Tirso Cruz III pairs anew with Nora Aunor in Hototay; Christopher de Leon is also said to be in the cast

"May mga inaayos lang kami. May mga pinag-uusapan kaming details. Pero most likely, if everything falls into place, kasama ako sa pelikula," says Tirso Cruz on Hototay reunion movie with Nora Aunor.


Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang multi-award-winning actor na si Tirso Cruz III nang um-attend siya sa birthday party ni Direk Joel Lamangan sa Cabalen West Avenue, Quezon City, last Saturday, September 24.


With Pip was his wife, Lyn Ynchausti-Cruz.

Medyo malakas ang pagtugtog ng mga musikero sa venue ng party kaya sandali lang naming kinausap si Tirso.

Naitanong namin ang ilang pinakahuling kaganapan sa kanyang career bilang aktor, tulad ng nakumpirma nang pagsasama nilang muli sa pelikula ng Superstar na si Nora Aunor, Pip’s erstwhile ka-loveteam.

Ang pelikula ay may titulong Mano Po 7 (Hototay), isang romantic comedy under Regal Entertainment Productions at ididirek ni Joel Lamangan.

Ito ang isa sa mga entry ng Regal Entertainment sa December 2011 Metro Manila Film Festival.

"Well, almost close na kami [sa deal]. Almost sure na," pag-inform ni Pip sa PEP.

"May mga inaayos lang kami. May mga pinag-uusapan kaming details.

"Pero most likely, if everything falls into place, kasama ako sa pelikula."

Hindi pa nga lang mabanggit ni Pip kung ano ang magiging papel o character niya sa comeback movie ni Ate Guy.

Wala bang hesitation kay Pip nang i-offer sa kanya ni Mother Lily Monteverde ang project?

"Wala naman. Trabaho lang, e," sabi niya.

Nagkita na ba uli sila ni Ate Guy?

"Hindi pa kami nagkikita," sagot ni Pip.

At walang mababanggit pa si Pip tungkol kay Guy, as he hasn’t seen her yet. Maski raw sa TV kapag ini-interview ang dating kapareha ay di pa niya nakikita.

"Hindi rin ako masyadong [nakakapanood sa TV]. O, bihira ako makapanood ng TV. Lagi rin akong nasa labas."

ON GUY’S COMEBACK. Looking back, naging popular sa publiko ang tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, na nakagiliwang taguriang Guy & Pip, simula noong ilunsad ang tambalan sa pelikulang D’Musical Teenage Idols (1969).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, decades later, masasabing matunog pa rin ang tambalang Guy & Pip.

"Mabuting nagbalik siya [Nora] dahil, siyempre, yung mga fans din niya, hinahanap din siya.

"’Tsaka siyempre, karapatan din niyang magbalik," wika pa ni Tirso.

REUNION WITH BOYET. Sa TV5 mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina ay muling nagtagpo at nagkatrabaho sina Nora at Christopher de Leon.

Tinangkilik din ang loveteam ng dalawa, na nauwi pa nga sa pagpapakasal, in 1975. Nagkaroon sila ng isang anak, si Kristoffer "Ian" de Leon.

Sa gagawing pelikula ni Nora sa Regal ay balitang kasali rin sa cast si Boyet de Leon.

Kaya excited nang inaabangan ng mga tagahanga ang pagbabalik ng Nora-Tirso-Boyet "triumvirate" sa Elwood-Perez-directed romance-drama titled Mahal Mo, Mahal Ko (1978) na iprinodyus din ni Mother Lily.

This time, sa Hototay, ang pampitong obra sa Mano Po series.

"Nabanggit ni Mother [Lily], pero hindi ko naman alam kung nagkausap na sila [ni Boyet]," sabi ni Pip.

PEP informed him, na as of last Thursday, September 22, sa red-carpet premiere ng Sa Ngalan Ng Ina, kinumpirma ni Boyet na nagkausap na rin sila ni Mother Lily para sa nabanggit na MMFF 2011 Regal entry.

What’s more, sina Pip at Boyet ay may gagawin ding shows in the coming months, o bago matapos ang 2011.

"May ilang shows ako na naka-slate for Casino Filipino.

"May mga shows kaming naka-ready ni Christopher de Leon. Back-to-back kami," pagtukoy rin ni Tirso.

Which means, walang problema sa pakikipagtrabaho niyang muli sa ex-husband ni Ate Guy.

"Oo naman," nakangiting saad ni Pip.

TOGETHER AGAIN. At sa lalong kasiyahan ng kanilang die-hard, ever-faithful fans, wala ngang problema sa pakikipagtambalang muli ni Tirso kay Nora sa Hototay.

Malamang, aalingawngaw na naman sa mga radyo at telebisyon ang awiting "Together Again" ng Guy & Pip loveteam, na ni-record ng dalawa noong early ’70s.

Natawa uli si Pip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Okey naman ako. I mean, kahit sino naman ang makatambal ko, I’m always happy.

"Because, well, it means for the betterment ng industriya din natin; para mabuhay ang paggawa ng pelikulang Pilipino.

"So, hopefully, magandang lalabas [ang Hototay]."

WISH FOR GUY & ERAP. Samantala, si Tirso ang una sa mga naging leading men ni Nora Aunor noon, na naringgan namin ng pahayag tungkol sa hangaring pakikipag-ayos o panunumbalik ng pakikipagkaibigan ng Superstar kay dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada.

Sa nangyaring sigalot between Nora and Erap, sanhi ng pulitika, si Pip ang unang nalungkot at umasang isang araw ay babalik ang dating pagkakaibigan ng dalawa.

"Well, gano’n naman talaga ang buhay, e. Nagkakaroon ng mga misunderstanding ang mga tao.

"Pero magkakaayos din ’yan," paniwala ni Pip.

At si Pip nga ang unang nagpahayag ng ganung saloobin.

"Nagkataon lang siguro. Nagkataon lang, e, di naman ano... wala pa namang confirmation yung pagbabalik niya [Nora], last year," sabi niya.

Hindi nga sinadya ang lahat. Maaaring gaya rin nang malimit sabihing "in God’s time, everything will fall into its proper place."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN