawa ko sa ’yo? Don’t I deserve a little respect?

"Yun ang sagot sa kanya doon, di ba?

"Ang ikinakagalit ko sa kanya ngayon, patuloy pa rin niyang sinasabi ’Wala naman akong ginawa, wala naman akong sinasabi.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ba? Tahimik na lang tayo.

"Anong walang sinasabi? Ano ba? Alam ko lahat ng sinasabi mo," pahayag ni Boy tungkol kay Erik.

Samantala, bukas ang PEP kung may nais ipahayag si Erik sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN