Paulo Avelino on what he can offer as a Kapamilya: "I have a lot to learn. I have a lot na kailangan ko pang ma-experience"

Paulo Avelino made his first guest appearance as a Kapamilya on The Buzz yesterday, September 25. "So far, ang kinakatakutan ko lang naman ngayon is hindi ko ma-portray nang maayos ang mga trabahong ibibigay sa akin," says Paulo when asked what he fears most about transferring to ABS-CBN.


First time na nag-guest nang live ang bagong lipat sa ABS-CBN na si Paulo Avelino sa The Buzz kahapon, September 25.

Pero bago ang interview sa kanya ni Toni Gonzaga, ilan sa mga nakasama ni Paulo sa primetime series na 100 Days To Heaven at iba pang Kapamilya stars ang bumati at nagbigay ng ilang mensahe sa kanya sa pamamagitan ng VTR.

Ilan sa kanila ay sina Coney Reyes, Xyriel Manabat, Jodi Sta. Maria, Marc Abaya, Pokwang, Melissa Ricks, at ang "idol" ni Paulo na si Kim Chiu.

NEW HOME. Ang unang tanong ni Toni kay Paulo ay kung kumusta na ito sa bago niyang tahanan, kung nararamdaman pa rin ba niya ang pagkailang, o kinakabahan pa rin ba siya.

"Kinakabahan pa rin, pero nandoon yung excitement. Parang mixed-emotion."’

Meron bang fears o kinakatakutan si Paulo sa naging paglipat niya o bilang isang Kapamilya ngayon?

"So far, ang kinakatakutan ko lang naman ngayon is hindi ko ma-portray nang maayos ang mga trabahong ibibigay sa akin," sagot ng dating Kapuso star.

Pero ayon sa mga nagbigay ng mensahe sa kanya sa VTR, prepared at inaaral naman daw ni Paulo ang mga linya na ibinibigay sa kanya.

Ano naman ang masasabi ni Paulo sa mga Kapamilya stars na nag-welcome sa kanya sa VTR?

"Thank you. Thank you," sambit niya.

"I didn’t expect them to give a short statement or welcome for me.

"Pero, nagpapasalamat ako at winelcome nila ako nang maayos and for the kind and inspiring words."

Pero ano nga ba ang gusto niyang gawin—drama, action, comedy?

"Sa ngayon, mas gusto kong mag-concentrate sa acting.

"Eventually siguro, magba-branchout din yun sa singing, dancing," sagot niya.

Sino sa mga Kapamilya stars ang gusto niyang makatrabaho?

"Dati kasi, napapanood ko rin ang Mara Clara. Siguro, gusto ko rin makatrabaho si Julia Montes."

May hinahangaan ba si Paulo na artistang lalaki sa Kapamilya network na gusto nitong makatrabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As I’ve said before, gusto ko rin makatrabaho si Coco Martin."

Bakit si Coco?

"The way he acts. I feel na kapag nakatrabaho ko siya, marami akong matututunan sa kanya," sagot ni Paulo.

Hindi naman kaila na maraming mahuhusay na aktor sa Kapamilya network. Ano ba ang meron kay Paulo that will make him stand out from all of them?

"Ako, I have a lot to learn. I have a lot na kailangan ko pang ma-experience.

"Pero ang akin lang kasi, I never stop learning and I won’t stop until kumbaga na I get yung contentment."

QUICKIE Q&A. Isang mabilisang Question & Answer session naman ang inihanda ni Toni para kay Paulo:

Unang tanong, guwapo ka ba?

"Yes."

Pogi ka ba?

"Yes."

Macho ka ba?

"Yes."

Maganda ba ako?

"Yes."

Natatawang hirit ni Toni, isiningit lang daw niya ang tanong na yun at ninerbiyos din daw siya na baka masabi ni Paulo na "no."

Lights on or lights off?

"Off."

Sexy, slim, or chubby?

"Slim."

Conservative or aggressive?

"Conservative."

Maganda na suplada or mabait na pangit?

"Mabait na pangit."

Boxers or brief?

"Boxers."

First Kapamilya crush?

"Kim Chiu."

Action, drama, or comedy?

"Drama."

Jake Cuenca, Gerald Anderson or Coco Martin?

"Coco Martin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN