Camille Prats reveals "letting go" of husband Anthony Linsangan after seeing him suffer from so much pain

"Kinausap ko na siya. Sabi ko sa kanya, ’Sige na, Mahal, magpahinga ka na.’ Sabi ko, ’Okay na. Huwag mo na kaming isiping lahat. Okay na kami,’" says Camille Prats about talking to her husband when he was already suffering from so much pain.


Marami ang humahanga sa ipinapakitang katatagan ni Camille Prats sa gitna ng pagdadalamhati niya sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa na si Anthony Linsangan.

Pumanaw si Anthony, sa edad na 31, noong Biyernes ng umaga, September 23, dahil sa nasopharyngeal cancer. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa pagkawala ni Anthony ay naging biyuda si Camille sa edad lamang na 26.

Sa panayam sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, September 25, isinalysay muli ni Camille ang mga kaganapan mula nang matuklasan nilang may cancer si Anthony hanggang sa mga huling sandali nito.

Ayon pa kay Camille, bukod sa dinanas na hirap sa treatment, labis din daw na ininda ni Anthony ang panghihina ng kanyang katawan. Dahilan para hindi na rin nito malaro ang kanilang three-year-old son na si Nathan.

"Alam ni Nathan that daddy’s in pain. So, hindi mo puwedeng talunan. Hindi niya puwedeng anuhin.

"But there were a couple of accidents na sinampahan niya ang daddy niya.

"E, dahil sa bone yung metastasis [spread of disease], masakit talaga.

"So, maiiyak talaga si Anthony sa sobrang sakit and he got frustrated, kasi hindi na niya malaro si Nathan.

"Hirap na hirap na hirap na hirap na talaga siya.

"Noong minsan, hindi ko alam kung ipagdarasal ko ba na pahabain pa yung buhay niya pero ganito, or kunin na lang siya para hindi siya mahirapan.

"Hindi ko na alam kung alin doon ang hihilingin ko," pagsasalaysay ni Camille.

Pero sa kabila ng naging karamdaman ni Anthony, hindi raw naging dahilan yun para mabawasan ang ipinapakitang pagmamahal sa kanila ng kanyang anak.

Very supportive pa rin daw ito, lalo na sa kanyang acting career.

Sa parte naman ni Camille, pinilit din niyang magpakatatag para sa kanyang asawa.

Aniya, "I have to be strong for him.

"Kasi, may mga panahon na pinanghihinaan siya ng loob. I had to be strong for him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, buong course ng treatment niya, hindi ko ipinakita sa kanya na umiyak ako. Nothing, wala, wala talaga.

"Nag-try talaga ako na hindi ipakita sa kanya yun.

"I’m sure he’s drawing his strength from me. So, I never showed any sign of weaknesses."

Pero may pagkakataon din daw na hindi na niya kinaya at nakapag-open din kay Anthony ng kanyang nararamdaman.

"One time, I got to talk to him. Sinabi ko na sa kanya na, ’Mahal, nahihirapan talaga ’ko.’

"Sabi ko, ’Ayoko na ng ganito. Bukas, pagkagising ko, gusto ko, nandoon na lang tayo sa bahay. Tapos nagka-kape ka na lang sa dining.

"’Tapos nakakalat doon lahat ng papeles mo. Tapos nagagalit ako kasi kinalat mo na naman do’n.

"’Gusto ko, ganoon ulit tayo. I just want that back.

"’Kahit araw-araw nating pagtalunan ang papeles mo doon sa dining, I don’t care. Bumalik ka lang sa ganoon.’

"Tapos, sabi niya sa akin, ’Alam mo, Mahal, okay lang yun.’

"’Kasi, alam mo, yung maliit na maliit na miracle na yun na gagaling ako, yun ang hinihintay natin.’

"Sabi niya, ’Saka mangyayari yun. Huwag ka nang mag-alala, mangyayari talaga yun.’"

Mahirap man, pero dahil na rin sa nakikitang labis na sakit na pinagdadaanan ng asawa, nagawa na rin ni Camille na "pakawalan" ito.

"Kinausap ko na siya. Sabi ko sa kanya, ’Sige na, Mahal, magpahinga ka na.’

"Sabi ko, ’Okay na. Huwag mo na kaming isiping lahat. Okay na kami.’

"’Si Nathan, huwag mo na siyang isipin, kasi I will really make sure, he won’t grow up a spoiled brat.

"’I’ll make sure, you’ll be proud of him.’

"Tapos sabi ko, ’You fought very hard for your life. It’s been a year already.

"’So, if it’s time for you to go... Pagod na pagod ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Camille, hindi raw nag-iwan si Anthony ng anumang habilin sa kanya bago ito pumanaw.

"Hindi, he never did.

"And siguro, hindi ko alam kung para sa akin, mas maganda na hindi siya nagbilin.

"Siguro mas gusto ko na marinig sa kanya na until the very end, he will fight for it.

"And siguro, ayaw na niyang marinig ko kung ano pa ang gusto niyang gawin."

Dagdag pa niya, "Unang-una, gusto kong magpasalamat sa mga tao sa media.

"It has been going around for I think, early this year pa. Pero, nagpapasalamat lang ako sa respeto.

"Kasi, wala man lang ni isa na nagsulat about my husband’s disease.

"Tapos, sa lahat ng tao, sa mga nagmamahal sa amin, sa pamilya namin at kay Anthony, lubus-lubusan po ang pasasalamat ko sa pagpapakita n’yo ng suporta at pagmamahal sa asawa ko at sa pamilya."

Bukas, September 27, ay ihahatid na sa kanyang huling hantungan si Anthony sa Manila Memorial Park sa Dasmariñas, Cavite.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN