Juris Fernandez reveals engagement to boyfriend of five years; plans to have their wedding within the year

Acoustic singer Juris Fernandez will have a Catholic wedding with her non-showbiz boyfriend before the year ends.


Kahapon, September 26, ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Juris Fernandez sa isang restaurant sa Quezon City. Bagamat para sa bago niyang album na Forevermore ang presscon, mas naging sentro ng usapan ang nalalapit nang kasal ng acoustic singer.

"Engaged na ako, gan’yan. Nape-prepare prepare lang, gan’yan," ang maikling sagot ni Juris nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.

Reserved at nahihiya ang acoustic singer na ikuwento ang detalye ng kanyang engagement, kaya matipid lamang ang mga sagot niya sa tanong ng press. Request daw kasi ng kanyang non-showbiz partner na hindi muna magbigay ng detalye sa media. Hindi rin binigay ni Juris ang pangalan ng kanyang mapapangasawa.

Very private person ang partner ni Juris, na limang taon na niyang boyfriend. Nakilala niya raw ito sa isang gig noong 2004.

Ayon kay Juris, ngayong taon na ang kanyang "simple" wedding.

"Anytime. This year. Malapit na. Parang ilang buwan na lang ang naiiwan so ’wag n’yo nang tanungin kung kailan," sabi niya nang nakatawa.

Saan ito gaganapin?

"Basta somewhere there."

E, ano naman ang theme?

"Wala namang theme. Hindi naman kasi ako ganun, e. Wala lang, simple lang," sagot niya.

Catholic wedding raw ang gaganapin, at kasama sa guest list ang kaunting friends from showbiz.

"Hindi naman siya ganun kalaking wedding. So pipili kami, or something. Meron akong ilan, pero, ’wag na lang nating i-mention. Kasi hindi naman lahat, kumbaga, ilan lang talaga yung close friends ko sa... Kumbaga, we have to also consider ng partner ko na, kaibigan din niya," saad niya.

Very supportive rin daw sa kanyang career ang kanyang magiging kabiyak sa buhay, kaya’t hindi naman siya titigil sa pag-awit matapos ang kasal.

Handang-handa na ba talaga sila? May sarili na ba silang bahay? Ilang anak ang nais nila?

Tawa muli ang sagot ni Juris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wag naman nating pag-usapan! Dito na lang tayo sa album ko, maganda ang album ko!"

Huling tanong: anong kanta sa album ang iniaalay niya para sa kanyang partner?

"Forevermore! Naks!" ang mabilis niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN