Kris Aquino on son Bimby’s being possessive of her: "Okay lang, kasi gano’n talaga kaming dalawa, gano’n ang relationship namin."

"I think hindi mo maaalis talaga that any child would always wish that the parents would be together," sabi ni Kris Aquino tungkol sa kanyang anak na si Bimby, na muling nagtatanong tungkol sa kanyang ama na si James Yap.


Naiintindihan at naa-appreciate daw ng TV host-actress na si Kris Aquino ang paggiging possessive ng kanyang bunsong anak na si Bimby.

"Okay lang, kasi gano’n talaga kaming dalawa, gano’n ang relationship namin," pahayag ni Kris nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng Segunda Mano sa Muntinlupa noong Biyernes ng gabi, September 23.

Kamakailan kasi ay lumabas ang balita na tinanong ni Kris si Bimby kung puwede niyang maging boyfriend si Diether Ocampo, na nakasama ng TV host-actress sa 2010 Metro Manila Film Festival entry na Dalaw. (CLICK HERE to read related article.)

Hanggang ngayon ay nali-link pa rin sina Kris at Diether sa isa’t isa.

Ikinuwento muli ni Kris sa PEP kung paano niya tinanong si Bimby tungkol kay Diet.

"We were watching kasi Guns and Roses and then, tinanong ko lang siya na ano... Nakuwento ko kasi yun on-air [sa Kris TV]. Sabi ko, I asked Bimby, ’Can Tito Diet be my boyfriend?’

"And talagang sinagot niya, ’But why?’" sabi ni Kris, habang ginagaya ang boses kung paano ito sinabi ng kanyang anak.

Tawang-tawa na dagdag ni Kris, "Talagang full drama kami magna-nanay!"

"And sabi ko, uhm, ’Why not?’

"’Coz you love me and you love kuya [Josh].’

"Sabi ko, ’So?’

"’So you can’t love him.’

"Tapos sabi ko, ’Why?’

"Tapos sinabi niya, ’Because I’ll just go away...’

"At talagang ra-run away daw siya!

"Tapos sinabi ko sa kanya na, ’Okay. But can I like him?’

"’Yeah, you can like him, but don’t love him, okay?’

"Tapos tawa kaming dalawa!" natawa ring kuwento ni Kris.

PRIDE FOR PIZZA. Naibahagi rin ni Kris sa PEP na paboritong pagkain ni Bimby ang pizza.

"Favorite food kasi ni Bimby pizza, as in he’s obsessed with Teenage Mutant Ninja Turtles.

"So, kagabi [September 22], limang box ng Pizza Hut ang pinahatid ni Diet para kay Bimby."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Diether ang endorser ng nabanggit na pizza chain.

Kuwento pa ni Kris, "Sabi ko, ’Tito Diet sent that.’

"Sa una, pride pa, ’I don’t wanna eat it.’

"Tapos today, kinain naman niya yung pizza!"

BIMBY BEING UPSET. Ganito rin ba more or less ang naging comment ni Bimby sa dating mga na-link sa kanya na sina Senator Chiz Escudero at Mayor Junjun Binay?

"Kasi, alam mo, iba yung napapanood mo gabi-gabi," sabi ni Kris.

"E, bago kami matulog talaga, mag-lights out, napapanood niya sa Guns and Roses [si Diether] kaya siya nagko-comment ng gano’n.

"Pero yung ano kasi, kasi siyempre, iba rin. Kasi, di ba, napanood niya [Bimby] yung Dalaw at nakita niyang may kissing scene?

"So, naa-upset siya talaga na, ’Don’t ever kiss him again, Mama!’ May gano’n siya," saad ni Kris.

JAMES YAP. Naibahagi rin ni Kris sa PEP na muling nagtatanong si Bimby tungkol sa kanyang ama na si James Yap.

"Bimby asked me kanina, ’Mama, do you like my Papa?’

"Sabi ko, ’I like him as a person.’

"’Do you love him?’

"Sabi ko, ’We both love you.’

"Gano’n. So, I think hindi mo maaalis talaga that any child would always wish that the parents would be together.

"But when I ask him naman, sabi ko, ’Do you like your papa to stay with us?’

"’No, ’coz now, no more away-away.’

"So, parang gets din niya yun.

"I think lang, sobrang possessive lang talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN