Mo Twister reacts on alleged network directive to never associate ex-girlfriend Rhian Ramos with him

Mo Twister on alleged directive from home network never to associate Rhian Ramos with him anymore: "I don’t know. I mean, I don’t think so. I think during our time naman, she has a top-rating soap. Rhian is such a talented actress and a beautiful person. So, she’d be okay naman. Maybe I think, ang nangyari lang is... huwag na akong mapag-usapan."


Kahit ilang buwan na ang nakakaraan magmula nang mag-break sila ni Rhian Ramos, hindi maiwasang matanong pa rin ang controversial DJ-TV host na si Mo Twister tungkol sa Kapuso young actress.

May mga nag-aantabay pa rin nga kasi kung may posibilidad pa bang magkabalikan sila.

Si Rhian, may naging pahayag lately na napatawad na raw niya si Mo.

Natutuwa nga raw ang dalaga na nagawang aminin ni Mo in public ang mga nagawang pagkakamali noong panahong sila pa.

Pati yung pag-amin ni Mo tungkol sa regular na konsultasyon sa isang therapist for him to become a better person, ay positibo ang pananaw ni Rhian dito. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Mo, "Yeah, consistent naman talaga ako do’n na... seeing a therapist regularly twice a week."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mo kahapon, Sunday, September 25, after the airing of TV5 showbiz talk show Paparazzi.

"Like I said, I’m just trying to be better. So hopefully, maybe one day, we’ll never know, baka... good enough ulit!" natawa pa niyang sabi.

It’s been seven months na raw since he started seeing a therapist. At hindi raw niya masabi kung hanggang kailan tatagal ito.

"Hindi naman kasi ito medical issue na puwedeng in three, four months, e, tapos na.

"It’s more of just an emotional relief thing. So you know, this will go on for a while.

"So, hindi ko alam. You can’t even say na okay ka na.

"Basta improve nang improve. Every week, you improve."

A BETTER MO? What is it about him that he didn’t like before, pero ngayon ay nabago na? Something na hindi niya rin akalaing mababago pala talaga?

Napaisip ng ilang sandali si Mo bago nasagot ang tanong.

"Siguro appreciation of... the fact that I’m not always right about everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi dati, feeling ko... I mean, kahit papano, at that time na we decided to do something, feeling natin tama yung ginagawa natin.

"Na nakita natin yung mga consequences. Sasabihin natin, ’Ay, mali ako dito.’

"I’ve been able to realize, kung may mali akong gagawin before na gawin ko.

"It’s always a nice thing to do. Thanks to therapy and all that.

"I’ve also learned to appreciate siguro other people’s efforts.

"Kasi parang, maybe before, selfishly I think, you know, people and myself included, feeling natin, yung mga sacrifices natin ang mas mahalaga kesa sa mga sacrifices na ginagawa ng ibang tao.

"And you know, we should always remember that everything we do is very important to ourselves.

"Like, all our sacrifices are things we value highly. And I think, I’m learning that also now."

NOTHING ABOUT MO? Offending ba ang dating sa kanya yung sabi’y ipinagbabawal diumano ng GMA-7 sa mga TV crew nito na tanungin si Rhian about him?

"I don’t know. I don’t get offended by a lot of things," sabi niya.

"The only times that I get offended is when people talk badly about my daughter [Moira, anak niya sa dating young actress na si Bunny Paras].

"If people talk badly about my family, or if people talk badly about Rhian, do’n lang ako nao-offend.

"Pero, if people say all about these intrigues, or anything about sa akin, okey lang.

"Kasi I’m in this business also. Nasa showbiz talk show din ako."

Others take him kasi as parang kasiraan, o sagabal sa pagsulong ng career ni Rhian. Ano ang masasabi niya rito?

"I don’t know. I mean, I don’t think so.

"I think during our time naman, she had a top-rating soap.

"Rhian is such a talented actress and a beautiful person. So, she’d be okay naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maybe I think, ang nangyari lang is... [dapat] huwag na akong mapag-usapan.

"Don’t do what I did na very open in public.

"And it would be better if all of these personal matters will be discussed away from the cameras."

LESSON LEARNED. So, sa susunod niyang relationship kung hindi man sila magkabalikan ni Rhian, magiging very private na?

"Yeah!" bulalas niya.

"To an extent. I mean, siyempre, we don’t wanna lie either.

"It’s hard to have a relationship in the business.

"Siguro sa next relationship ko, although I don’t see it anytime soon, ano.... It will be open about the good time.

"But yung mga masasamang bagay, or mga arguments and stuff like that, iyon ang hindi na public.

"Positive things na lang ang public."

Pero kung sila ni Rhian ang magkakabalikan, malamang ba na itago na rin nila para maprotektahan ang kung anumang dapat protektahan? Gaya na lang nga halimbawa ng career ng young actress?

"I don’t know," sagot ni Mo.

"Let’s just wait down the line, na if ever it happens [na magkabalikan sila], I don’t think it will happen anytime soon anyway.

"And it’s really not my call. It’s something I think she [Rhian] will have to decide.

"Kasi, I’m the one who has to do a lot of improving.

"If ever it happens, hopefully... but I don’t think it will happen anytime soon kasi... [it’s] a long road ahead.

"And I can’t be confident naman na this thing [sitwasyon nila ni Rhian sa ngayon] will end positively in that sense.

"Pero I know that kahit papa’no, every week, something positive happens na we become better people."

STILL IN HIS HEART. Sabi rin ni Rhian, sakaling magkita sila by accident ni Mo one of these days, kakausapin naman daw siya ng aktres. Wala naman daw dahilan para isnabin siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Mo, "I think what happened was a tragedy. But at the same time, I really did love her very much.

"So, to not give her the respect to even say hello, would be very disappointing to myself.

"I would never hesitate to say hi. And I would never hesitate to protect her if she needs it.

"Or to be by her side kapag may problema."

RHIAN IS TOUGH! Nasabi rin nga ni Rhian, mukha lang siyang madaling naka-move on sa nangyari sa kanila ni Mo.

Siyempre raw kasi, ipapakita lang ng aktres kung ano ang gusto niyang ipakita sa publiko. Pero, hindi umano nangangahulugan na she’s okay na inside.

"Rhian is tough," sambit ni Mo.

"She’s tougher than me. Stronger than I am. Very much stronger than I am.

"And she has a lot of people who support her.

"I mean, her parents, her sister, yung friends niya.

"Everyone is so supportive of her. So, kahit may mga problems that she would go through in the past, she is still tough."

SEEING MOIRA. About his daughter Moira, kumusta na ang relasyon nilang mag-ama sa ngayon?

"She’s okay. I’m gonna go and see her on Wednesday [September 28]. Punta ako sa States.

"I’ll take her to lunch, or dinner. Tapos konting shopping.

"Tapos uwi na ako sa Friday [September 30]. As much as possible, I’ll try to see her lagi kapag may free time."

Napapadalas ang travel niya abroad lately?

"I travel a lot anyway. It’s something that I enjoy doing every other month. Pero, very short time.

"Like, ito ngang pagpunta ko sa States, halos one day and a half lang. Hindi matagal.

"Yung ibang travel ko, two or three days lang. Hindi naman puwede ang medyo mahabang bakasyon kasi sa dami ng work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I like my schedule now. I like the fact that I have a morning radio show. I have a night-time radio show.

"Every day, I have Juicy in the morning. Tapos may Paparazzi kapag Sunday.

"So, parang ang nangyayari nito, Saturday lang yung day off. But I like the schedule now.

"Maybe if ever, I’d like to get back to a social-political na talk show.

"I did that before in ABS[-CBN] for four, or five years.

"Tapos, I did it again for another two years. And then I did it again for another two years.

"Hindi naman ako napapagod sa dami ng work ko ngayon.

"It’s just talking. It’s just being able to learn from other people.

"Having a talk show is nice, kasi you get to know and talk to people. Understand kung ano ang mga ginagawa nila.

"And you can take a piece of it and put it in you own life, or enhace your own skills."

ONE-GIRL TYPE. Sa kagaya niyang celebrity, hindi mahirap maghanap ng babaeng maidi-date.

’Ika nga, there would be girls left and right para gisingin kung tulog man ang puso niya.

"I’m a one girl type of guy. Baka kasi siguro hindi ako yung classic na guwapo," nangiting sabi ni Mo.

"Hindi naman ako matinee idol. Kaya hindi ako gano’n na lapitin ng girls!" tawa pa niya.

Pero, kailangan din niya ng inspirasyon. At iyon ang inaantabayanan sa kanya.

Kailan naman ulit siya makikita dating someone again, kung hindi man nga si Rhian ulit?

"I’ll be completely honest, I have no plans of dating anytime soon.

"I just really want to get better. I mean, people say, ’Oh, you’re still in love with Rhian.’

"Of course I am. And I am not ashamed of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m ashamed of what I’ve done. And I’m ashamed of some of the decisions that I have made.

"But the last thing I’d be ashamed to, is be in love with this girl [Rhian].

"And continue to be in love with this girl kahit wala na kami," panghuling nasabi ni Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN